Kabanata 64

2286 Words

PAGPASOK sa passenger seat ay nilingon ko si Jelo na mag-isang nakaupo sa likod. Mas gusto ko sana na kalong-kalong siya, pero pinanindigan nito na big boy na raw dahil na rin sa turo ng tatay niya. Tiniyak na lang namin na komportable siya sa backseat at nakasuot nang maayos ang seat belt. Maya-maya pa ay sumakay na rin si Israel. Pauwi na kami at kasalukuyang nasa parking lot ng magiging school ni Jelo. Napa-register na ito ng kakilala ni Israel, pero kanina lang opisyal na na-enrol. Nakakatuwa nga dahil bukas na bukas din ay ganap nang estudyante ang anak ko. “Uuwi na po tayo?” tanong ni Jelo na nagpalingon kay Israel dito. “Gusto mo na bang umuwi? Ayaw mo bang sumama sa pupuntahan ko?” Kumislap ang mga mata ng anak ko. “Saan po?” Ningitian niya ang anak, pero iba naman ang isin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD