Chapter 46 Alyannah’s POV "Oh. Heto na burger mo Yannah! Papatayin ako ni kuya Red ‘pag nalaman niyang binilhan kita niyan." Naiinis na sabi sa 'kin ni Grey. Agad ko namang binuksan ang paper bag at nilantakan ang burger. "Thank you Grey!" Pasasalamat ko. Umayos ako ng sandal dahil malaki na ang tiyan ko. Weeks nalang at makikita ko na ang baby boy ko. "Salamat ka diyan. Bahala ka!" Iritableng sabi na naman ni Grey at padabog na umupo sa tapat ko. "Bakit ka ganyan?" Tanong ko habang kumakain. Ang sungit sungit niya. "Wow! Tinanong mo pa. Eh ang labo eh. Magagalit si kuya kapag binilhan kita niyan. Pero mas naman ang galit ‘yon kung mapapaiyak kita." Napatawa naman ako sa kanya. Siya kasi nagbabantay sa akin dahil may importanteng pinuntahan si Madi at