“MAGKAPE ka muna, Ivan.” Mula sa matagal na pagkakatitig sa kawalan ay lumipat ang tingin ko sa center table kung saan ipinatong ng Tita Liza nina Wesley ang kapeng tinimpla nito para sa’kin. Gusto ko sanang tumanggi. Sa nararamdaman kong kaba sa pagkakataong ‘yon, hindi kape ang kailangan ko. Mariin akong napapikit. Miranda and I aren’t siblings. The relationship we had six years ago wasn’t inc3st. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. “Kuya… ayos ka lang ba?” Nagmulat ako at nag-angat ng tingin kay Wesley. Nakaupo siya sa kabilang sofa at kunot-noong pinagmamasdan ako. Marahan akong tumango at tipid na ngumiti kahit ang totoo ay tila hinahampas ng malaking bato ang ulo ko. Mistula akong bilanggo na nakalaya pagkatapos ng sinabi ni Wesley, pero agad ding ibinalik sa pagka

