YANA "Ang late naman yata ng walk of shame mo, Alyana Louise!" s**t! Napatigil ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko nang marinig kong may nagsalita sa likod ko. Akala ko walang tao dito sa bahay? Kaya nga ngayon lang ako umuwi eh. Ayoko kasing sagutin yung mga tanong nila if ever. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung papa'no sagutin yung mga tanong sa isip ko. Bakit ako nagpaakit kay Kat? Bakit ko hinayaang mangyari yon? Bakit n'ya ginawa 'yon? Umalis lang ako saglit kanina para ibili s'ya ng coffee, pero pagbalik ko, wala na s'ya. Bakit n'ya ako iniwan na hindi man lang ako kinakausap? Pinagsisihan ba n'ya yung nangyari sa amin? Yun ba yon? Dahil ba may boyfriend s'ya? Pero naramdaman ko kagabi, habang ilang beses naming ginawa yon, na ako yung mahal n'ya. Pero bakit n'ya ako iniwan

