IVAN
"I know, he'll test my limit. Pero hindi ko inaasahan na mapapaaga. Ni hindi pa nga nag-iisang linggo sa bahay ang babaeng iyon, ang dami ko na agad iniisip," rant ko kay Bjorn, my friend.
We're at our favorite bar sa BGC. After ng pag-uusap namin ni Lolo at meeting with one of my people, inalok ko kaagad si Bjorn. Palamunin lang naman siya sa bahay nila kaya madali siyang maaya.
"So, nagsisisi ka ba sa mga naging desisyon mo? Ang tagal mong plinano ang lahat, Ivan. Alam kong perfectionist ka at ayaw mong maka-encounter ng problemang hindi mo natantya from the start. To be honest, seeing you na nai-stress is new to me," wika niya, natatawa.
"Of course hindi ako nagsisisi. Wala sa bokabularyo ko ang salitang iyan. Lahat ng nangyari sa buhay ko, mga desisyong ginawa ko, hindi ko pinagsisisihan. I mean, meron pala... alam mo na kung ano 'yon."
Mas lalong lumaki ang ngiti niya nang ma-realize kung ano ang tinutukoy ko. "Yeah. Alam kong makakaya mong lusutan yang problema mo, Ivan. Naniniwala ako. Ikaw pa ba? By the way, maisingit ko lang din, kumusta naman yung bago?" kuryoso niyang tanong.
"She's fine. Nagkaroon na sila ng away ni Margaux kahapon dahil may emergency akong inayos. Hindi ko natantya yung mga posibleng mangyari sa araw na iyon," tugon ko.
"Ohhh. Kaya pala. Mukhang mapapadalas mo akong maalok ng inom, ah. Ire-ready ko na ba atay ko? Hahaha!"
Hindi ako kumibo dahil naramdaman ko na ang sipa ng alak. Inubos ko na agad 'yung laman ng baso ko't tumayo na.
"Uwi na ako. " paalam ko sa kaniya sabay tapik sa balikat nito.
"Sige. At kanina ka pa tingin nang tingin sa relo mo. See you, when I see you alive, Ivan. Sana magbunga yang pagiging good Samaritan mo! Ingat palagi!"
ROSE
Niyakap na naman ng dilim ang kalangitan. Dalawang araw na pala ang lumipas na hindi ako nakakalabas sa silid na ito. Naigagalaw ko na ang aking katawan pero takot akong lumagpas sa linya.
Nakapagtatakang kalungkutan...
Kahit na nandito na sila Judy, may kasama na ako, pakiramdam ko may kulang pa rin sa araw ko ngayon. Hindi ko alam kung ano.
"Babalik na ako sa kwarto, Rose. Hindi ata makakauwi ngayon si sir Ivan kaya mag-ingat ka, ha? May patalim ka ba dyan o kahit anong pangdepensa sa tabi mo? Baka balikan ka ni Margaux ngayon dahil alam niyang wala pa ang asawa niya," ani Judy.
Mabilis akong umiling dahil baka hindi ako makatulog sa kakaisip. "Kaya akong saktan ni Margaux nandito o wala man si Ivan. Tutal, Diyos naman ang nakakaalam kung hanggang kailan lang ang buhay ko, mananalangin na lang ako."
"Hays. Mga salita mo na naman. Basta kapag may nangyari, tawagan mo lang ako, ha? Pupuntahan agad kita."
"Oo. Sige na, para makapagpahinga ka na rin. Salamat sa lahat, Judy. Salamat sa inyo," wika ko ng may banayad na ngiti sa mukha. Ngiti na lang din ang isinukli niya sa akin bago naglakad patungo sa pinto. Ramdam ko na gusto niya pang samahan ako sa silid ngunit hindi pwede. Hindi kami nasa luma naming tinitirhan. Ngayon, nasa iisa kaming kulungan kung saan kailangan naming umakto nang ayon sa aming karakter.
Karakter na itinalaga sa amin ni Ivan Montereal...
Nang tuluyang makalabas si Judy, iginala ko ang aking mata. Ngayon ko lang napagtanto na itong silid na pinaglalagian ko ay maraming litrato, hindi ni Ivan.
Puro painting ng kalikasan, karamihan ay bukid. Hindi ko tuloy napigilang hindi maalala si Lolo at ang buhay namin noon habang pinagmamasdan ang mga ito.
"Pwede ba akong uminom ngayon, Lo? Mukhang mahihirapan na naman akong matulog ngayong gabi," bulong ko sa'king sarili.
Tumulo nang kusa ang luha sa aking mukha. Mahina ako sa lahat ng bagay na magpapaalala sa akin ng dati kong buhay. Kung maaari lang maibalik ang lahat, hindi ko iiwan si Lolo.
Lamunin man kami ng kahirapan, mas mainam na sabay na lang kaming magdusa kesa suungin ang bukas ng pagbabakasakali na makaangat ang buhay.
Madalas kong isipin na kung siguro hindi ako naghangad ng magandang buhay at nakuntento na lang ako sa kung anong ibinigay ng Diyos sa aming pamumuhay, hindi sana namatay nang maaga si Lolo.
"Ilang taon na ang lumipas pero ang lalim pa rin ng sugat ng puso ko, Lo. Hindi ko alam kung kaya pang hilumin ito ng panahon."
Nagpunas ako ng luha at nagpasyang lumabas ng silid. Maraming naikwento sa akin si Judy at isa na ro'n kung saan mahahanap ang alak. Hindi naman ako madalas uminom pero kapag ganitong inaatake ako ng lungkot at buhay na buhay ang diwa ko, kailangan ko ng katulong para makatulog.
Bago bumaba ng hagdan ay sinigurado ko munang wala nang tao. Dumiretso agad ako kusina at hinanap yung lalagyan ng mga alak.
'Hindi naman siguro nila mapapansin kung magbabawas ako,' bulong ko sa aking sarili. Alam kong mali itong gagawin ko dahil para na rin akong nagnakaw, pero magpapaalam na lang siguro ako kay Ivan kapag nagkita kami.
Hindi na ako namili kung ano ang iinumin ko dahil hindi naman ako pamilyar sa mga pangalan ng alak. Basta kung ano ang unang nakuha ng kamay ko, yo'n na ang binuksan ko.
Dali-dali akong nagsalin sa baso at kumuha ng yelo sa ref. Ang balak ko, dito na ubusin ang iniinom. Isang baso lang naman tapos aakyat na. Pero masyado matapang yung nakuha ko kaya paunti-unti ako ng lagok.
"Ganito ba talaga ang inumin ng mga mayayaman?" Pinilit kong ubusin agad kahit parang maduduwal ako sa tuwing guguhit ang bakas ng alcohol sa aking lalamunan.
Nang matapos. Pupunta na sana ako sa lababo para linisin ang basong ginamit ko nang biglang sumulpot sa likod si Vanessa.
"Ginagawa mo sa baba? Akala ko nakakulong ka kwarto?" nagtataka nitong tanong. Mabuti na lang at hindi ako magugulatin dahil kung hindi baka nabitiwan ko na ang baso.
"Uminom lang ako ng alak para makatulog. Ipagpapaalam ko naman kay Ivan," nahihiya kong wika.
"Naku, bakit mo pa ipagpapaalam. Personal kang inanyayahan ni Ivan sa bahay niya kaya hindi mo na kailangan pang magpaalam," ani 'ya.
"Nakakahiya pa rin naman, Vanessa."
Nagkibit balikat na lang siya tapos pinabalik niya na ako sa taas dahil siya na lang ang maghuhugas no'ng baso. Nakipagtalo pa ako sa kaniya dahil hindi naman baldado ang kamay ko.
"Sige na, ako na rito. Nga pala, pagpasensyahan mo na yung asal ko. Alam kong maraming kinukwento si Ate sa iyo, sa mga ginawa ko. Baka iniisip niya kinakampihan ko si ma'am Margaux. Nagkakamali siya. Gusto kong kunin ang loob ni ma'am, par alam mo na, makatulong din sa iyo," mahaba niyang paliwanag. Sa totoo lang, nagulat ako sa sinabi niya dahil wala namang kinukwento si Judy kanina tungkol sa kaniya.
Humingi lang ng tawad si Judy dahil yung pagkain na ipinahatid ni Margaux sa akin ay yung malapit nang mapanis na hindi naman ako nagreklamo dahil sanay ako sa gano'n. Bago ako mapadpad sa trabaho ko kasama sila naranasan kong tumira sa lansangan at mapilitang maghanap ng tira-tirang pagkain.
"Naiintindihan ko, Vanessa. Salamat. Pero kung nahihirapan ka at sa tingin mo malalagay ka sa alanganin makuha lang ang loob ni Margaux, itigil mo na. Labis-labis na ang nagawa ninyong kabutihan sa akin. Masaya ako't kuntento na magkakasama ulit tayo," ani ko. Totoong masaya ang puso ko dahil bago ako umalis sa tinitirhan namin, hindi naging maganda ang sandali sa amin ni Vanessa.
Siguro may malalim na dahilan siya kung bakit niya ikinanta kay boss ang usapan namin ni Ivan pero tapos na iyon. Ayaw kong masira ang pinagsamahan namin nang dahil lang do'n.
Nagpaalam na kami sa isa't isa pagkatapos ng lahat. May kwarto sila sa ibaba kaya ako lang ang pumanhik. Ayon kay Bane, umalis daw si Margaux. Sa isip ko, baka sinundo ang asawa niya.
Alas onse na ng gabi. Kaagad na akong humiga dahil nararamdaman ko na rin ang tama ng alak.
Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mata. Unti-unti nang naghahari ang antok sa aking katawan ngunit hindi iyon nagtagal salamat sa biglang pagbukas ng pinto.
Nakalimutan ko palang i-lock iyon dahil sa pagmamadali.
Napabangon ako nang wala sa oras dahil nakita ko si Ivan na pasuray-suray sa paglalakad. Tumayo ako't nagpasyang alalayan siya.
"Nasaan ang asawa mo? Hindi ka ba niya sinundo?" nagtataka kong tanong. Hindi siya kumibo. Pinigilan niya akong gumawa pa ng hakbang. Tumayo siya nang matuwid, pilit na inaaninag ang aking katauhan. Patuloy akong nakahawak sa magkabila niyang braso upang alalayan. Akala mo naman talaga may maitutulong ako kung sakaling matumba siya.
Kahit nababalot ng kasuotan, hindi no'n maitatago ang katipunuan ng katawan ni Ivan. Hindi ko idine-deny iyon dahil totoong maganda ang hubog nito.
Kahit isang beses ko pa lang iyon nakita.
Sa hindi malamang kadahilanan, o baka dala na rin ng alak sa katawan, nagsimulang lamunin ng init ang aking mukha. Mabilis ang pintig ng puso habang nakikipagtitigan kay Ivan.
"Tutulungan kitang bumalik sa iyong silid. Hindi ka rito pwedeng matulog. Baka maabutan ta--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nahulog ang ulo nito sa aking balikat.
"Ivan... Ivan," paulit-ulit kong tawag. Huminga ako nang malalim dahil mukhang nakatulog na ito.
"Nag-away na naman ba kayo ng asawa mo? Kung bakit kasi sa ganitong paraan mo pa ako gustong makabawi? Pwede naman akong maging katulong... bakit kabit mo pa?" tanong ko sa kawalan.
"Sabayan mo akong magdusa, Rose," ani 'ya.
Anong ibig niyang sabihin?
Akala ko tuluyan na siyang nilamon ng antok ngunit hindi pa pala. Napatakip ako sa aking bibig upang hindi makalikha ng kakaibang ingay dahil lumapat ang mainit nitong dila sa aking balat.
Parang nawala ang kalahati ng aking lakas sa ginawang iyon ni Ivan. Maingat kong itinulak ang kaniyang dibdib palayo sa akin, sa awa ng kapalaran ay gumana naman ngunit sinong mag-aakala na sa pagtama ulit ng aming mga mata ay magsisimula ang mapusok na ekspedisyon.
"I-Ivan..."
"I'm sorry, Rose, but I'm afraid your tears won't stop me now," ani 'ya bago sakupin ang nangingig kong labi.
Sa unang pagkakataon... hindi ako nangamba.
Magaan at maingat ang kilos ni Ivan na para bang isa akong babasaging pigurin.
Blangko ang aking isip. Mapusok ngunit banayad ang halik ang pinagsasaluhan naming dalawa habang unti-unting umamatras patungo sa kama.
'Kasalanan sa Diyos ang ginagawa mo, Rose. Alam mo kung saan ito maaaring humantong. Nangako ka sa sarili mo na hindi mo isusuko ang natitira mong dignidad.'
'Alalahanin mo...'
'Alalahanin...'
"Ivan," tawag ko sa kaniya nang lumapat na ang likod ko sa kama. Inalalayan niya ako sa aking paghiga kahit na halatang mas lasing siya kesa sa akin.
"You won't allow me?" tanong niya. Alam ko kung para saan iyon kaya tumango ako.
"Nangako ako sa sarili ko na sa taong mahal ko lang ibibigay ang aking puri. Iyon na lang ang meron ako, Ivan. 'Yon na lang ang maibibigay kong regalo sa kaniya."
"Kung gano'n, mangangako rin ako sa'king sarili. I'll do everything to make you fall in love with me to the point that you'll beg for this, Rose," ani 'ya, may tono ng panghahamon.
Natakot ako sa kaniyang sinabi. Hindi dahil sa kaniyang banta kung hindi dahil sa aking sarili.
Natatakot akong mahulog nga kay Ivan dahil hindi iyon imposible.
Natatakot akong mahulog sa sa kaniya sa pagkat siya'y may asawa na.