KAPITOLO 9.5

1418 Words
RALPH I'm on cloud nine. Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil after so many years ng pangs-stalk ko kay Margaux, nasuklian din sa wakas ang pagpapagal ko. Kahit na hindi pa ito sapat, at hindi magiging sapat hangga't hindi siya napapasin, ang mahalaga sa ngayon, umuusad ako. Umuusad kami... "Saan ka galing? Masyado ka atang ginabi ngayon," tanong ni Ma. "May date ako. Si Ivan ba? Dito natulog?" tanong ko pabalik. Nakataas ang isa niyang kilay habang sinasalubong ako. "Why would ask? Alam mo namang hindi natutulog 'yon dito. By the way, date? Sinong ka-date mo? Naka-move on ka na kay Margaux?" "Ma, stop. Baka may makarinig. Alam mo namang ikaw lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko kay Margaux. Mabubulilyaso lahat ng plano ko kapag nakarating iyon kay Ivan." "I know. Wala namang ibang tao rito kung hindi tayo lang and your dad. Yung Lolo mo next week pa ang uwi dahil nagpunta ng Thailand. But let's back to the track, sino ang ka-date mo?" I sighed dahil hindi ako titigilan ni Mama hangga't hindi nasasagot ang kaniyang tanong. Before I answer, inaya ko muna siyang maupo. Hindi ko rin matanggihan si Mama dahil siya lang ang tunay kong kakampi sa pamilyang ito. 10 minutes na lang bago mag-alauna, hinintay niya pa rin akong makauwi kahit halata sa mata niya ang antok. "Maganda ang timing ko ngayong gabi, Ma, dahil nakita ko sa VIP si Margaux. Sinamahan ko siyang uminom at ayun, nagkakwentuhan rin kami. That bullshit Ivan, sabi ko na nga ba, tatarantaduhin niya si Margaux. Alam mo ba, Ma? Inuwi niya yung babaeng pinapahanap sa kaniya ni Lolo at ginawang kabit. Although nasasaktan ako sa sinapit ni Margaux, I'll take that opportunity para makuha ang loob niya. Ngayon ang tamang panahon para pumasok ako sa buhay niya. She needs someone na magbibigay sa kaniya ng pagmamahal at ako lang ang makakagawa no'n," mahaba kong litanya. Tiningnan ko si Mama dahil hindi ito kumibo agad. She's shocked. Nakapatong pa ang kamay niya sa kaniyang bibig. "R-Really? Bakit pinapahanap ng Lolo mo 'yong babae? W-Wait, hindi ma-absorb ng utak ko ang mga sinabi mo. Balikan mo ako bukas at ikwento mong ulit sa akin, okay? For now, I-I need to rest, sumakit bigla ang ulo ko," ani 'ya. Hinagodko ang kaniyang likod at inalalayan itong tumayo. Dapat pala hindi ko siya binigla sa chismis. Nasa 50's na rin kasi si Mama. Siguro dala ng labis na pagkagulat at antok kaya bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo. "Sorry, Ma. Naghintay ka nang matagal sa akin. I promise, paggising ko bukas, pupunta agad ako sa room mo para ikwento lahat ng alam ko." MARGAUX I can't deal with this anymore. Patawarin ako ng Diyos sa magagawa ko ngayong gabi. Bwesit na babaeng iyon! Napakakati! Porket wala ako sa bahay sinamantala na niya! "IVAN MONTEREAL!" sigaw ko pagkapasok na pagkasapok ko palang ng pinto. Mabigat ang mga hakbang na ginagawa ko. Labis na nag-iinit ang aking katawan. Gusto kong sumigaw, itapon lahat ng gamit na nakikita ko pero gusto kong i-reserve 'tong gigil ko sa babaeng haliparot na iyon. Walanghiya siya! Inuubos niya talaga ang pasensya ko! "IVAN!" muli kong tawag. Nagsilabasan na 'yong mga pokpok na katulong na kinuha ng asawa ko. 'Yung isang bata ni Rose ay lumapit sa akin, kinakabahan at natataranta. "Ma'am. Ano pong nangyari? Bak-" "SHUT UP! Palabasin mo 'yong amo mong mabaho ang p**e!" sigaw ko para matigil siya sa paglalakad at hindi tuluyang makalapit sa akin. Dahil kapag nagkataon, siya ang una kong masasampulan. "Natutulog na po si Rose, ma'am. Bakit po? Ano bang nangyari?" sunod-sunod nitong tanong as if close kami. "Sino ka para sagutin? Alis!" Dumiretso ako ng lakad at mabilis na pumanhik. Bwesit! Wag lang talagang madatnan ko ang dalawang 'yon na may ginagawang kababalaghan at talagang ihanda na ni Satanas ang impyerno para sa babaeng haliparot na 'yon! "IVAN! IVAN! BUKSAN MO 'TO! TALAGANG SASAGARIN MO PASENSYA KO!" Tanging pagkalabog lamang ng pinto ang nagawa ko dahil naka-lock iyon. Wala akong pake kung alin ang unang bibigay, yung kamay at paa ko o yung pinto. "I SAID OPEN THIS f*****g DOOR, IVAN! I KNOW YOU'RE IN THERE! DON'T TRY TO FOOL ME!" "What?" Muntik na