KAPITOLO 8: ATENG SUMBUNGERA

1619 Words
MARGAUX Kaunting-kaunti na lang, iisipin kong gusto akong baliwin ni Ivan kaya niya ginagawa itong lahat. Pati si Yaya Martha na walang kalaban-laban, tinanggal niya sa pamamahay namin para palitan ng mga pokpok na katulad no'ng kabit niya! "Magandang araw po, ma'am Margaux. Nakahanda na po ang pagkain s--" Natigilan ako noong bigla na lang may bubuyog na nagsalita. Nakataas ang isa kong kilay na hinarap kung sino ro'n sa tatlong higad ang walang modong pumasok sa kwarto ko nang walang permiso. "Naiintindihan ko na lumaki ka sa hirap pero hindi ba't libre lang namang matutunan ang basic manners? Hindi ba na-inform ang magulang mo sa bagay na iyan? Or baka ine-expect na rin kasi ng magulang mo na magiging salot ka sa lipunan kaya hindi na sila nag-abala pang turuan ka ng tamang asal dahil sayang lang," mahaba kong lintanya habang tinitingnan baba-taas ang babaeng nakasuot ng maiksing uniporme. Vanessa... Ang pokpok, kapag inalis mo sa club, at dalhin mo sa ibang trabaho, asahan mong asal pokpok pa rin. Gaya nitong babaita sa harap ko. Kung makapagdamit, kulang na lang hubarin nang tuluyan ang saplot sa katawan. Masyadong maiksi... Masyadong vulgar. Kulang na lang na itanong ko kung nagkamali ba siya ng dampot ng uniporme? Akala niya sa club pa siya nagtatrabaho? "Wala na po kasi akong magulang noong nagkaisip ako kaya kung hindi ko po natutunan lahat ng manners na alam ninyo, pagpasensyahan niyo na sana. Baka marami kayong time since hindi naman kayo busy sa pagiging asawa kay Sir Ivan dahil may gumagawa na no'n na iba, baka pwede niyo akong turuan?" Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita ay dumapo sa kaniyang pisngi ang malutong at malakas na sampal. It hurts... "Hindi lang pala kamay at paa ang kinakalyo, pati rin pala mukha," ani ko. Nilapitan ko siya dahil hindi ako kuntento sa sampal lang. Hinila ko ang buhok niya at sinadyang ilapit ang makapal niyang mukha sa akin. "Kung akala niyong si Ivan ang boss niyo sa bahay na ito at ang lakas ng loob mong angasan ako, nagkakamali ka. Ako ang magdedesisyon ng buhay niyo rito, naiintindihan mo ba?" Hindi niya ako sinagot gamit ang salita pero sa pamamagitan ng tawa. Hindi ko naramdaman o nakitaan ng kahit kaunting takot si Vanessa dahilan para mas lalo akong mainis. "Parang hindi naman kayo pwedeng biruin, ma'am. Chill, hindi ako nandito para makipag-away o makipag-agawan. Nandito ako para tulungan ka dahil pareho tayo ng hinahangad, ang mapabagsak si Rose," ani 'ya. Bilib din ako sa babaeng ito. Kalmado niyang inihayag sa akin ang plano niya. Wala man lang pa-suspense. Binitiwan ko ang buhok niya ngunit hindi ko ibinaba ang aking gwardya. I'll let her speak, hindi naman ako kagaya niyang walang modo. "Grabe, ma'am, lakas ng kapit. Akala ko madadala ng kamay mo yung buhok ko." "Hindi iyan ang gusto kong marinig sa marumi mong bibig. Anong ibig mong sabihin?" maldita kong tanong. "Pwede umupo tayo, ma'am? Nakakangalay tumayo nang naka-heels, hehehe." Huminga ako nang malalim dahil baka masipa ko siya sa inis. Umupo nga kaming dalawa. Ako sa kama, siya naman sa silya. Labag pa sa loob kong upuan niya ang customized chair ko na galing pang France. Akala ko kasi sa sahig siya uupo pero mukhang mahina nga ang utak niya at sasabihin kong ulit, makapal ang mukha niya. "Si Rose, sa maniwala ka't sa hindi, ma'am, hindi siya pokpok na inaakala mo. Promo girl lang siya sa bar na pinagtatrabahuhan namin, hindi siya kagaya ko na nagbebenta ng laman," panimula ni Vanessa. "Promo girl or what, parehas lang iyon. She's still selling her body. Imposibleng hindi pa siya nahipo or nagalaw man lang. Ano siya?" natatawa kong wika. "Hindi pa nga. Hindi biro, ma'am. Simula noong makilala namin si Rose, talagang birhen pa siya at pinakainiingat-ingatan niya iyon. Typical na Maria Clara palibhasa'y lumaki sa probinsya't sa puder pa ng Lolo," kwento nito. I don't know kung matutuwa ako o mas lalong maiinis noong marinig ang sinabi ni Vanessa. To be honest, I, myself despite of 2 years marriage, never pa naming ginawa ni Ivan ang marital obligation. No'ng honeymoon namin, wala lang, namasyal lang kami. Ayaw ko namang ipagpilitan sa kaniya yung obligasyon niya sa akin dahil ma-pride akong tao. "Maraming nagkakagusto kay Rose,ultimo pati yung matagal ko nang gusto, naakit niya. Kaya naiinis ako sa kaniya. Gusto ko siyang mawala. Sana nga hindi na lang namin siya nakilala dahil pati relasyon ko sa ate ko nasira nang dahil sa kaniya. Mabait siya, ako na nagsasabi sa iyo, ma'am, pero alam mo 'yon, hindi pala lahat ng mabait na tao ay katutuwaan mo. Kung tatanungin mo ako kung ano ang relasyon naming dalawa, kaibigan ko siya kapag nakaharap, kaaway ko siya kapag nakatalikod," mahaba niyang lintanya. Hindi ko pwedeng ilabas ang ngiti ng labis na pagkainteres sa harap ng bobitang ito dahil baka magkaroon siya ng idea na click kaming dalawa. May similarity kami pero magkaibang level. With class yung akin, yung sa kaniya pang cheap. "Sabi mo kanina alam mo kung bakit nandito si Rose sa bahay. Bakit siya dinala ni Ivan?" seryosong tanong ko sa kaniya. Akala ko ipagpapatuloy niya ang kengkoy na pagsagot at pananalita, mabuti na lang at hindi. "May kasunduan sila ng asawa mo," matipid nitong tugon. Nalukot ang noo ko. Kasunduan? Bakit sila magkakaroon ng kasunduan? "Please elaborate kung ano 'yon." After I said that, biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang kasamahan ni Vanessa. Natawa na lang ako dahil pare-pareho silang mga hindi marunong ng basic manners. "Ay, hello, ma'am. Sunduin ko na po sana yung kapatid kong kupal, baka kung ano-ano na po yung kasinungalingan na naipakain niya sa inyo at hindi na kayo makakain ng totoong pagkain," wika nito. Tiningnan ko si Vanessa. I would like to confirm kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ng kaniyang kapatid. "Eme ka na naman, Judy. Ako pa ang magsisinungaling? Talaga lang ha," defensive nitong tugon tapos tumayo na siya't dire-diretsong lumabas ng pinto, hindi man lang nagpaalam sa akin. "Pasensya na kayo, ma'am, kung may nasabing kababalaghan yung kapatid ko sa inyo, ha. 7 months lang kasi 'yon sa tyan ng nanay namin kaya kung mapapansin niyo, maypagka sinto-sinto," ani no'ng Judy. Inirapan ko siya dahil pareho naman silang may tililing at walang manners. "Get lost," mahina at halos pabulong kong wika tapos lumabas na rin ako ng aking room. JUDY Hindi ako mapakali kung sasabihin ba kay Ivan ang narinig ko kanina. Kalahati ata ng pag-uusap nila ni Margaux ay narinig ko kaya masama na naman ang loob ko sa aking kapatid. Medyo matagal-tagal na akong nakikinig sa labas ng silid ni Margaux dahil nalaman ko kay Bek na sinundo nga niya ang amo namin para aluking kumain pero anong petsa na, hindi pa rin sila bumababa. Kaya napagpasyahan kong umakyat para tawagin silang dalawa dahil kinutuban ako bigla. Pagkatapos ng napakalaking kasalanang nagawa ng kapatid ko kay Rose, duda na ako lagi sa lahat ng kilos niya. Noong una, ayaw ko pa siya talagang isama rito, kung pwede nga lang na hilingin kay Ivan na kami na lang ni Bek ang kunin bilang katulong pero syempre, wala akong magandang rason para back up-an ang kagustuhan kong iyon. Sisirain ko lang lalo ang relasyon naming magkapatid kung sakaling umeme ako ng gano'n kay Ivan. "Ito ang pagkain ni Rose. Makakababa ba siya? Ay mali, may karapatan ba siyang bumaba?" tanong ni Bek. Sinamaan ko siya ng tingin dahil kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito. Nahahawa na rin ng mga salita ni Vanessa. "Salain mo naman, Bek, bago bumuga. Ako na maghahatid niyan. Masakit ang katawan ni Rose dahil maraming pasa," ani ko. "Which she deserves. At hindi lang iyon ang makukuha niya mula sa akin. Inform me kapag magaling na siya para malagyan ulit ng decoration ang kaniyang katawan." Hindi kami kumibo ni Bek noong bigla na lang sumulpot sa likod namin at nagsalita itong asawa ni Ivan. Unang kita ko pa lang at amoy sa kaniya, alam kong spoiled brat na siya. "Excuse me po, ihahatid ko lang ka--" "Wait. Bakit masyadong marami ang pagkain niya? Siya ba ang nagbabayad ng groceries? May mga nearly expired foods ako sa ref, 'yon ang ipakain mo sa kaniya," ani Margaux pagkatapos akong pigilan na tumaas. Huminga ako nang malalim dahil hindi naman ako pwedeng umangal baka mas lalo lang sumama ang sitwasyon at madehado lalo si Rose. "Vanessa, get me those old salad. I know maayos pa naman yan. Nalimutan ko lang kainin. It's like two days ago pa lang naman," maarte nitong utos sa kapatid ko. Tanging buntonghininga na lang ang nagawa ko. Sasabunutan talaga kitang demonyita ka. Kapag talaga nakauwi ako sa darating na araw ng mga patay, isusumbong kita sa puntod nila ama't ina, sasabihin kong sunduin ka na. "Here. 'Yan ang ibigay mo sa kaniya, hindi yung pagkain namin ni Ivan ang ibibigay ninyo, ha? Sayang naman yung mga pagkain namin na malapit nang mabulok at bulok na kung itatapon lang naman. Tutal, may isa kaming extrang bibig na pinapakain na hindi naman invited sa bahay na ito, edi pakinabangan niya ang mga ito," mahaba niyang lintanya tapos inilapit sa akin yung salad na amoy malapit nang mapanis. "Ano pang hinihintay mo? Bakit hindi mo na ihatid sa kaniya? Tutal mag-a-alas dose na ng tanghali. Baka hindi agad gumaling ang sugat niya," dagdag pa ni Margaux. "Opo, ma'am. Ihahatid ko na po. S-Salamat po sa pagkain, ha," tugon ko na may halong kaunting pagkasarkastiko. Pagkakuha ko ng plato kaagad akong tumalikod sa kanila. 'Makakarating 'to kay Ivan. Susukatin ko kung anong magiging reaksyon niya at paano siya kikilos para kay Rose at para sa asawa niya,' bulong ko sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD