UMILING ako sabay pahid sa manipis na luhang hindi ko namalayan na pumatak sa aking pisngi. “I’m sorry po. Kahit anong sabihin n’yo, hindi ako maniniwala hangga’t hindi si Israel ang mismong nagsabi sa’kin.” Umismid ang matandang Napoleon. “Do you really expect he would tell you? Will he reveal himself in front of you?” “Kung gano’n pala bakit sinasabi mo ngayon sa’kin ‘yan? Para sirain kaming dalawa? Inilalaglag mo ang sarili mong pamangkin para sa’n? Hindi ba’t mas dapat ko kayong pagdudahan dahil sa ginagawa mo?” “Look, young lady. I don’t care what you think of me. Ginagawa ko lang ito para malaman mo kung anong pinapasok mo. And also for my nephew to finally get back to his senses.” “And why do I need to get back to my senses, Uncle?” Napatingin ako sa nagsalita. Wala man lang n

