IVAN
"What the heck are you doing here, bro? Nakalimutan mo na bang may sarili ka ring bahay?" salubong na tanong ni Peter, pinsan ko.
"Where's Lolo? I need to talk to him," tanong ko pabalik habang dire-diretsong naglalakad paakyat ng hagdan.
"He's in his room. You can't talk to him right now. May mga bisita siya." Nilingon ko si Peter nang may pandidiring ekspresyo. "He's doing it again? Hindi ba siya natatakot? I wonder kung saang lupalok na naman niya nakuha ang mga babae niya ngayong gabi," ani ko, naiiling.
"He's gonna say, naawa siya sa mga babaeng naglalako ng katawan kaya niya pansamantalang kinukupkop. Tsss. He's gross. W-Wait, I sa--" Hindi na natapos ni Peter ang sasabihin dahil binuksan ko nang walang pagpipigil ang pinto ng silid ni Lolo.
Gaya ng inaasahan at gaya rin ng sabi ni Peter, may babae si Lolo. Hindi lang isa kung hindi tatlo.
They're doing immoral things...
"Should I say ooppps, right now, Lolo?" patay malisya kong tanong. Natawa lang siya, walang hiyang ibinalandra pa sa amin ang kaniyang katawan. Yung tatlong babae, mukha pa namang may mga hiya dahil kaagad silang kumuha ng maipantatakip sa kanilang produkto.
"Mukhang may mahalaga kang sasabihin, Ivan, at hindi ka makapaghintay. Ano iyon? Nahanap mo na ba siya?" Nakangiti si Lolo sa harap namin but deep inside, alam kong minumura niya na kami. Kailangan niyang magpa-impress sa mga babae na nasa kaniyang likod kung hindi baka matakot sila at maapektuhan ang kanilang mamahaling serbisyo.
Actually, bago pa man ako pumunta rito, nakarating na ang balita sa akin na may mga babae na namang dinala si Lolo that's why kaagad akong umalis sa bahay pagkatapos kong magbihis.
"Yes, nahanap ko na si Rose Cabanes. And she's alive," tugon ko. Napalunok ako ng laway noong unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Lolo. I hope my plan works... hindi pwedeng hindi. Nakasasalay ang buhay ng babaeng yun sa akin.
"T-That's nice. Then..."
"I'll take her."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Ibinaba ko na ang rason ko kung bakit ako nagpunta rito. Alam ko ang susunod na mangyayari pero hindi ito ang tamang oras at lugar para ro'n. Tumalikod na ako at akma na sanang lalabas ng pinto nang magbitiw pa ng mga salita si Lolo.
"I see... what a bold move, Ivan. Now I know kung bakit mo inako ang utos ko. Sige, tingnan natin kung hanggang saan ang tibay mo. Siguraduhin mo lang na hindi magkukrus ang landas namin ng babaeng iyon dahil hindi ako magdadalawang-isip," ani ya.
Hindi na ako kumibo dahil baka mapigtas na ang pisi ng kaniyang pasensya't magwala siya. Kawawa naman ang mga babaeng madadamay. Tama nang binigyan ko sila ng responsibilidad na pahupain hindi lang ang init ng katawan pati na rin ang init ng ulo ng Lolo ko.
"Iba ka talaga, Ivan. Kung ako yung gumanyan? It's either mawawalan ako ng buhay o mawawalan ng mana," wika ni Peter.
Ngumisi ako dahil talagang gano'n nga ang mangyayari. Kahit naman ako. Nagkataon, I mean, itinaon ko lang talaga na may sasalo sa bombang ibinaba ko, yun ay yung mga magdalena ni Lolo.
"Hopefully, hindi niya bawiin ang sinabi niya."
Although successful ang unang bahagi ng plano ko, hindi pa rin ako pwedeng makampante. "Ano ba kasing nangyari? Kung nahanap mo na yung Rose, bakit hindi mo sinunod ang utos ni Lolo? Care to share?" tanong ni Peter.
