Chapter 45 Rile Frenniere’s POV "Bro, lumabas ka naman. Hindi kana namin lalo nakasamang lumabas. You’re shutting yourself again from everyone." Mahinahon na sabi ni Bryan at inakbayan si AC. Akalain mong hindi sumisigaw si Bryan. And we expected what we could get from AC. He just smiled and shook his head. Since she left, he lost himself. Bihira nang magsalita, walang gana sa lahat. Dito na nga rin ako nakatira sa bahay niya dahil noong unang tatlong araw na wala na si Alyannah hindi na yata siya kumain. May pumupuntang katulong dito tuwing Linggo para maglinis at maglaba ng damit mga damit namin. Nang malaman kasi ni Mrs Mendoza ang nangyari, nagpadala agad siya ng katulong para sa ‘min at pinakausapan sila mommy na dito na muna ako. Although maganda ang pagbabago niy