MARGAUX
'I can't believe nagawa ni Ivan 'yon sa iyo. Hindi ba he's into you na before your marriage? Kayo ang epitome of true love. From childhood lovers into husband and wife. Your love story is perfect! Anong nangyari?'
Shut up...
'What if maging more submissive ka as a wife? Feeling ko mas gusto ng mga lalaki kapag gano'n ang babae.'
"Shut up..."
"SHUT UP!"
"Ma'am? Ayos lang po ba kayo?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig noong marinig ang boses ni manong driver. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto na nasa garahe na pala kami ng bahay.
Kaagad kong kinuha ang aking bag at mabilis na lumabas ng sasakyan. Mabilis ang yapak ng mga paa, isa lang ang nasa isip...si Ivan.
"Umuwi na ba si Ivan?" kaagad kong tanong sa katulong na naglilinis.
It's almost 9 in the evening. I'm sure nandito na siya dahil tumawag ako sa Secretary niya, wala na raw siya sa office.
'Hindi po siya pumasok, ma'am. Ni-reschedule niya po yung meeting niya with Sir Gou.'
"Umalis po, ma'am. Pero nandito na po iyon kanina pa po," tugon nito. Noong marinig ko iyon, kumalma na ako dahil akala ko hindi na naman siya uuwi ngayon.
"Matutulog muna ako manang. Pakigising ako kapag dumating na ang asawa ko, hmm?" ani ko. Tumango ito tapos ipinagpatuloy na ang kaniyang ginagawa. Napansin ko na parang may mali sa mga ikinikilos ng mga tao sa bahay. Parang takot silang tingnan ako sa mata.
'Baka imagination ko lang,' bulong ko sa aking sarili at isinawalang bahala na lang ang nararamdamam.
Tumaas na ako at dire-diretso sanang tutungo sa aming silid ni Ivan nang makita ko si Facundo na nasa labas ng personal na silid ng asawa ko.
"What are you doing there? Akala ko wala si Ivan. Hindi ka niya kasama?" nagtataka kong tanong.
"Naglinis lamang ako sa loob, mada'am," mabilis niyang tugon. Kalmado naman ang tono ni Facundo pero may napansin ako habang pinagmamasadan ko siya.
Nalukot ang noo ko dahil imposibleng iwan siya ni Ivan. Sa totoo lang, kung hindi ko kilala si Facundo, pagseselosan ko siya dahil mabuti pa siya, lagi niyang kasama ang asawa ko. Kaya labis akong nagtataka kung bakit naiwan siya rito.
"Gano'n ba? Inform me kapag dumating na siya, ha? Matutulog muna ako saglit," ani ko.
"Makakaasa po kayo."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, nanatili lang siya sa kaniyang kinatatayuan which is dumagdag pa sa iniisip ko. Bakit hindi pa siya umaalis? Tapos naman na ata siyang maglinis. At saka bakit wala siyang dalang gamit? Naglinis ba talaga siya?
I sense something wrong...
Simula sa mga anxious na tingin ng katulong pati ang presensya ni Facundo sa bahay...
Anong maroon?
Tumalikod na ako, nagtungo sa kwarto. Ang sabi ko magpapahinga muna ako pero natabunan na iyon ng mga hinala.
Nagpasya akong magbihis muna, mag-ayos ng sarili. Dahil hindi ako mapakali, napagpasyahan kong magpatay muna ng oras. Pagkatapos nang lahat, dahan-dahan akong lumabas, sinilip kung nandoon pa rin si Facundo sa pwesto nito.
Noong hindi ko na siya makita, kaagad akong naglakad patungo sa pintuan ng silid ni Ivan at binuksan iyon.
Nalaglag ang panga ko.
'If there's one thing that you MUST trust, it's a woman's guts.'
Isang babae ang nakahiga sa kama ng asawa ko.
