TUWING Biyernes ang live performance sa resto-bar at expected na mas marami ang mga taong pumupunta. Kapag ganito, sinisigurado ko na nakatulog ako nang maayos sa bahay bago ako pumasok sa trabaho nang sa ganoon ay hindi ako lalamya-lamya sa pagse-serve at may sapat na lakas para sa buong gabi. “Jelo, dito lang kayo sa bahay ng mga kalaro mo. May mga binili akong cookies at juice para sa’yo. Mag-share ka rin sa kanila, ha?” Iyon ang bilin ko sa anak ko bago pumanhik ng kwarto. Kararating ko lang galing sa canteen at balak kong matulog na agad. Naroon din si Tita Liza sa sala, nanonood ng sinusubaybayan na drama sa TV. Kahit paano ay kampante ako dahil alam kong mahigpit siya at hindi basta makakalabas si Jelo kahit yayain ito ng mga kalaro. May isang oras pa lang yata ako natutulog na

