HINDI maka-get over si Stella sa mga sinabi ni Glenn. Pero iginiit niya na maaring tinuruan ni Carlo ng mga poems or quotes si Glenn pero iba ang pakiramdam niya. May emosyon ang pagkakasabi ni Glenn ng mga kataga, mula sa puso, his thought. Natuto itong magsalita dahil sa robot na unang nagturo rito. Nakatulong din ang machine upang ma-develop ang pagbigkas nito ng mga salita ayon sa nasasagap ng utak nito. Ang pagsusulat lang ang hindi naituro nang maayos kay Glenn, pero sa mga salita, okay ito. May ilang salita lang na hindi ito pamilya. English at Tagalog ang nai-set sa machine na ma-adapt ng utak nito at tinuruan lang ng wastong paggamit sa kumunikasyon. “Why are you saying that?” usig niya rito. “I am saying what I had observed or thought and felt. Hindi ko alam kung ano ang narar