KAPITOLO 6:SULSOL NG DEMONYO

1517 Words
IVAN This is messy... Everything is messy to the point na nawala kaagad 'yung tama ng alak sa sistema ko. I have to cope up with Margaux's rage. She's not joking. Totoo ang banta niya dahil subok ko nang mga iyon. But I am also not in the mood para kumilos at umisip na naman ng pakulo para suyuin siya. Give me a break... "Pwede bang iba na lang ang ipagawa mo sa akin, Ivan?" Napatingin ako sa gawi ni Rose. Hindi nagtama ang aming mga mata dahil nakatingin siya sa kawalan. She's still holding the quilt as if doon nakasalalay ang kaniyang buhay. "Go back to sleep," utos ko. Nilapitan ko siya, balak na ibalik siya sa pagkakahiga sa kama ngunit bago pa man mangyari iyon, iniharang na niya ang kaniyang kamay. "Wala ka bang nararamdamang awa sa sigaw, sa pakiusap ng asawa mo, Ivan? Hindi ka ba nakokonsensya?" sunod-sunod niyang tanong. Tumaas ang isa kong kilay dahil napansin kong may kumpyansa na sa tono ng kaniyang pananalita. "Sa tingin ko, hindi kasama sa role mo ang magtanong at magtanong. Nandito ka para pagsilbihan ako. Kung nadadala ka sa pagdadrama ng ni Margaux, hindi na para magkumento ka," wika ko habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Pasensya ka na. Nagsalita lang ako bilang tao, bilang babae na nakokonsensya dahil alam kong nakakasira ako ng buhay ng iba," mariin niyang tugon. Hinawakan ko ang kaniyang mukha magkabilang pisngi dahil hindi ko nagustuhan ang tono niya. "Nakakasira? Well that's the reason kaya kita dinala rito. You have to ruin us, Rose. Hindi madali ang hinihingi mo at hindi na ako mag-a-adjust sa kahinaan mo. If you can't keep up with this kind of set up, wag mo nang hangarin na makukuha mo pa ang lupa at buto ng Lolo mo." Dala ng inis kay Margaux, hindi ko namalayan na masyadong mahigpit ang hawak ko sa mukha ni Rose dahilan upang magkaroon ng bakat ang pisngi nito noong bumitiw ako. "Gagampanan mo lang nang maayos, isn't it hard for your brain to digest?" natatawa na naiinis kong tanong sa kaniya. Although naaawa rin naman ako dahil hindi pa gano'ng kagaling ang katawan niya, ibinubulong ng isip ko na huwag akong maging soft sa babaeng nasa harap ko. I might meet her as a meek lady, pero hindi ko siya kilala totally. Hindi siya sumagot which I expected. Hindi ko alam kung pareho kaming nahimasmasan na o mayroon pa ring tama ng alak si Rose. "Sige. Simula ngayon, susundin ko kung anong gusto mo. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako lolokohin sa huli. Isinusugal ko buong kaluluwa ko para sa taong mahal ko, Ivan... nakakatawa man, hindi ka man maka-relate, ipagdarasal ko sa maykapal na makahanap ka naua ng taong pag-aalayan mo ng buhay nang sa gano'n 'yang mayabang mong mukha ay mabura," mahaba niyang litanya. "Nang sa gayon malaman mo ang pakiramdam ng pagiging desperado," pagpapatuloy niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Tumayo siya sa harap ko, binitiwan ang kumot na kanina niya pa ipinambabalot sa kaniyang katawan at inangkin ng walang pag-aalinlangan ang aking labi. Hindi ako nagpumiglas. Sinabayan ko ang kaniyang kumpas. I admit, mabilis matuto ang babaeng ito o baka ilang beses na niyang ginawa ang bagay na ito sa kung sino-sino kaya na-master na niya? Walang may alam. "You're quite the trickster, Rose... I hope you know what you're doing right now. You're playing with fire," bulong ko sa kaniya bago ipagpatuloy ang nasimulan niyang paghahamon. Before I met you, I made a promise to myself. Kailangan mo lang sumunod sa akin, Rose, iyon lang. Ako nang bahala sa lahat. MARIBEK Napaka-solid na rambol. Napakaganda ng bunga ng simula. "Grabe, abot langit yung ngiti mo, Bek. Para kang demonyo," wika ni Bane. Papunta kami ngayon sa silid ni ma'am Margaux upang ihatid ang mainit na sabaw. Napansin kasi namin na lulong din siya sa alak kung kaya't napagpasyahan naming pahupain agad iyon. Para magkaroon pa ng part 2. "Salamat sa kumplimento. Kulang 'yung niluto nating popcorn. Nabitin ako," ani ko. "Hahaha! Wag kang mag-alala, hindi naman ito ang una't huling beses na makikita natin silang nagsasagupaan. Pero grabe no? Ang gwapo at ang sarap ni sir Ivan! Napakaswerte ni Rose! Kung pwede lang sumapi sa katawan niya ng isang gabi para lang maranasan ko kung anong pakiramdam ng may gwapong nilalang sa tabi ko, naku! Okay lang talaga kahit ano'ng kapalit." "Hindi naman imposible 'yan, Bane. Sabi nga kung gusto maraming paraan." Nagtama ang tingin naming dalawa. Parehong may makahulugang ngiti sa aming mukha. "Wag mo akong sinusubukan, Bek. Alam