Kabanata 34

2096 Words

“ANO po ang order n’yo, mga Sir?” tanong ko sa customer na nakaupo sa aking area. Agad nagsabi ng order ang tatlong lalake. Medyo pamilyar ang mga mukha nila dahil halos pabalik-balik lang naman ang mga customer ng kainan. Ang iba sa kanila, matatawag kong regular na dahil gabi-gabing naroon. May mga negosyante, night shift workers at magkakabarkada. Kung helper ako ng cook sa canteen, sa resto-bar ay isa akong waitresseceptionist. Malawak, pero simple lang ang interior ng kainan, at masasabi kong ang lasa ng mga pagkain ang totoong binabalik-balikan. Mga mumurahing klase lang ng alak ang isine-serve dito. May live performances tuwing Biyernes na dinudumog din ng mga tao. Nang matiyak kong tama ang nailistang orders ng tatlo ay dali-dali na akong pumunta sa counter para iabot ang orde

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD