NO regrets. Not even a bit. Alam ko ang pinapasok ko at ito talaga ang gusto ko. Israel and I just made love on his bed. Nakatulog kami pareho pagkatapos. Nagising lang ako nang maramdaman kong kumilos siya at nakita ko ang sariling nakakulong sa mga braso ni Israel. Hindi ko maawat ang sarili ko sa pagngiti. Hanggang sa oras na ‘yon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kami. Alam ko sa sarili kong hindi ito isang bagay na bibitiwan ko kapag ayaw ko na. This was something else. I tend to keep Israel by my side. At gagawin ko ang lahat ng kaya ko para hindi siya magsawa sa’kin. Dahan-dahan akong bumangon at pinagmasdan siya habang natutulog. Hinaplos ko ng mga daliri ang alon-along buhok ni Israel. Pinadaanan ko ng hintuturo ang perpekto niyang ilong at ang mapupulang labi. I c

