Maganda ang gising ni haring araw ngunit hindi ang mga Montereal. Nagkakagulo ang lahat sa pagdating ng hindi inaasahang bisita. Ang tanging nilalang na siyang pinagkatiwalaan ng namayapang Asuncion at Eduardo.
"Anong ibig sabihin niyan, Mike. Wag mo namang ipamukha sa akin nang paulit-ulit ang ganyang rason. Oo, hindi ako tunay na anak nila Mama at Papa, pero hindi ibig sabihin no'n, hindi na ako pamilya. Isa pa, wala na ang kapatid ko! Sino pang magmamana ng mga iniwan ng magulang ko kung hindi ako, hindi ba?" ani Christoper Montereal.
Mabilis niyang naubos ang dalawang stick ng sigarilyo. Gaya ng pagpipigil niyang magwala, gano'n din si Mike sa mga impormasyong natuklasan niya sa pamilya Montereal.
Para kay Atty. Mike, hindi pa ito ang tamang panahon. Bagamat may mga lead na siya tungkol sa nangyari sa tunay na tagapagmana ng yaman ng mga Montereal, hindi siya pwedeng magmadali. Naniniwala siya sa kasabihang 'Time is the ultimate truth teller'.
Ang itaas ang tanging nakakaalam, siya rin ang maghahayag kung kailan ang tamang panahon para ilabas ang lahat.
Nagpunta lamang siya sa mansyon ng mga Montereal na ngayon ay pinamamahayan na ni Christoper at ng pamilya nito dahil hindi siya nito tinatantanan tungkol sa mana.
"Sana maintindihan mo na hindi basta-basta ang mana, Christoper. May kasulatang iniwan sina Don Eduardo at Donya Asuncion. Ilang beses ko na itong sinabi sa iyo. Tanging ang tunay nilang anak na si Eugenio lamang ang tagapagmana. Hindi pa nahahanap ang bangkay niya kaya hindi natin masisigurado kung siya'y talagang wala na o nabubuhay pa siya at may sariling pamilya katulad mo," ani Atty.
Kalmado ang kaniyang tono ngunit labis na takot ang nagkukubli sa kaniyang dibdib. Alam ni Atty. Mike ang kakayahan ni Christoper. Baka kung sasabayan niya, hindi na siya makalabas ng buhay.
"Paano kung matagal na siyang patay at wala siyang naiwang pamilya? Paano ang yaman nila Mama at Papa? Mabubulok na lang? Gano'n?" tanong ni Christoper na humihithit pa rin ng sigarilyo.
"Kung ganiyan nga ang nangyari, ayon sa batas natin, ikaw ang magmamana nang lahat. Iyon ay kung mapapatunayan natin na patay na si Eugenio at wala nga siyang buhay na pamilyang naiwan," paliwanag ni Mike. Pagkatapos niyang sabihin iyon, mas lalo siyang sinukob ng takot lalo na noong makita niya ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Christoper.
"Tutulungan kita sa bagay na iyan, Mike. Ako pa ba? Bigyan mo ako ng isang buwan. Ilalatag ko sa iyong lahat ang ebidensya na kakailanganin mong malaman. Alam mo namang mahal na mahal ko ang kapatid kong si Eugenio. Aalamin ko sa lalong madaling panahon ang tunay na nangyari sa kaniya," wika ni Christoper.
Doon na natapos ang kanilang pag-uusap dahil para kay Christoper, sapat na ang impormasyong narinig mula kay Mike. May tyansya siyang makuha ang lahat ng mana, isa lang ang dapat niyang siguraduhin, ang mawala sa landas niya ang nag-iisang naiwang buhay na laman ni Eugenio.
"Maraming salamat sa iyong walang sawang paggabay sa pamilya namin, Mike. I really appreciate your effort. Wag kang mag-alala, hindi ako pinalaki nila Mama at Papa na madamot. Mababahagian ka rin sa yaman, basta't ipagpatuloy mo lang ang pag-alaga sa amin," ani Christoper bago lisanin ang silid nang may makahulugang ngiti sa kaniyang mukha.
MARGAUX
"What do you mean I need to go home now? Hindi pwede," may conviction kong wika sa kabilang linya. Nagulat ako dahil bigla na lang tumawag si Gerald, ang bunso kong kapatid. He wanted me to go home right now dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin.
"Kailangan kong bantayan ang asawa ko, Gerald. May dagang nakapasok sa bahay. Nakaka bwesit," ani ko. Actually, nagpaalam ako nang maaga kay Tito na uuwi na ako dahil masama ang aking pakiramdam. Alibi ko lang iyon para mabantayan yung Rose dahil baka hindi na naman pumasok si Ivan sa office niya para lang makipaglaro sa kabit niya.
I am definitely against to the idea na kasama kong maninirahan ang low class na babaeng iyon. It's just that, I can't say no to Ivan. Oo, napakabobo ko sa part na iyon. Talagang isinusuka ko ang bituka ko habang uma-agree ako sa sinabi ni Ivan sa akin.
'Wag na tayo maglokohan, Margaux. Alam mo kung bakit ako natali sa iyo.'
"Alright, uuwi na ako sa bahay. Siguraduhin mo lang na mabilis at talagang importante ang sasabihin mo, ha!" ani ko nang may pagbabanta tapos ibinaba na ang tawag. Malapit na rin naman ako sa bahay namin, hindi na aabutin ng limang minuto.
Since uuwi ako, pinag-iisipan ko kung sasabihin na rin sa family ko yung napag-usapan namin ni Ivan kagabi. Natatakot lang ako kasi kapag ginawa ko iyon, for sure, malalagay sa alanganin si Ivan. Malaki ang part ng magulang ko sa business ng mga Montereal, thus, naging smooth ang connection ko kay Ivan at ayun nga, naging possible na ikasal ako sa kaniya kahit na alam kong napilitan lang siyang mangako sa altar kasama ko.
"Well, hindi ko kasalanan ang lahat. Sisihin niya ang Lolo at Papa niya dahil pumayag sila. Bakit ba ako nagpadala sa pang gi-guilt trip niya kagabi. Kainis. Dapat ako ang masusunod dahil ako ang asawa niya at kung hindi dahil sa akin, hindi niya mase-secure ang pagiging next successor ng kanilang business." wika ko sa aking sarili. Ngayon lang ako nakakapagsalita, pero kagabi, tameme ang bibig ko.
Ang galing kasi ni Ivan mag-manipulate. Alam niya ang kahinaan ko. Magpasalamat siya dahil mahal ko siya dahil kung hindi...
Ewan ko lang talaga!
"Manang, nasaan si Gerald?" tanong ko nang makarating na ako sa bahay. "Nasa loob po siya ng movie room, ma'am. Tawagin ko po ba siya?"
"No need na. Ako na lang ang papanik," sagot ko. Naglakad na ako pataas dahil gaya ng sabi ko, nagmamadali ako.
"What? Spill the tea agad," bati ko kay Gerald na nadatnan kong nakaupo at nagkakape.
"Have a seat, sa sobrang init nito baka maihi ka," ani ya, tatawa-tawa.
Inirapan ko si Gerald dahil sabi ko sa kaniya nagmamadali ako, wala akong time para makipaglokohan.
"Sabihin mo na agad dahil may intruder sa bahay. Kailangan kong bantayan at baka mapatay ko."
"Intruder?" nagtataka niyang tanong. Huminga ako nang malalim. I don't wanna spill the tea to this bird brain but yeah, I don't have a friend to share this s**t with, wala ako choice kung hindi sa family ko mag-rant. Hindi ko rin naman kayang solohin ang problemang ito... but I'll try pa rin.
"Ivan got a new girl from a brothel," matipid at mabilis kong wika. Naibuga ni Gerald ang iniinom niyang kape. As expected dahil kung ako rin makakarinig nang gano'n while sipping my drink, hindi lang buga, mababasag ko 'yong hawak kong baso.
"What the f*ck? What did you do? Kailan pa? At saka bakit mo babantayan? Hindi ba dapat pinapalayas mo? Anong klaseng utak meron ka?" sunod-sunod niyang tanong.
"Napakabastos ng bunganga mo kahit kailan, Gerald. Kung makapagsalita 'to kala mo naman kasama mo ako sa bahay at alam mo ang dahilan at kung ano ang nangyayari. Of course gusto ko siyang mapalayas. In fact, kating-kati na akong kaladkarin siya palabas ng bahay kagabi, kung hindi lang dumating si Ivan," mahaba kong paliwanag.
"Edi ngayon? Hindi mo ba siya pwedeng palayasin ngayon? At saka, anong meron sa asawa mo? Ang lakas ng loob. Tino-tolerate mo naman kasi."
"Excuse me? Hindi ko tino-tolerate! Sinong buang ang may gustong makita ang asawa niya na may dalang ibang babae at patitirahin sa sarili naming bahay, aber?! It's just that..."
I can't say it... Biglang dinaga ang dibdib ko.
"What? It's just what?" naiiritang tanong ni Gerald.
"Whatever. This is not the time. Problema ko ito, problemang pang mag-asawa. Hindi na dapat pang malaman mo or ni mom and dad. By the way, ano ang sasabihin mo? Nagmamadali ako, hindi ba? Kung hindi naman importante, I have to go."
Tatayo na ako. Gusto ko nang tumayo dahil feeling ko sasabog ang puso ko sa halo-halong emosyon. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko deserve ang mai-stress, ang lahat ng nangyayari ngayon kung tutuusin. Mahal na mahal ko si Ivan and lahat gagawin ko for him... kahit itong pinasok niyang kalokohan. Bulag na o kung ano pa mang dapat na itawag sa akin, ayos lang. I just don't want him to leave me.
I invested too much...
Plinano kong lahat! Ilang years just to have his surname tapos titiklop lang ako just because of that b***h? No way. Hindi ako madadapa.
Ipaglalaban ko ang relasyon namin ni Ivan sa babaeng iyon. Ipaparanas ko sa kaniya ang impyerno para siya na ang kusang umalis sa bahay.
"Hay, bahala ka sa buhay mo. Simula't sapul matigas na ang bungo mo, Margaux. Ewan ko lang kung hanggang saan aabot yan. Baka sa sunod kong kita sa 'yo nasa mental hospital ka na."
"Ha! Don't underestimate me, Gerald. Kaya kong i-handle ang sungay ni Ivan. Kaya kong putulin iyon. Ano na? May sasabihin ka ba o wala? Nauubos ang oras ko."
Huminga nang malalim si Gerald. Pati siya nai-stress na sa sinabi ko. Hindi naman siya mangengealam sa buhay ko, namin ni Ivan. Kilala ko siya. Although noon pa man ay against na siya sa pag-iisang dibdib namin, wala siyang nagawa dahil ang basehan ng respeto at kapangyarihan sa pamilya namin ay kung gaano kalaki ang naambag mo.
Wala pa naman siyang napapatunayan. Palibhasa'y bunsong lalaki, spoiled. Mas spoiled pa sa akin. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil nagbulakbol, at ngayon, pasalamat siya't inako siya ni Lolo Christoper as one of his personal body guard. Dahil kung hindi, walang nakakaalam kung saan siya pupulutin.
"Namomroblema si tanda. Unti-unting nalalagas ang pera niya. Kung ako ang tatanungin, limang taon na lang ang yaman niya. Kapag hindi niya nakuha ang mana ng magulang niya, lulugmok siya sa lupa," kwento nito.
Napataas ang kilay ko sa narinig. Imposible.
Si Lolo Christoper? Ang Montereal? Malulugmok? No way!
"High ka ba? At kung ano-ano ang pinagsasasabi mo?" natatawa kong tugon.
"That's true. Kanina lang ay pumunta yung Atty. ng pamilya nila. Hindi niya makukuha ang mana unless mapatunayan na wala na nga ang kapatid ni tanda at wala itong natirang buhay na pamilya."
Napaisip ako sa sinabi ng aking kapatid. Parang alam ko kung anog ang issue na sinasabi niya dahil one time, pinatawag ni Lolo si Ivan para may hanaping tao. Doon nagsimula ang hindi niya pag-uwi sa bahay at simula ng panlalamig niya sa akin.
What if may connection iyon sa sinasabi ni Gerald? Sa nangyayari ngayon sa pamilya nila? What if, yung hinahanap before ni Ivan ay yung nawawalang kapatid ni Lolo Christoper? Ang totoong tagapagmana ng Montereal?
If that's the case, I need to find out the truth. Pwede kong magamit iyon para mapanatili ko ang lubid sa leeg ni Ivan.
I can't lose him...
At para mangyari iyon, kailangan kong mahanap ang nawawalang tagapagmana.