THE sound of the shattered crystal broke the silence of the room. Maya-maya ay sinundan iyon ng mga natatarantang kaluskos galing sa labas ng kwarto ko. Ilang sandali pa, narinig ko naman ang pagbubukas ng pinto. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko kung sino ang dumating. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinaboy si Genesis sa tuwing papasok siya, pero matigas ang ulo ng pinsan ko. Balik pa rin ito ng balik. “Mamaya n’yo na lang linisin ang mga nabasag. Tatawagin ko kayo.” Narinig kong bilin niya sa mga katulong. “Sige po, Sir.” Sumunod doon ay ang pagsara ng pinto. Paismid akong sumandal sa gilid ng kama. My body smelled of alcohol. Pati ang buong kwarto ay amoy alak na rin. Magulo. Walang makikitang maayos sa paligid maliban sa mga bagay na hindi ko naman hinahawakan. “Il

