HINDI madaling tanggapin ang desisyon ni Israel lalo na at bulag ako sa mga rason na sinasabi niya. Hindi malinaw sa akin kung bakit gusto niyang isuko ang tungkol sa aming dalawa, so I still tried to convince him that we could work it out. Na kung anuman ang problema ay malalampasan namin nang magkasama, pero sa bandang huli ay hindi pa rin ako pinakinggan ni Israel. Balewala ang mga sinabi ko. Balewala maging ang mga luha ko. Balewala ang panunumbat, pagmumura at pananakit ko. Balewala kahit pa ipaalala ko sa kaniya ang mga bagay na ginawa niya para sa’kin at ang mga bagay na pinagsaluhan naming dalawa. Balewala rin ang paulit-ulit na pagsasabi ko kung gaano ko siya kamahal at hindi ko kakayahin kung iiwan niya ako. Balewala kahit pa unti-unti akong nauupos sa harapan niya hanggang sa

