Kabanata 39

1901 Words

PINAUWI rin ako pagkatapos ibigay ng nurse ang reseta. Bago pa ‘yon ay ipinaliwanag na ng doctor ng ER ang resulta ng aking laboratory test. Humina raw ang immune system ko kaya kinapitan ng infection na sanhi ng lagnat ko at sakit ng ulo. Mild anemia naman ang dahilan ng pagkahilo at pagkawala ng aking malay kanina. “Magpahinga ka kasi, Ate. H’wag ka munang pumasok sa trabaho kahit ilang araw lang.” Hindi ko sinagot si Wesley. Normal na ang temperature ko nang lumabas kami ng emergency room at hindi na rin ako nahihilo, pero naisip ko nang um-absent muna sa duty mamaya sa resto-bar. Iyon din ang bilin sa'kin ni Tintin bago siya nagpaalam kanina. Aabsent ako mamayang gabi para bukas ay hindi ako mawawala dahil may special number na inihanda ang mga crew ng resto-bar para sa isang matand

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD