IVAN
I thought magiging maayos na ang lahat simula ngayong araw. I was able to make Margaux agrees with our set up without sacrificing my alas. Pero alam kong hindi ako pwedeng makampante sa kaniya. Although she's blinded by her love, may utak pa rin naman siya. Sooner or later, gagawa siya ng paraan para mabaligtad ang mesa.
She'll corner me... na hindi ko hahayaang mangyari.
But for now, hindi muna iyan ang pagtutuunan ko ng pansin dahil may mas malaki akong problemang haharapin. Nakatanggap ako kani-kanina lang ng invitation kay Lolo. He wanted to talk to me, urgent. May idea na ako kung ano iyon kaya kinakabahan ako ngayon.
"I have to go. Babalik din naman ako agad. Kayo na'ng bahala kay Rose magpaliwanag. Wag niyo rin siyang gisingin muna dahil paniguradong kulang siya sa tulog," bilin ko sa tatlo.
Mamaya pa naman uuwi si Margaux kaya may time pa ako para makapag-compose ng sasabihin sa kaniya.
"Sige po, sir," sagot nila. Hindi na ako kumibo't naglakad na patungo sa pinto. Hindi ko pa man iyon nahahawakan ay biglang bumulaga si Margaux sa aking harap. Pareho kaming nanlalaki ang mata, ang kinaibahan lang, may ngiti sa kaniyang mukha na para bang sinasabi niya sa akin na, I knew you'd be here.
"My instinct never fails me talaga. Sa ngayon, mas pinagkakatiwalaan ko na ito kesa sa sarili kong asawa. What's up? Wala ka na bang trabaho at lagi kang nandito sa bahay? Naka-ayos ka kunwari tapos hindi ka naman pala aalis?" mahaba niyang lintanya, proud na proud.
"It's you and your nonsense again, Margaux. Please spare my morning, would you?" tugon ko't akmang lalampasan siya. Hinawakan niya ang kamay ko na kaagad kong tinanggal. Wala ako sa mood para makipagplastikan. Kapag na-late ako sa oras na ibinigay ni Lolo, mas sasakit ang ulo ko.
"Tinawagan ako ni Lolo, I have to go," dagdag ko pa. "Bakit? May kinalaman ba ito sa Lolo Eugenio mo?"
Nalukot ang noo ko sa narinig. Bakit niya na-bring up ang kapatid ni Lolo? Ano na naman ang sinulsol sa kaniya ng kapatid niya? Dapat talaga tinatanggal ang kumag na iyon sa tabi ni Lolo. Masyadong matabil ang dila, hindi marunong ng salitang privacy.
"Nakuha mo na naman kay Gerald? Hindi talaga siya marunong magpigil, ano? Sa tingin mo maganda ang kahihinatnan kung patuloy niyang dini-disclose sa iba ang mga nalalaman niya sa tuwing kasama niya si Lolo? Hindi siya makukulong, Margaux, kapag nalaman iyan ni Lolo. Diretso siya sa hukay, tandaan mo," ani ko ng may kasamang pananakot.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Margaux which I expected. Mahina siya kapag sinabayan ko ang atake niya.
"It's just my hunch, Ivan. You're overreacting. Ni hindi nga kami nagkakausap at nagkikita ng lalaking iyon."
"Ahm. Maistorbo ko lang po kayo, aalis na po kami, sir. Tataas na po. Pupuntahan na namin si--"
"Who the f**k are you?!"
Napapikit ako ng mata noong biglang kumibo 'yong tatlo. Wala ba silang utak? Hindi na lang sila dumiretso kanina pa habang sa akin nakatuon ang atensyon ni Margaux.
"Ano na naman ito, Ivan?!" nanggagalaiti niyang tanong. "They're our new maids," matipid kong tugon. Totoo namang katulong sila, mainly ni Rose dahil hindi ginagawa ni Martha ang trabaho niya nang maayos. Marahil, sinulsulan din ni Margaux dahil personal niya itong katulong.
"Why? May katulong na tayo, si Martha. Hindi natin kailangan ng maraming katulong since tayong dalawa lang naman ang pagsisilbihan."
"Tinanggal ko na si Martha kaya nag-hire ako ng bago," tamad kong tugon. I kept looking at my wrist watch, bagot na naghihintay ng tamang pagkakataon para makaalis.
"Alam mong simula noong high school pa lang ako ay kasama ko na siya sa bahay tapos aalisin mo lang nang basta-basta?! Sumusobra ka na talaga, Ivan! Wag mo naman akong abusohin, oh! Nauubos din ako!" After she said that, ibinalibag niya sa sahig ang kaniyang mamahaling bag at padabog na nagtungo sa hagdan at dali-daling pumanhik.
Nagkatinginan kami ng mga naiwan sa baba. Alam kong marami silang gustong sabihin pero wala na akong oras na pwedeng sayangin. "Save your questions later pagbalik ko. Gawin ninyo kung ano ang inuutos ko sa inyo. At walang makakarating kay Rose tungkol sa nangyari ngayon, naiintindihan niyo ba?"
"Opo, sir Ivan," sabay-sabay nilang tugon.
--
'Lo, bakit wala po tayong ibang kamag-anak? Kasama na rin po ba sila ng Diyos sa langit at tayo na lang po ang natirang dalawa?'
'Gano'n talaga, apo. Wala ka pa noong iwan ako ng iyong Lola. Ang iyong ina naman na siyang nag-iisa naming anak ay pumanaw kaagad noong ipanganak ka.'
'Paano niyo po nakayanan ang lahat, Lo? Ilang taon kayong namuhay nang mag-isa.'
'Paano? Sa awa ng Diyos, Rose. Siya lang ang tanging nasasandalan ko. Hindi ko rin alam pero magpasalamat tayo sa kaniya dahil hindi niya tayo pinapabayaan. Tandaan mo na ang buhay ng tao ay maiksi lamang. Kaya siguraduhin mong sa bawat araw na lilipas, alam mo sa sarili mo na nagawa mo ang bagay na makakapagpasaya sa iyo, naging mabuti ka sa kapwa mo at higit sa lahat, naging mabuti ka sa sarili mo.'
ROSE
Mataas na ang araw nang mamulat ang aking mata. Masakit na katawan at pasa ang siyang bumati sa akin dahilan para manatili ako sa pagkakahiga ng ilang mga minuto.
"Magandang umaga mahal na Prinsesa," ani ng pamilyar na boses sa aking gilid. Kahit kumikirot ang leeg, dahil sa gulat ay napitingin ako sa nilalang na nakaupo.
Halos lumuwa ang puso't mata ko sa gulat nang makilala ko ang mukha ng babaeng nakangiti sa akin.
"JUDY!" masaya kong bulalas. Gusto kong tumayo't lumundag sa kaniyang mga bisig ngunit dahil sa sinapit ay tanging pagluha na lang ang nagawa ko.
"Ohh, maghunosdili ka't hindi ka pwedeng bumangon pa. Kita ko yang mga pasa sa mukha at katawan mo kaya paniguradong nahihirapan kang kumilos," ani ya.
"Anong ginagawa mo rito? Sina Bek?" sunod-sunod kong tanong. "Nasa baba sila, nagluluto si Bane. Si Bek naman ay naglilinis. Kami na ang bago ninyong katulong. Ako ang siyang nakatoka sa iyo. Personal katulong, 'yon ang utos ni Ivan sa amin," tugon niya na ikinakunot ng aking noo.
"Katulong? Bakit niya kayo ginawang katulong? At saka pumayag kayo?"
"Oo naman. Sinong hindi? Malaki ang inalok niya sa aming pera at syempre ang mahalaga ay makakasama ka namin, hindi ka malulungkot. Ang bait ni Ivan, ano?" ani 'ya, nakangiti.
Hindi ko sinundan ang sinabi niya dahil hindi ko maamin sa aking sarili na mabait ngang tunay si Ivan. Siguro para sa kanila, sa ginawa ni Ivan, masasabi talaga nilang mabait ito dahil iniligtas niya ang buhay nila. Pero para sa akin, base sa karanasan ko at mararananasan sa kamay niya... hindi ko alam kung kaya kong sumang-ayon.
"Yung asawa niya ang gumawa niyang sa iyo ano? Wag kang mag-alala, hindi ka na niya masasaktan. Isusumbong ko siya kay Ivan," maligalig na wika ni Judy.
May kung anong selos ang namumuo sa loob ko. Kung ibenta niya si Ivan parang kilalang-kilala niya ito.
"Isusumbong mo si Margaux na sinasaktan ang kabit ng asawa niya sa sarili niyang asawa? Hindi ba't kakapalan naman na ng mukha iyon, Judy?" ani ko sa kaniya. Ayaw kong sirain ang mood niya pero hindi ko naman maatim na nangyari iyon. Hindi porke't mukhang hindi maganda ang samahan nina Ivan at Margaux bilang mag-asawa ay dapat ko nang samantalahin.
"Oo na, sorry. Ehh, kasi naman, hindi mo naman kasalanan na napasok ka sa pamamahay nila at sa buhay nila, hindi ba? Ang gusto mo lang ay makuha ang titulo ng lupa ng Lolo mo, hindi mo intensyon na masira sila. At saka, mukhang hindi na rin naman magtatagal ang relasyon nilang dalawa dahil sa tingin ko, hindi ka aalukin ni Ivan na maging kabit niya kung mahal niya ang kaniyang asawa, di ba?"
Umiling ako dahil kahit ako'y naguguluhan din sa totoo niyang motibo. Noong una, dahil nagpupunta siya sa brothel, akala ko laman lang ang habol niya sa akin. Pero kung oo, bakit hindi niya pa rin kinukuha ang gusto niya?
Nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako pinipilit. Hindi niya ako pinagbubuhatan ng kamay sa bagay na iyon hindi katulad ng mga nakilala kong lalaki sa brothel, sasaktan ka nila sa kaunting pagpapakipot. Pero kung tutuusin, sa sitwasyon namin ni Ivan, dehadong-dehado ako. Kaya niyang gawin ang gusto niya pero pinili niyang respetuhin ang aking hiling.
Para saan ang presensya ko sa bahay na ito? Sa buhay niya? Para lang ba paselosin ang asawa niya? O gaya ng sabi ni Judy, gagamitin niya ako para putulin ang pagkakatali niya kay Margaux.
"Ayaw kong mag-isip. Hindi ko alam kung ano talaga ang gustong mangyari ni Ivan. Kung gusto niya na nga talagang makawala sa asawa niya at isa ako sa mga kasangkapan niya para mangyari iyon, kahit ayaw ko, wala akong magagawa. May malaking pabor akong hinihingi sa kaniya at malaking pabor din naman ang ipapagawa niya sa akin kaya quits na kami."
"Iyon ay kung tama ang kutob natin, Judy. Pero kung iba ang dahilan ni Ivan kung bakit niya ako ginawang kabit niya, mananalangin na lang ako na sana'y makalabas ako nang buhay at mabuhay ako nang mahaba pa pagkatapos kong pagbayaran ang lupa ni Lolo," wika ko pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntonghininga.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Judy, nabalot ng katahimikan ang aking silid. Tumagal iyon ng ilang segundo bago pumasok si Margaux para muling mambulabog.