IVAN
'Is she gonna make it today?'
'Why is she late? Did she encounter a problem with that pervy old man?'
'Sunduin ko na ba siya?'
"Facundo, anong balita?" tanong ko. Hindi na ako makapagpigil. Mag-iisang oras na akong naghihintay sa aking silid. Alas sais ang usapan namin pero mag-aalas syete na, wala pa rin kahit anino niya.
"Wala pa rin pong dumarating, Sir. Patuloy pong nakaantabay ang gwardya at ang mag-aasikaso kay Ms. Rose kapag dumating na po ito," tugon niya. Tumango na lang ako dahil ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay maghintay. I am trying my best to hide my excitement because I've calculated everything. Plantsado ang mga plano ko pagkatapos ng araw na ito.
I'm 100% confident na walang hahadlang, walang sisira...
"Sir! Pasensya na po sa abala. Nandyan na po si Ms. Rose."
Napatayo ako bigla nang marinig ang balita. Hindi ko mapigilang hindi mangiti. I've always get what I want pero bakit sa sandaling ito, parang bago sa akin ang pakiramdam na ito.
"Alam niyo na ang gagawin. Siguraduhin niyo lang na hindi magtatagal ang pag-asikaso niyo sa kaniya, dalhin niyo kaagad siya sa akin," wika ko na may halong pakiusap.
"Opo, Sir."
Lumabas na si manang upang asikasuhin si Rose. Tiningnan ko si Facundo. Mabilis naman niyang nakuha ang gustong mangyari kaya sumunod na rin siyang lumabas.
Pagkasara ng pinto, tumayo ako't nagtungo sa salamin upang sipatin ang aking sarili. Inayos ko nang mabilis ang aking suot pati na rin ang aking buhok.
"Contain yourself, Ivan. Don't show your weakness. Hindi mo pa siya kilala. Hindi mo na siya kilala," bulong ko sa aking sarili.
Nang makalma, bumalik na ako sa aking upuan at pinagmasdan ang pintuan sa aking harap.
Although kalmado na ang isip ko, maybe it can't control my heart right now. It's beating so fast that I can feel my palms sweating.
"F*ck... this is driving me crazy."
Ilang segundo pa akong naghintay at sa wakas, bumukas na rin ang pinto. Lumawak ang ngiti sa aking mukha noong makita ang anyo ni Rose.
"Thank you, manang. You can now go. Please lock the door for me," ani ko na kaagad naman nilang sinunod nang walang kibo.
Pagkasara ng pinto. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. "You can now take that off," wika ko.
Wala akong nakuhang mabilis na response mula kay Rose kaya tumayo na ako't lumapit sa kaniya. Ayaw kong pinaghihintay ako, that's what I wanted to tell myself para i-justify ang ginagawa ko.
"Naapektuhan ba ang pandinig mo habang bumabyahe ka papunta rito?" mahina't halos pabulong kong tanong. Dahan-dahan kong tinanggal ang nakabalot sa kaniya.
I expected na maganda ang hubog ng kaniyang katawan dahil nakita ko na siyang nakasuot ng maiksing damit pero hindi ko inaasahan na magugulat pa rin ako.
Nakayuko siya, nakatingin sa sahig. Hinawakan ko ang kaniyang baba at inangat ito nang maingat upang magtagpo ang aming mga mata. "What's wrong? Hindi pa man tayo nagsisimula, umiiyak ka na kaagad."
"Do you want me to be naked as well? Para may kahati ka sa hiya?"
"S-Sila Judy..." bulong niya na ikinakunot ng noo ko. Yumuko ako nang bahagya upang marinig ko ang sasabihin niya. "Judy? Who's that?"
"Tu-Tulungan natin sila Judy. Parang awa mo na. Gagawin kong lahat. Tulungan mo sila. Hindi ko alam kung anong maaaring gawin sa kanila ni boss. Paano kung ikulong sila? Saktan? May mga pamilya sil--"
I press her lips with mine. Masyadong maraming sinasabi.
Sa sitwasyon niya ngayon, mas iniisip niya ang kalagayan ng iba kesa sa sarili niya. Hindi ba siya natatakot sa akin? Pinapunta ko siya sa kwarto ko nang hubo't hubad, isn't that enough to scare her?
"What do you want me to do? Should I kill your boss? Bilhin yung mga kaibigan mong pokpok?"
Kaagad siyang umiling. Napansin kong nanginginig ang kaniyang balikat kaya hinubad ko ang suot kong damit at ibinihis iyon sa kaniya. Kahit na gusto ko pang titigan ang kaniyang katawan, naghunosdili muna ako because I have a lot of time to do that later.
"I'll talk to Facundo, siya nang bahalang tumulong sa mga kaibigan mo. For now, let's proceed with our deal."
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at nagtungo kami sa may mesa kung saan naroroon ang kontratang inihanda ko para sa kaniya. Mayroon din kaming pagsasaluhang wine pagkatapos.
"Can you read?" tanong ko. Walang halong pang-iinsulto iyon. Tumango siya at kinuha nang mabilis ang kontrata. Tahimik niya lang iyong binasa habang ako, inaabangan ko ang gagawin niyang ekspresyon.
Hindi naman ako naboring sa nakikita ko. Lahat na yata ng ekspresyon ay ginawa niya maliban lang sa pagiging masaya which is I think dapat niyang maramdaman ngayon dahil hindi na siya magtatrabaho pa para mabuhay. Ako na ang aako sa responsibilidad na iyon.
"Hindi ko maintindihan ang lahat," mahina at halos pabulong niyang wika.
Inangkin ko ang kaniyang baba at hinalikan muli ang kaniyang labi. Dahil sa gulat, hindi na niya nagawang makapalag. "Hindi mo naiintindihan? Ipapaliwanag ko nang mabilis at maiksi sa iyo ang nilalaman ng kontrata natin, Rose."
"Maninirahan ka sa pamamahay ko simula ngayon. Katawan mo ang ipambabayad mo sa lupang pinaglilibingan ng iyong Lolo".
ROSE
Kanina pa hindi mapakali ang puso ko sa ginagawang kahayupan ni Ivan. Alam ko kung anong landas ang tinahak ko, anong klase ng impyerno ang pinasok ko, pero hindi ibig sabihin no'n, wala na sa akin ang lahat.
"Paano ang asawa mo?" lakas loob kong tanong. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Ivan. Tama bang sabihin na may alam ang asawa niya? O wala lang din siyang pake kung anong sasabihin o mangyayari sa relasyon nila?
"Wala naman siyang magagawa. Are you scared? Na baka saktan ka niya?" Hindi ako kumibo. Obvious naman ang sagot sa tanong niya. Ipokrita ako kapag sinabi kong hindi.
Imbes ang kasalanan ng pagiging kabit lang ang poproblemahin ko araw-araw at ipagdarasal sa itaas, iisipin ko pa kung kanino ako mamamatay, kay Ivan o sa asawa niya.
"Don't worry. Malay mo masiyahan ako sa pagtatrabaho mo, pati proteksyon mula sa asawa ko, ibigay ko sa iyo. Hindi lang ikaw ang magsasakripisyo rito, Rose, ako rin. You're ruining your life... and I do too."
Kinuha niya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Niyakap niya ako't hinalikan ang aking noo. "You only need to obey me... that's it. Ako nang bahala sa lahat."
Hindi ko alam kung bakit biglang napanatag ang puso kong nasa kalagitnaan ng bagyo kani-kanina lang.
May karapatan ba akong kumalma?
Baka parte ito ng plano niya...
"Before we drink this wine, you need to sign the contract."
Iginala ko ang aking mata upang hanapin ang ballpen ngunit bigo akong makakita ng isa.
"Paano?" maiksi kong tanong.
"This is a lifelong bond, Rose... Hindi ako papayag na mabura ng panahon ang sumpang gagawin natin ngayon."
Hindi ko makuha kung anong ibig niyang sabihin. Mas lalo pa akong naguluhan noong may kinuha itong maliit na kutsilyo. Kulay ginto, napakaganda ng ukit sa hawakan nito.
"T-Teka... A-Ahh!"
Walang ano-anong hiniwa nito ang balat ng aking hintuturo. Lumabas ang mapulang dugo, dumaloy at tumulo. Akala ko iyon na ang gagamitin niya bilang panlagda sa kontratang papel ngunit hindi kami pareho ng nasa isip.
Pinisil niya ito na siyang dahilan para magpakawala ako nang sunod-sunod na ungol.
Hinayaan niyang tumulo ang dugo patungo sa baso na may alak. Tatlong patak bago niya angkinin ang aking daliri't walang hiyang dinilaan ito habang seryosong nakatingin sa akin.
Labis ang aking pagpipigil na gumawa ng kahit ano pang ingay dahil paniguradong lalamunin ako ng hiya.
"Here. I'll let you do the honor," ani ya pagkatapos niyang malinisan ang aking daliri. Ibinigay niya sa akin ang kutsilyo.
Nanginginig ang aking kamay sa sobrang takot. Maingat kong itinutok ang dulo ng kutsilyo sa kaniyang hintuturo at gumuhit ng maliit na linya. Kaagad na tumulo dugo sa mesa. Itinapat niya ang kaniyang daliri na may sugat sa isa pang baso. Kagaya nang nauna, tatlong patak.
"Try it," wika niya na may halong panunukso. Nais niyang gayahin ko ang ginawa niya sa akin kanina. Para akong sinaniban. Kinuha ko ang kaniyang daliri at inilapit ito sa aking bibig.
'You only need to obey me... that's it. Ako nang bahala sa lahat'.
Nahihiya man, hindi ako sumuway sa kaniyang utos.
Inilabas ko ang aking dila't sinimulan ang paglinis sa daliri nito. Pinagmasdan ko rin ang mukha niya para malaman kung anong magiging reaksyon niya sa ginagawa ko na kaagad kong pinagsisihan. Napansin kong namula ang mukha ni Ivan kaya itinigil ko ring kaagad ang aking ginagawa.
Nagpakawala siya ng mahinang tawa, tila tinutukso ako sa nagi kong reaksyon.
"Here, drink this," alok niya sabay abot no'ng baso kung saan tumulo ang kaniyang dugo.
Hinalo niya muna iyon bago ibigay sa akin.
"Cheers?"
Kaagad na nilagok ni Ivan ang inumin nang walang halong pandidiri.
Pinagmasdan ko yung akin at paulit-ulit na lumagok ng laway bago dahan-dahan at nakapikit na ininom ang alak.
Pagkatapos ng paghihirap, naubo ako sa sobrang pait.
"Are you alright?" tanong niya. Hindi ako kumibo.
Akmang lalayo na sa kaniya, hinigit niya ang aking bewang at pwersahang hinalikan ang aking labi.
Walang pakundangan...
Kakaiba...
Mapusok kumpara sa mga nauna naming pagsasalo.
Pinilit kong makawala sa kaniyang pagkakayakap ngunit bigo ako. Sa mga sandaling ito, pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin sa katawan.
Ang bilis ng pintig ng aking puso.
Nakakahibang...
Nahihibang na ako.
Gusto kong makawala ngunit nakikipagsabayan ang labi ko sa labi ng demonyo.