Hindi agad ako nagsalita dahil mahirap na. Madulas ang dila ng pinsan ko at kahit na suportado niya ako sa pagiging susunod na tagapagmana, hindi pa rin ako dapat makampante. Afterall, baligtad na ang panahon ngayon. Hindi ibang tao ang hihila sa iyo kung hindi sariling kadugo.
"Kilala mo ako, Peter. I hate boring things. Isang buwan akong naghirap para mahanap siya tapos papatayin ko lang nang gano'n-gano'n?"
"Nga naman. By the way, hindi ba wedding anniversary niyo ngayon ni Margaux? Don't tell me, nakalimutan mo?"
Nalukot ang noo ko noong marinig ang kaniyang sinabi. Kaya pala ang kalat sa bahay at ang daming pagkain. Akala ko may mga bisita siya ngayong gabi. Buti hindi ko siya nasabihan na baliw noong pilit niya akong pinapa-stay sa bahay. "Ahhh. Gano'n ba? Baka gusto mong pumunta sa bahay?"
Nanlaki ang mata ni Peter. "W-What? W-Why would I? Ako ba ang asawa niya? Umuwi ka na sa inyo... paniguradong naghihintay ang asawa mo."
Gusto kong magpakawala ng tawa noong makita ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Hanggang ngayon, pilit niya pa ring itinatago na may pagtingin siya sa asawa ko.
"Chill. Kung ano ang iniisip mo. Marami kasi siyang inihain sa mesa, baka gusto mo siyang saluhan sa pagkain," wika ko tapos umalis na, hindi na hinintay kung may sasabihin pa siya o wala o kung ano mang reaksyon ang ginagawa niya ngayon.
Wala akong pake kung may gusto siya kay Margaux. Kailan kaya siya dadalawin ng lakas ng loob para sambutin ang sumpa sa buhay ko na sa simulat' sapul ay pagmamay-ari niya.
ROSE
Ngayon na ang araw ng paghuhukom. Nag-iisip na ako kung paano ako magpapaalam kay Boss na liliban ako ng isang araw.
Isang araw?
Ang totoo, hindi ko alam kung makakabalik pa ako ng buhay pero bahala na. Ngayon pa ba ako matatakot sa kamatayan?
"Wag ka na lang magpaalam, Rose. Suggestion ko lang. Kasi tingnan mo sa baba."
Lahat kami'y napatayo sa sinabi ni Judy at tumingin sa ibaba. Nakita namin si Yugo na balik panaog sa paglalakad sa harap ng tinitirhan naming apartment.
"Spy. Hindi naman yan tumatambay dyan. Sa tingin ko pinapamanmanan ka ni boss, Rose. Hindi ko alam kung paano, pero mukhang mayroong alam si boss sa napag-usapan niyo ni Ivan."
Nagkatinginan kaming tatlo nila Bek. Sila lang naman ang pinagsabihan ko. Paano malalaman ni boss? Magkakasama kaming tat--
Nagulat ako noong bigla na lang nilapitan ni Judy si Vanessa at sinampal ito nang malakas.
"P*tangina mo, Vanessa. Sinong nanay mo, ha? Hindi tayo tinuruan na manggago! Pinagkatiwalaan tayo ni Rose. Alam mo lahat ng pinagdaanan niya! Parang pamilya na ang turing natin sa isa't isa tapos g*gaguhin mo?!" Galit na galit na litanya ni Judy.
Sa mga sinabi niya sa kaniyang kapatid, sinasabi niya na si Vanessa ang nagsumbong kay boss ng lahat kaya ngayon ay may alam na ito sa mga mangyayari. "A-Anong pinagsasasabi mo?! Nababaliw ka na! Bakit mo ako pagbibintangan? May proweba ka--"
"Eto, gago!" pamumutol nito't idinukdok sa pagmumukha ng kaniyang kapatid ang cellphone na may litrato nilang dalawa ni boss.
"Nakita kayo ni Robert na nag-uusap ni boss. Na kinakanta mo yung sinabi ni Ivan kay Rose. Napakawalanghiya mo! Buti na lang maayos ang turnilyo ng g*gong iyon, hindi natulad sa tatay niya dahil kung hindi, tiyak na mapapahamak si Rose at hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa kaniya! Kapag napahamak siya, sa tingin mo makakatulog kang g*ga ka?!"
Hindi ko alam kung aawat ba ako o mananahimik na lang, unahin ang sariling pakalmahin.
"Tumigil na kayong dalawa. Mamaya niyo na pag-umpugin ang ulo niyo. Kailangan nating makaisip ng plano paano makakaalis si Rose nang hindi natutunugan ni Yugo. Isang oras na lang ang meron tayo," mahinahong pang-aawat ni Bek.
Sandaling binalot ng katahimikan ang silid. Hindi ko matingnan sa mata si Vanessa. Nasasaktan ako dahil pinagkanulo niya ako kay boss. Malapit kami sa isa't isa pero hindi ko aakalain na sa lahat at sa tagal ng pinagsamahan namin, magagawa niya ito sa akin.
"Akin na ang wig. Magpapanggap ako bilang Rose. Ngayon, kapag hinanap ako ni Yugo, sabihin niyo nagtatae ako, susunod na lang ako sa trabaho," panimula niya.
Nilapitan ako ni Judy. Dahil ang suot ko'y walang manggas, ramdam ko ang init ng kaniyang palad sa aking balikat.
"Tandaan mo, Rose. Kahit saan ka dalhin ng tadhana, wag mo kaming kalilimutan, ha? Tumawag ka sa amin kapag may masamang nangyari. Sasaklolo agad kami," ani Judy. Tumango ako nang mabilis. Pinipilit ko ang aking sarili na huwag maluha pero bigo ako. Niyakap ko siya nang mahigpit.
Puro pait ang ibinigay ng mundo sa akin. Alam ng Diyos kung gaano ako sukong-suko na sa buhay pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako na nakilala ko sila Judy. Dahil sa kanila kaya ako patuloy pa rin na nakatayo't kinakaya ang lahat.
"Sige na. Tama na. Hinahabol tayo ng oras. Maghanda ka. Kapag nakaalis na kami ng bahay, dumaan ka na sa likod, ha? Tumakbo ka nang matulin at kahit ano mang mangyari, wag na wag kang lilingon. Wag kang babalik. Naiintindihan mo?"
Hindi ako sumagot. Parang alam ko na kung ano ang binabalak niya.
"Naiintindihan mo, Rose? Ito na ang pagkakataon para makuha mo ang lupa ng Lolo mo. Mag-iingat ka. Mahal ka namin."
Hindi na ako nakapagbitiw ng salita dahil inayos na ni Judy ang kaniyang sarili para gayahin ako. Ako naman ay dali-dali na ring kinuha ang iba ko pang gamit at inilagay ito sa bag.
Makalipas ang ilang sandali, natapos na ang isang oras na palugit para sa amin.
"Okay na ang lahat?" tanong ni Judy. Tumango ang lahat. Alam kong pare-pareho kaming kinakabahan at ngayon pa lang ay kinikitil na ako ng aking emosyon.
"Umayos ka, Vanessa. Hindi kita mapapatawad kapag pati ito ay sinira mo pa," mariing banta ni Judy sa kaniyang kapatid. Hindi ito kumibo.
Dahan-dahan ang aming lakad. Pagbaba namin ng hagdan, bago maghiwalay ng landas ay niyakap ko sila, kasama si Vanessa.
"Maraming salamat sa inyo. Patawad dahil sa huling sandali ay pabigat pa rin ako sa inyo."
"Shhh. Wag mong isipin yan. Hindi ka naging pabigat sa amin, ha? Tahan na. Baka may makahalata. Sige na, Rose. Mag-iingat ka," wika ni Judy bago nila ako talikuran at tuloy-tuloy na naglakad palabas.
Binilisan ko na rin ang aking mga yapak patungo sa emergency door. Paglabas ko, naririnig ko ang kanilang malalakas na boses, wari'y nagtatalo. Sa tingin ko kaagad na nabisto ni Yugo si Judy. Gayonpaman, nagpatuloy lang ako. Sinunod ko ang salita ni Judy, na kahit anong marinig ko, anong mangyari, hindi ako lilingon... hindi ako babalik, kahit na sa bawat hakbang ng paa ko, dinudurog ang aking puso.