Ilang segundo rin akong natulala bago kumilos. Siguro dahil inis na inis ako kay Ivan dahil hindi niya nagawang bigyan ng halaga ang anniversary namin, pinag-isip niya ako ng kung ano-ano tapos heto pa... kaya feeling ko ang lakas-lakas ko.
I don't know kung kailan at paano ako kumilos pero napagtanto ko na lang na nasa sahig na ang babae, umiiyak ngunit hindi nagpupumiglas.
Bakit?
Bakit ginagawa sa akin ito ni Ivan?
"Sino ka!? Anong ginagawa mo sa kwarto ng ASAWA KO!" galit kong tanong. Sinadya kong bigyan ng diin ang dalawang huling salita para tumagos sa katawan niya ang kagagahan niya.
Wala akong nakuhang sagot kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kaniyang buhok, walang awa siyang kinaladkad palabas ng silid.
"Sagot!"
"Sagoooot!"
Masyadong mainit. Wala na ako sa tamang kaisipan. Para akong agresibong hayop.
Inupuan ko ang kaniyang tiyan at pinagsasampal ang kaniyang mukha. Malakas. Sinigurado kong mas malakas pa kesa sa iyak at hiyaw niya.
Dahil sa kumusyon, naagaw namin ang atensyon ng lahat ng tao sa bahay. Naramdam ko ang mahigpit na yakap ni Facundo sa aking bewang. Kahit pilit niya akong inilalayo sa hindi kilalang babae, hindi ko pinakawalan ang buhok nito.
"Sino ka, lumayas ka rito! Anong ginagawa mo sa kwarto ng asawa ko, ha!? Anong ginawa ninyo! HAYOP!"
"Enough."
Sa isang salita, natigil ako sa pagwawala.
At last, here comes my Husband... ang perpekto kong asawa.
Nilingon ko si Ivan. Kumawala ako sa pagkakahawak ni Facundo para lapitan siya.
Tinitigan ko siya nang masama. Alam ng Diyos kung gaano ako nagpipigil na hindi siya sampalin dahil mahal ko siya at asawa ko siya. Sumumpa ako, kami, sa harap ng mahal namin sa buhay, sa Diyos, na hindi namin sasaktan ang isa't isa.
That's why I am asking right now...
I keep asking after ng kasal namin.
Bakit niya ako ginagago?
Bakit niya sinasaktan ang puso ko?
"Once and for all, I am f*****g begging you! You better explain this s**t, IVAN MONTEREAL!" nanggigigil kong wika bago ako padabog na umalis pabalik ng kwarto.
ROSE
Pagkatapos ng gulong nangyari, naiwan ako sa silid kasama ang isang katulong. Kasalukuyan niyang ginagamot ang pumutok kong labi. Nakakahiya man, hinayaan ko na lamang siya dahil pakiramdam ko, nabali ang ilan kong mga daliri dahil sinusubukan kong depensahan ang aking sarili mula sa atake ng asawa ni Ivan, kahit na sinabi ko sa sarili ko na hayaan na lang ito na saktan ako dahil wala ako sa lugar para ipagtanggol pa ang sarili laban sa mga pisikal niyang atake dahil deserve ko naman iyon.
"Natauhan ka na ba? Kung ako sa'yo, ngayon pa lang ay lumayas ka na sa pamamahay na ito kung may natitira ka pang delikadesa," payo nito.
'Kung pwede lang, hindi na ako pupunta rito sa simula pa lang'. Yan ang gusto kong sabihin ngunit hindi na ako kumibo dahil pakiramdam ko namamaga ang buo kong mukha sa sobrang lakas at daming sampal na naabot ko.
"A-Aray..."
"Kailangang linisin yang bibig mong marumi, wag kang magreklamo. Ang lakas ng loob mong manira ng relasyon tapos aaray ka?"
Nilunok ko na lang ang sasabihin ko dahil baka kung ano pang gawin niya. Idinaan ko na lang sa iyak ang pakiusap.
Dahil sa ginagawa niyang marahas na paggagamot sa sugat ko sa labi, hindi matapos ang panginginig ng katawan ko dulot ng sakit.
Ilang minuto akong nagtiis nang matindi. Bawat diin ng bulak ay labis na parusa para sa akin.
"Maligo ka. Kuskusin mo nang maigi ang katawan mo nang mawala yang kakatihan mo, Pokpok. Magkano kinikita mo sa pagbuka ng hita, ah? Kay bata-bata mo pa. Ako kahit mahirap kaming tao, hindi ako pinalaki ng magulang ko na gamitin ang katawan ko para magkapera, mas lalong gamitin iyon para makasira ng buhay ng iba. Mahiya ka, Magdalena. Walang lugar sa mundong ito ang katulad mong pakarat! " wika nito pagkatapos ay ibinato niya sa mukha ko ang damit na nakapatong sa lamesa.
Wala akong ginawa. Ni hindi nga gumalaw ang katawan ko noong itapon niya sa akin yung mga damit. Sanay na akong makutya. Walang araw na hindi kinwestyon ng tao ang puri ko. Bato na ang puso ko pagdating sa bagay na iyon pero yung idamay ang mahal ko sa buhay at kutyain kung paano ako pinalaki ang hindi ko kayang akuin.
Sabi nga, mas madaling magsalita kaysa mag-isip.
Napakadaling humusga ng tao kahit hindi nila alam kung anong tunay na nangyayari.
Oo, salat ang pamilya ko sa salapi at lumaki ako nang walang ibang gumagabay sa akin kung hindi ang Lolo ko. Pero mabuti akong tao, maprinsipyo... gano'n ako pinalaki. Hindi madali ang naging buhay ko pero kinakaya ko, patuloy kong kinakaya. Lahat naman tayo lumalaban araw-araw, bakit yung paraan ko lang ang tanging kinukutya?
Huminga ako nang malalim. Walang mangyayari kung iisipin at didibdibin ko ang narinig na masasasakit na salita.
Dahan-dahan kong iginalaw ang aking kamay upang kunin ang mga damit na nahulog na sa sahig. Tumulo na naman ang luha ko dahil sa sakit. Ako'y nangangamba... paano kung maunang sumuko ang katawan ko bago ko pa makuha ang titulo ng lupang pinaglilibingan ni Lolo?
"Nasaan si Martha?" Hindi ko pa man naiaangat ang ulo ko, nakita ko na ang kamay ni Ivan, pinulot ang mga damit.
"May I see," ani ya tapos itinaas ang aking baba upang makita niya nang maayos ang kabuuan ng aking mukha. Wala akong mabasang ekspresyon, ni hindi ko alam kung anong iniisip niya. Sa tulong ng ilaw ng silid, napansin ko ang pamumula ng kaliwang pisngi nito.
Wala akong maramdaman kung hindi kirot. Alam niyang labis na namamaga ang labi ko pero hinipo niya pa rin iyon na parang may tinatanggal siyang dumi.
"Starting from now on, you must endure this kind of treatment, Rose. She's my wife, naiintindihan mo naman kung bakit niya nagawa sa iyo yan. Kung gusto mong makuha ang titulo ng Lolo mo nang buhay, dalawa lang ang option mo. Kunin mo ang loob niya o kunin mo ang loob ko," ani ya.
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko alam kung nagiging judgmental lang ako o talagang totoong may laman ang mga salitang binitiwan niya. Gayunpaman, hindi pa napag-iisipan ay bumuka na nang kusa ang aking bibig.
"Pumayag ako na maging kabit mo, kumagat ako sa pain mo, Ivan. Hindi ko pinagsisisihan ang naging desisyon ko dahil para sa Lolo ko itong ginagawa kong sakripisyon. Inaasahan ko na sana maging patas ka rin dahil dugo't pawis ko ang ipinambabayad ko sa iyo. Kahit na mahirap lang ako't para sa iyo, isa akong mababang uri; Tao rin ako, may dignidad. Kung ipagpipilitan mong kunin iyon sa akin dahil kaya mo, patayin mo na ako ngayon pa lang."