MARGAUX
"Thank you, Ralph. You've been so good to me from the very beginning up until now. How I wish ganito rin ako tratuhin ng asawa ko."
I'm lost. I'm currently wasted. I dunno kung nasaang lupalop si Ivan which is weird dahil asawa niya ako. Talagang blangko ako kung saan siya pwedeng pumunta maliban sa bahay nila at sa mansion ng lolo niya.
Ang tanging nilalang na maaasahan ko sana ay wala rin. Wala si Facundo ngayon, pinag-leave ni Ivan which is first time na nangyari. Ang sabi, may namatay raw na pamilya kaya umuwi na muna at isang buwan na mamamalagi sa probinsya.
Ayaw kong isipin na sinadya ni Ivan na pauwiin siya o talagang totoong kailangan niyang magpahinga. Pero yung isang buwan? Isn't it too much naman?
"It's 12 na pala. Uwi na ako baka nandoon na ang asawa ko," paalam ko. Dahil sa alak at frustration, hindi ko na napansin ang oras. Mabuti na lang at nakita ko si Ralph at nasamahan niya ako. Kahit papaano may napag-rant-an ako ng lahat ng nangyari sa akin.
"Baka bumalik sa bahay si Ivan at doon matutulog dahil nakita ko siyang kausap si Lolo bago ako umalis" ani 'to.
Tumango lang ako dahil imposible iyon. It's either umuwi siya sa sa bahay nila or sa bahay namin. Although siya ang susunod na magm-manage ng company, hindi niya maatim na makasama ang lolo niya.
I hope madatnan ko siya sa bahay dahil sobrang down na down na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag hindi pa kami nagkausap nang maayos ngayon. Sa dalawang araw na lumipas, puro sama ng loob ang naipon sa akin. Kahit siya yung may kasalanan, para bang wala lang sa kaniya. Ako pa ang need mag-adjust para bumalik kami sa dati.
Bumalik sa dati...
"Ihahatid na kita. Kung kailangan mo ng kausap, please call me. Kahit nasaan ka pupuntahan kita. Please don't cry. Kadugo ko man siya, pero hindi tama ang ginagawa niya sa iyo. Hindi mo deserve ang masaktan ng ganyan."
Dahil sa mga sinabi ni Ralph, tinignan ko siya sa mata. Imbes kumalma, mas lalo akong naiyak dahil 'yon yung mga salita na gusto kong marinig kay Ivan. Gano'ng tono...
"Wh-What's wrong? May masama ba akong nasabi? I'm sorry."
"N-No. Don't say that. How I wish nandito si Ivan para i-comfort ako pero ibang tao yung gumagawa no'n ngayon. Siguro iniisip mo na ang martyr ko, ang bobo ko. I have everything in this world pero yung pagmamahal ng asawa ko hindi ko makuha."
Mabuti na lang naka-VIP room kami dahil kung hindi wala akong maihaharap sa mga tao kapag nalaman nila kung gaano ako kamiserableng tingnan ngayon.
"Sabihin mo sa akin, Ralph. Naging masama ba ako sa kaniya para ganituhin niya ako? Oo, hindi niya ako mahal pero gano'n ba ako kahirap mahalin? Anong kulang sa akin? O kung hindi niya man kayang suklian din ng pagmamahal ang ginagawa ko, kahit sana respeto na lang. Mahirap din ba iyon?"
Nakakapanibago ang lahat. Naghalo na yung alak at overwhelm kaya nasasabi ko yung mga salitang nakatago lang sa aking dibdib. I let Ralph hug me. Wala namang malisya at wala namang makakakita sa samin. At saka, kung meron man, may pake ba ang asawa ko sa akin?
"Shhhh. Hindi ka masamang tao. Wala kang ginawang masama. Wag mong sisihin ang sarili mo sa bagay na si Ivan ang may kasalanan. Kung bubuksan mo lang ang mga mata mo, Margaux, malalaman mong may taong tunay na nagmamahal sa iyo. Taong hindi hahayaan na umiyak ka nang ganito. Taong aalagaan ka."
Napalunok ako ng laway. Inangkin ni Ralph ang magkabila kong pisngi upang makita nang mainam ang aking mukha.
Mapungay ang mga mata ni Ralph. Medyo kinabahan ako. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko pero wala akong magawa. Tumalab na sa katawan ko ang alak.
"I'll be that man for you, Margaux. Gagawin ko lahat para maging masaya ka. Aalagaan kita, ipagtatanggol. Alam kong hindi ka papayag dahil may asawa ka, pero hindi ba't nilabag niya na rin ang kasunduan niyo bilang mag-asawa?"
Hindi ako nakakibo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Blangko ang utak ko sa mga sinabi ni Ralph.
Nahihibang na siya. Magkadugo't laman sila ni Ivan, baka nakakalimutan niya...
"Gamitin mo ako, Margaux. Handa akong ibigay sa'yo ang buhay ko."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, inangkin niya ang aking labi.
Magkahalong gulat at kuryosidad ang bumalot sa aking katawan. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko si Ralph na ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa at the same time, I'm curious sa kakaibang pakiramdam.
Ganito pala ang mahalikan?
"Uhmmm..."
Sinubukan niyang ipasok ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig and I let him. I'm so desperate at this point...
Kung kaya ni Ivan, kaya ko rin.
No, kasalanan ito. Hindi ko dapat gantihan ng kasalanan ang ginawa sa akin ni Ivan.
"R-Ralph, w-wait. This isn't right," pakiusap ko noong lubayan niya ang aking bibig at magdako naman sa aking leeg. Nakaramdam ako ng kiliti sa ibabang bahagi ng aking katawan. Napahawak ako nang mariin sa kaniyang mga braso to the point na bumaon na sa balat nito ang nails ko.
Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napasinghap ng hangin dahil sa kiliting nalalasap.
I'm afraid I might let Ralph do things na dapat ang asawa ko lang ang gagawa.
"S-Stop. Please, Stop!"
Mabuti na lang at bumalik na sa wisyo si Ralph at tumigil naman ito sa kaniyang ginagawa. Kaagad siyang humingi ng tawad sa akin, sunod-sunod.
"I'll go home now. Hindi mo na ako dapat pang ihatid," ani ko tapos dali-dali kong inayos ang aking damit at akmang aalis na.
"Please, let me drive you home, Margaux. Nakainom ka. Baka kung anong mangyari sa iyo," ani 'ya.
Hindi ako kumibo. Hinintay ko siyang mag-ayos tapos hinawakan niya ang kamay ko bago kami lumabas ng room.
"Ralph?" tawag ko.
"Kapag magkasama tayong dalawa, I'll spoil you. Ipaparamdam ko sa iyo ang pagmamahal na deserve mo."
Pagkatapos ng linyang iyon, nanahimik kaming pareho ni Ralph.
"W-Wait. May tumatawag."
Bumitiw ako sa pagkakahawak at nagmamadaling kinuha ang phone sa pag-aakalang si Ivan na iyon. Baka hinahanap na ako, pero unknown number ang naka-flash sa screen.
"Hello?" tanong ko.
"Hi, ma'am. Si Vanessa po ito. Tanong ko lang kung pauwi na kayo? Kasi umuwi na po si Sir..."
"Really? Pauwi--"
"Ayun lang po, hindi siya dumiretso sa kwarto ninyo kung hindi sa kwarto ni Rose."
VANESSA
Alas dose trenta na ng madaling araw, hindi ako mapakali dahil ang ingay ni Bek. Mababaw pa naman ang tulog ko kaya naalimpungatan kaagad ako noong marinig kong may kinakausap siya.
Umupo ako, kinusot-kusot ang mata. kahit madilim, kita ko ang malapad niyang ngiti dahil sa liwanag ng cellphone.
"Bakit gising ka pa?" nagtataka kong tanong upang maagaw ang atensyon nito. Dala ng gulat, kaagad niyang ibinaba ang cellphone at lumapit sa akin. Magkatabi lang kasi ang kama namin.
"Wala. Tinawagan ko lang yung pamilya ko dahil binabagyo sila ngayon."
Tumaas ang isa kong kilay dahil hindi naman ata angkop ang tugon niya sa nakita kong ngiti sa kaniyang mukha.
"Gano'n? Nga pala, may itatanong ako sa iyo. Matagal ko na itong gustong sabihin pero inabot na tayo ng sakuna. Mabuti na lang at nailigtas tayo ni Ivan. Bakit mo ako ikinanta kay ate, ha?"
"Huh? Ikinanta? Na nagsusumbong ka kay boss tungkol sa plano ni Rose? Iyon ba?" balik niyang tanong sa akin.
"Oo. Ikaw lang naman ang pwedeng gumawa no'n dahil hindi lang naman ako ang kumanta kay boss. Pati ikaw, hindi ba? Akala mo hindi ko alam?"
Alam kong pakulo lang na ang anak ni boss ang nagsumbong sa akin para isalba niya ang kaniyang sarili sa galit ng ate.
"Hahaha. Pasensya ka na kung isinalba ko lang ang sarili ko. Maiintindihan mo naman siguro ako, di ba? At saka, kalimutan na sana natin dahil tapos na naman iyon. Ang importante, buhay tayo. Ibig sabihin, may tyansa pa tayong patumbahin si Rose," ani 'ya tapos binalandrahan ako ng makahulugang ngiti.
"Nakakatakot ka, bakla. Kung demonyo ako, ikaw mas demonyo. Yung totoo, sino kausap mo kanina?" tanong kong muli sa kaniya. Hindi talaga ako kumbinsido na pamilya niya yung katawagan niya. Hindi ako mapakali.
Hindi niya agad ako kinibo ngunit bumigay rin naman siya.
"Si Margaux ang kausap ko," matipid niyang tugon. Nalaglag ang panga ko sa narinig. "Ma'am Margaux? Bakit?"
"Nag-report lang naman ako na umuwi na ang asawa niya. Hindi ba't normal lang naman iyon? Isa pa, hindi ka ba naaawa na umalis siya ng bahay para sunduin si Ivan tapos mababalewala lang ang effort niya dahil babalik siya sa bahay nang wala ang asawa niya sa kanilang kwarto, nasa kabila," mahaba niyang lintanya.
Napapalakpak na lang ako sa kademonyohan ni Bek. Grabe. Naisip ko lang 'yon pero hindi ko ginawa dahil may bukas pa naman, eh. At saka antok na ako, nakakatamad nang maging demonyita. Quota na ako ngayong araw. May awa pa naman ako kay Rose at kay Margaux.
"Sana maitago mo pa yang sungay mo at napakahaba na. Mukhang anumang oras ay mabubulabog ang bahay na ito dahil sa paparating na rayot. Magluto na ba tayo ng popcorn at maghanda na ng beer?" natatawa kong wika.
"Hahaha! Gaga! Anong akala mo? Aatrasan kita? Tara!"