YANA "Lintek ka, Olivia! Bakit mo sinapak? Papa'no kung napuruhan mo yung yung kapatid ko? Eh di kargo mo pa yan? Eh di mas lalong walang kikilalaning ama yung dinadala ng kapatid mo! Mas gugustuhin mo ba s'yang maging dalagang ina?" yun agad yung narinig ko nung nagsimula akong magkaroon ng malay. I couldn't see them dahil hindi ko pa maimulat yung mga mata ko dahil sa lakas nung impact ng pagkakasuntok sa akin. "Ha-ha, very funny, Klarisse. But I don't care. It'll be best for her if she's already dead, or I'll try to kill her again." ay wow ha. Ang hard naman. Pero kung napalakas pa siguro ng kaunti yon, malamang, pinaglalamayan na ako ngayon. I had no idea na ganun pala kalakas sumapak si Olivia Ilustre. "Chococake, kumalma ka kasi muna. Hindi mo kailangang pumatay ng tao. Papa'no

