PAGKALAGAY ni Mommy ng damit sa hanger ay isinabit niya iyon sa garment rack katabi ng iba pang nauna. Tapos nang plantsahin ni Ate Toyang ang mga blouse at palda. Mga pantalon na lang ang natitira. “Buti na lang hindi nagkahawaan ang mga damit kung hindi, e ‘di mahirap nang ibenta ang mga ‘yan. Kapag maglalaba ka, Andy, hindi dapat sama-sama. Ihiwalay mo ang ma de-color sa puti. E, pati mga maong na pantalon isinama mo sa pagbabad.” Natatawa si Ate Toyang habang nakikinig sa panenermon sa’kin. Si Mommy kasi ang nagtapos ng naiwan kong labahin kaya nakita niya ang mga kapalpakan ko. Tinulungan daw siya ni Ate Norma. Ipinatawag naman niya si Ate Toyang para siyang magplantsa. “Ang pinagsabunan, bukod sa napakaraming tubig, napakarami ring sabon na inilagay. Hayan tuloy at ikaw ang nadisg

