“SIGURADO ka ba?" Hindi makapaniwala ang tono ni Genesis. "Does it mean hindi mo na itutuloy ang plano mong pagganti kay Williard Gallano? So it means you're giving up.” “Gano'n na nga.” “What changed your mind then? Anong nangyari at nagising ka bigla? Oh, let me guess! Napamahal ka na siguro sa pamilya ng tatay mo kaya ayaw mong saktan sila?” Hindi ako agad nakasagot. Tumayo ako sa kama at lumapit sa bintana. Mula roon ay tanaw ko si Andy na abala sa mga dumadating na customers. Pangalawang araw ng garage sale. Napansin kong paubos na pala ang mga tinitinda nito. Hindi ko napigilang ngumiti. “Anong nagpabago sa isip mo, Ivan? I’m curious. Hindi kasi pwedeng mag-iba ang plano mo nang walang karason-rason. It’s either you began to care about your siblings or…” Nagusot ang noo ko sa p