akong matumba noong bigla na lang bumukas ang pinto. Tumambad sa akin si Ivan na walang saplot ang pag-itaas at tanging tuwalya lamang ang bumabalot sa ibaba nito. Para akong sinampal nang paulit-ulit habang pinagmamasdan ang kaniyang anyo. "How dare you..." mariin kong bulong at walang pagdadalawang isip na banggain si Ivan upang makapasok ako sa loob. I saw the little devil na nangangatog ang katawan habang nakakapit sa kumot upang itago ang makasalanan niyang katawan. "Nahiya ka? Nahihiya ka pang gaga ka! Sa lagay na 'to, ha?! Talagang may natitira pang hiya sa 'yo?!" gigil kong bulyaw. Naramdaman ko kaagad ang kamay ni Ivan sa braso ko't para bang hayop na hinihila ako palayo sa kabit niya. Sa pagkakataong ito, tinatanong ko sarili ko kung asawa niya ba ako o ano? Pero hindi ako pumayag. Hindi ako papayag na hindi dadapo ang kamay ko sa langaw na ito. "ALAM KONG HALIPAROT KANG HAYOP KA! PERO ISANG MALAKING PAGKAKAMALI ANG MAGTIWALA NANG KATITING NA HINDI MO PAPATULAN ANG ASAWA KO!" Dumagundong sa apat na sulok ng silid ang nanggagalaiti kong sigaw. Malakas si Ivan pero salamat sa adrenaline rush, balewala sa akin ang paghila niya. "Margaux! Tama na!" Nabaling kay Ivan yung atensyon ko dahil nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. "Really? IVAN?! Tama na?! TAMA NA AGAD?! Nakakaisang sampal pa lang ako, tama na?! This bullshit, sa tingin mo isang sampal lang ang katumbas?! Isang hukay bago ako makuntento! Napakagago mo! Ang gago-gago mo! Ibinigay ko sa iyong lahat! Ibinaba ko 'yung sarili ko, pride ko, lahat! Pati ata sanity ko, Ivan! Inubos mo na ako tapos ganito ang igaganti mo sa akin?! Do I deserve this!? Ha? Answer me! Deserve ko bang saktan nang ganito?! Harap-harapan!" I thank God hindi pa napigtas ang litid ko sa leeg sa sobrang gigil. I thank God, binibigyan niya ako ng lakas para makatayo't makipagtitigan sa asawa kong winalanghiya ako at sa babaeng ipinagpalit niya sa akin. "First and foremost, Margaux, bago pa tayo magkalabasan ng kahihiyan dito, one-sided lang ang pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa. Alam mo simula't sapul na hindi kita gusto, in fact, alam mo kung gaano ako nagpumiglas sa desisyon ng Lolo ko para hindi maikasal sa iyo. Kaya bago mo ako sumbatan kung deserve mo bang masaktan at lokohin, naisip mo ba yung nararamdaman ko before until now? I once beg, Margaux, sa araw ng kasal natin. Wag mong kalimutan kung paano mo binalewala ang pakiusap ko. Ikaw ang pumasok sa sarili mong impyerno so don't f*****g turn the table at isisi sa akin ang kasalanan mo. Get out before ko pang makalimutan na babae ka," mahaba niyang litanya. Gusto kong mag-rebutt dahil ako ang biktima rito. I shouldn't feel this feeling na parang kasalanan ko pa. Yes, binalewala ko 'yung pakiusap niya before pero mahal ko siya. Masisisi niya ba ako? Kahit sino namang tao, magbubulagbulagan, hindi ba? Normal lang naman 'yon. Pero ang mangaliwa? Sa tingin ko, sobra naman atang pambayad iyon sa kasalanang nagawa ko. No one deserves to be cheated. "Nabingi na ba ang tenga mo sa sigaw mo? I said get out!" Tanging luha na lang ang naisukli ko sa sinabi ni Ivan. Hindi ako makapaniwala. Binalingan ko nang mabilis na tingin 'yong haliparot niyang kabit na ngayon ay umiiyak na rin. Marahil umiiyak siya sa sobrang tuwa dahil pinagtatanggol siya ng asawa ko. "I'm warning you, Ivan. Yung isang beses, kaya kong kalimutan. Pero ang pangalawa, hindi na ako tatahimik pa. You know me well. Alam mo kung anong kaya kong gawin. I can ruin this twisted fantasy of yours kung gusto ko pero nagtitimpi pa rin ako all because I love you. Please don't do this again... Please." After I said that, umalis na ako. I saw the three maids na nakikimarites sa labas ng room. Sinamaan ko lang sila ng tingin dahil may free drama silang napanood. Sasanayin ko na ba ang sarili ko sa ganitong set up? No way... No f*****g way. Just so you know, Ivan, I married you while thinking of my self satisfaction. Hindi ako papayag na tumubo ang sungay mo para kalabanin ako. Hindi ko gusto nang gano'ng asawa. Savor this night with your kabit dahil bukas na bukas din, I'll tight your leash.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD