Kabanata 33

1787 Words

MALAYO-LAYO pa ako sa pinto ng bahay ay naririnig ko na ang galit na boses ni Tita Liza. Patakbo akong lumapit sa pinto at pumasok sa sala kung saan ko naabutan si Jelo na umiiyak. “Ate Mommy!” palahaw nito nang makita ako. Dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. Tumingin ako pagkatapos sa asawa ng tatay ko. “Ano bang nangyari, Tita Liza? Bakit umiiyak si Jelo?” “Pinalo ko, bakit? Napakatigas kasi ng ulo ng kapatid mong ‘yan! Ang hirap sawayin! Sinabi ko nang h’wag lalabas ng bahay, lumabas pa rin! Hindi mo ‘yan tinuturuan na sumunod sa’kin kaya ganiyan!” Bumaling ako kay Jelo. Humihikbing nagpaliwanag ang bata at nag-sorry sa’kin. “Tahan na, okay na! Basta sa susunod kapag sinabi sa’yo ni Lola Isay na dito ka lang sa bahay, dito ka lang. Okay?” Tumango si Jelo. Pinahid ko naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD