NAGPABILI na si Stella ng charts para sa aralin ni Glenn. Meron ding manikin na babae at lalaki na merong visible organs. Magaling sa science si Carlo at nangakong matutulungan siya na maitama ang maling nasagap ng utak ni Glenn. Matanong ang binata kaya hinabaan pa niya ang pasensiya sa pagsagot at mahaba-habang paliwanag. Linggo ang pinili niyang day off at hindi talaga siya nakihalubilo kay Glenn. Umaga pa lang ng day off niya ay naglaba na siya. Pagkatapos ay gumala siya sa pantalan. Naabutan niya roon sina Glenn at Carlo, namimingwit habang nakaupo sa gilid ng pantalan. Nagdala siya ng mixed nuts at pinapak habang pinagmamasdad ang dalawa na nagbabangayan. Nakatayo lang ang tatlong bodyguards ni Glenn sa likuran ng mga ito. Mamaya ay tumayo si Carlo. “Iihi lang ako,” paalam nito k