mong marupok ako sa mga gwapo, baka palagan ko 'yang ideya mo." "Palagan mo, wala namang mawawala sa iyo. Isa pa, kung pagandahan lang naman ng hubog ng katawan, higit na lamang ka kay Rose. Nagawa niya ngang maakit si sir Ivan, bakit hindi mo subukan ang iyong swerte? Malay mo? Hindi ka naman mamamatay kung susubukan mo, di ba?" pang-uudyok ko sa kaniya. Tumigil kami saglit sa paglalakad dahil malapit na kami sa silid ni Margaux. Humarap sa akin si Bane, halatang-halata ang pamumula ng mukha dala ng labis na tuwa. Kulang na lang pumalakpak ang tenga niya. Desperada... Makati... Inggitera... Yan ang mga katangian ni Bane kaya isa siya sa mga paborito kong tao. Madali siyang mauto. Magandang pain. "Sa tingin mo? Oo nga, no? Sige. Susubukan ko yan, hahahahah! Hindi ko inaasahan na hahanapin ko rin pala ang dati kong buhay, alam mo na, ang mapasukan ang aking kweba," excited nitong wika. "Buang ka. Mamaya na natin pag-usapan 'yan, kailangan nating asikasuhin muna ang isa pang bobita," ani ko tapos kumatok na ako sa pinto ni Margaux. "Pagbubuksan niya kaya tayo? Pano kung hindi na tayo makalabas ng buhay?" "Edi patay. Wag kang mag-alala, magkikita pa rin naman tayo... Sa impyerno na nga lang," tugon ko. Sinubukan kong pihitin ang seradura at noong malaman kong hindi naman iyon naka-lock, walang ano-anong binuksan ko na nang diretso. Tumambad sa amin ang babaeng nakahiga, walang ibang saplot kung hindi bra at panty. Isa pang desperada. Akala niya siguro, dadalawin siya ni Ivan pagkatapos ng rambol na nangyari kaya iniwan niyang bukas ang pinto at hinubad ang suot na damit ngunit nahihiyang ipakita ang lahat kung kaya't nag-iwan ng katiting na pantakip. Nakakaawa... "Hala, Bek. Ano? Gigisingin ba natin?" "Syempre. Hindi natin pwedeng hayaang mamatay ang apoy ng galit ni Margaux kay Rose." Bahagyang pinalo ni Bane ang balikat ko. Hindi siya makapaniwala na naririnig niya ang mga salitang 'to. "Ako nang gigising. Ikaw na bahala kung paano mo siya kakausapin." Hindi ako kumibo. Dumiretso na rin naman siya't marahang inalog ang katawan ni Margaux. Ilang beses niyang ginawa iyon ngunit walang nangyari. Nainip na ako kaya ako na 'yong lumapit at isang malakas na pitik sa noo ang ginawa ko. Kaagad na uminda sa sakit si Margaux. Napabukas din siya ng mata at tuloy-tuloy na nagising. "What the hell are you doing here?!" malakas na wika nito sabay takit ng dalawang kamay sa kaniyang dibdib. "Wag kang mag-alala, ma'am, meron din kami niyan. Mas malaki nga lang nang kaunti," panloloko ni Bane. Sinamaan siya ni Margaux ng tingin kaya napaatras nang wala sa oras ang babaknita. "Ma'am, heto po, sopas. Pinapabigay po ni sir Ivan," pagsisinungaling ko. Sa sinabi kong 'yon, kaagad na lumiwanag ang mukha ni Margaux. Gusto kong matawa dahil akala ko, mahihirapan akong manipulahin siya pero sa simpleng pagsisinungaling ay kumagat na agad siya. So, ang sikreto lang... ay si Ivan. "Really?" hindi makapaniwala nitong tanong sa amin. Pinandilatan ko ng mata si Bane noong akma siyang sasagot. Hindi pwedeng masira ang magandang simula. "Opo. Dapat po siya ang maghahatid nito sa inyo at kami ang tutulong umasikaso kay Rose kaso, pinilit niya na kami na lang ang magdala nito para hindi umalis si Ivan sa kaniyang tabi." "That wench... napakakapal talaga ng mukha! Akin na 'yan at imum--" "Teka lang, ma'am. Kumalma po kayo. Alam kong galit kayo kay Rose. Pero, hindi ba't laking mayaman kayo? Hindi mo dapat siya pinapatulan sa ganitong paraan... may mas magandang paghihiganti ang nararapat para sa kaniya," pamimigil ko. "What do you mean?" tanong niya pabalik sa akin. "Kung sa pagsabunot at pananampal niyo lang po pahihirapan ang malanding iyon, hindi siya madadala. Pero kung sasaktan niyo siya sa paraang alam ko, paniguradong siya na mismo ang magmamakaawang umalis sa bahay at sa buhay niyo." Saglit na binalot ng katahimikan ang silid. Halos magsalubong na ang kilay ni Margaux, marahil iniisip niya kung ano ang ibig kong sabihin. "Cut the talk, girl. Paano ko masasaktan nang sobra si Rose? Paano ko siya mapapalayas sa lalong madaling panahon?" Hindi ko napigilan ang ngumiti. Labis na pagkasabik ang bumabalot sa aking katawan. "Hanapin mo kung saan tinatago ni Ivan ang titulo ng lupa na pinaglilibingan ng Lolo ni Rose. Punitin mo sa harap niya kung gusto mo o di naman makipagbuno ka rin sa kaniya gaya ng pakikipagbuno niya kay Ivan para lang mabawi ang lupa nang sa gayo'n, malito siya kung sino ang kaniyang susundin. Ikaw o si Ivan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD