KAPITOLO 4: SIGAW NG LAMAN

1578 Words
ROSE 'Tutal, may lamang nakalibing sa lupang pagmamay-ari ko, hindi ba nararapat na tubusin iyon gamit din ang laman? Ano sa tingin mo, Rose? Napakadali... hindi na mahirap ang pinapagawa ko dahil sanay ka namang magbenta ng laman. At least, sa akin, may mahalagang kahahantungan ang pagbebenta mo. Bibigyan kita ng dalawang araw para makapag-isip. Meet me at my place... naked'. Nakakapanindig balahibo. Bawat salitang binitiwan ni Ivan kagabi ay naghatid ng kilabot sa aking katawan. Pagkatapos ng aming pag-uusap kaagad akong nagpaalam sa aming Boss na uuwi na ako dahil masama ang aking pakiramdam. Dahil ito ang unang beses, pinayagan niya ako. Pero ang totoo, hiningian niya ng bayad danyos si Ivan. Alam kong hindi siya papayag na hindi makakuha ng salapi... paniguradong iniisip niya na hindi lang pag-uusap ang ginawa namin. Ito na yata ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. Alas tres na ng madaling araw, maya't maya lang ay naririto na rin sila Judy. Kailangan ko nang matulog ngunit pati ata antok ay naduwag dahil hindi ako dinalaw. "Anong gagawin ko?" bulong ko habang iniisip ang lupa namin sa probinsya. "Alam ng Diyos kung gaano ako nagsisikap para lang matubos ang lupa ng Lolo ko. Heto na, heto na ang pagkakataon ngunit dignidad ko naman ang kapalit." Patuloy ang pagtatalo ng isip at puso ko tungkol sa alok ni Ivan. "Paniguradong hindi papayag si Lolo kung siya'y nabubuhay pa... Pero kailan ko pa mababawi ang lupa? Dalawang milyon. Saan ako kukuha nang gano'ng kalaking halaga? At kailan ako magkakaroon ng gano'n?" "Bunso?" Napatigil ako sa pagsasalita noong marinig ko ang boses ni Judy. Nalukot ang noo ko dahil halata ang pasa nito sa kaliwang pisngi. Kaagad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Anong nangyari sa iyo?" nag-aalala kong tanong. Ngumiti lamang siya sa akin. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang unang gabi ko rito kasama sila. Tuwing may pasa sila sa katawan, ngiti lamang ang ibinibigay nilang paliwanag. "Wala ito. Natamaan lang ako ng tray ni Cris," dahilan ni Judy na hindi bumenta sa akin. Tumango na lang ako para hindi na rin siya mag-isip pa ng idadahilan. "Bakit umabsent ka ngayon? Anong nararamdaman mo? Ang sabi sa akin, may kumausap daw sa'yo? Kaibigan ni Bossing, Ivan ang ngalan." Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil hindi ko alam kung paano ko ikukwento sa kanya ang mga nangyari. "Totoong kinausap ako ni Ivan. Hindi ako makapaniwala na siya na pala ang matagal kong hinahanap para matubos ang lupa namin sa probinsya," maiksing tugon ko. Umupo kami sa kama. Walang salitang lumabas sa bibig ni Judy, hinihintay na dugtungan ko ang aking kwento. "Iyon lang... nag-usap kami tungkol sa lupa, kung paano babawiin iyon pero---" Huminga ako nang malalim. Pinipigilan ako ng aking pride na magpatuloy. Alam nilang mataas ang tingin ko sa aking sarili. Hindi ako nagpapagamit at magpapagamit kapalit ng salapi, iyon ang kaibahan ko sa kanila na matagal kong pinanindigan. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Judy. Gusto kong matubos ang lupa. Iyon na lamang ang huli kong rason para mabuhay..." "Ano bang kapalit? Anong hiningi ni Ivan sa iyo?" pamumutol niya. Tiningnan ko siya sa mga mata. Nasa dulo ng aking dila ang sagot. "Wow. Anong meron? Mukhang intense ang pinag-uusapan niyo, ah? Kumusta ang gabi?" Tila nabunutan ako ng tinik noong marinig ko ang boses ni Vanessa. Tumayo ako kaagad at lumipat ng pwesto. Hinuhuli ni Judy ang mga mata ko ngunit pilit kong iniiwas iyon dahil hindi ko na dudugtungan pa ang mga nasabi ko. "Tanong mo si Rose kung kumusta ang gabi niya. Perstaym umabsent. Buti pinayagan ni Bossing," tugon ni Judy sa tanong ni Vanessa. Napakol ang atensyon nilang lahat sa akin dahilan para mas lalo akong ma-pressure. "Bawal na bang sumama ang pakiramdam?" "Pagkatapos mong makipag usap doon sa poging kaibigan ni Bossing? Ohhhh~ anong nangyari? Hindi pwedeng wala." Alam kong hindi ako pakakawalan ni Judy. Bakit ko pa ba pinaunlakan ang tanong niya kanina? Sana'y hindi na lang ako nagsalita noong una. "Ipangako ninyo, hindi makakarating kay bossing ang sasabihin ko ngayon," wika ko nang may halong pagbabanta. Natawa nang kaunti si Bek na isinawalang bahala ko lang. Akala niya siguro mababaw lang ang sasabihin ko, bakit pa ako nagbanta. "Kinausap ako ng kaibigan ni boss kanina, si Ivan. Hindi ko alam na ang Ivan na yun pala ang matagal ko nang hinahanap; Ang rason kung bakit kinakaya ko pang mabuhay", panimula ko. Hindi makapaniwala sina Vanessa at Bek sa narinig ngunit hindi sila naglakas loob na sapawan ako. "Ang lalaking 'yon ang nagmamay-ari ng lupa kung saan kami nakatira ng Lolo ko, kung saan siya nakalibing ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ibinigay niya ito sa akin... kasabay ang palugit na dalawang araw." Hindi ko ipinagdamot sa kanila ang calling card na ibinigay ni Ivan bago niya ako iwan. "Tapos? Ano to? Bakit ka niya binigyan nyan?" nagtatakang tanong ni Vanessa. "Malamang para kontakin siya ni Rose. Kailangan mo na ng kape, Bane, mukhang napuruhan yang utak mo sa kadyot ng customer," pang-aalaska ni Bek. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit hindi na pumatol. Mas interesado sila sa kwento ko. "Binigyan nya ako ng dalawang araw para pag-isipan ang alok niya. Kapalit ng lupa, lamang lupa ko ang kabayaran." "H-Ha??? Pinag-iisipan pa ba yan, Rose?? Ang gwapo at ang bango kaya no'ng Ivan! Kung wala lang talaga akong custom--" "Bobo. Hindi ka marunong manantya ng sitwasyon, ha?" Pamumutol ni Judy pagkatapos niyang pitikin ang noo ni Vanessa. "Yan pala ang dahilan kung bakit kanina ka pa nagpapakyemeng magkwento. Masyadong mabigat yan para sa iyo, Rose. Kung sa akin nangyari yan, ura-urada hihilahin ko siya sa kwarto't manawa kaming dalawa buong gabi, pero ikaw-- pano?" tanong ni Judy. Pare-pareho kaming nanahimik. 'Hindi ko alam' iyan ang gusto kong sabihin sa kanila pero mas lalo ko lang ididiin ang sarili ko sa paparating na kahihiyan. "Wala naman akong choice talaga, hindi ba? Mukhang napuno na rin ang nasa taas dahil masyadong malaki ang aking ulo, masyado akong nagmamalinis gayong ang pinapakain ko naman sa aking sarili ay mula rin sa kasalanan," natatawa kong wika. Hinagod ni Vanessa ang aking likod. "Hindi naman siguro. Kaya iyan nangyayari sa iyo dahil alam ng Diyos na kaya mo iyang lampasan. Nandito kami kung kailangan mo ng back up, hmm? Double ba, gano'n." "Bwesit ka Bane. Seryosong usapan, ginag*go mo. Wala tayong ibang maiaambag sa problema ni Rose kung hindi ang manahimik at respetuhin kung ano man ang magiging desisyon niya," ani Bek. Sa tatlong Magdalenang kasama ko, si Bek ang pinakamaayos ang tuktok kaya laking pasalamat ko rin dahil kung wala siguro siya ay matagal na akong sumuko't nakabaon na sa lupa. Muling binalot ng katahimikan ang buong silid. Bahala na. Papalipasin ko muna ang araw na ito. Masyado akong gulat, hindi ako makakapag-isip nang maayos. Naua'y tulungan ako ng Diyos kung ano ang dapat kong gawin. MARGAUX "Perfect!" bulalas ko pagkatapos ang halos dalawang oras na pag-aayos ng lahat para sa mahalagang okasyon ngayong gabi. Although I'm a bit worried dahil hanggang ngayon wala pa rin Ivan, hindi naman niya siguro nakalimutan ang araw na ito. 'Don't overthink, Margaux... he'll be here now. Maybe na-late lang siya ngayon dahil pinaghahandaan niya kung anong regalo ang ibibigay sa akin,' bulong ko sa aking sarili. Upang malibang, nagtungo ako sa banyo para tingnan ang aking itsura. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon. "Paniguradong hindi na naman ako makakatulog," mahina kong wika. Iniisip ko pa lang kung anong gagawin namin ni Ivan mamaya ay abot-langit ang aking kaba't pagkasabik. 'Ilang gabi na ba kaming hindi nagtatabi?' Natigilan ako noong maalala ang mga gabing hinihintay ko siya sa aming kwarto. "Ma'am! Nandito na po si sir Ivan!" "Y-Yeah? Alright, palabas na ako kamo, sabihi--" "Tumaas na po siya, ma'am," pamumutol ng katulong. Dali-dali akong lumabas ng banyo at tiningnan ito nang masama. "What? Anong tumaas? Ivan!" There's f*cking no way na hindi niya natatandaan na anniversary namin ngayon! Ni hindi man lang niya tiningnan ang mga pinaggagagawa kong ayos? I've spent almost 2 hours! Nagmamadali pa akong umuwi galing sa trabaho para lang paghandaan ang gabing ito tapos babalewalain niya?! Halos mapatid na ako sa bilis ng paglalakad. Pagkarating sa harap ng kwarto'y binuksan ko kaagad ang pinto. Nadatnan ko siyang nakangiti habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ivan..." muli kong tawag. Sa wakas nagtama na rin ang aming mata. Nangingilid na ang luha ko ngunit ginagawa ko ang lahat para hindi ito tumulo. "You must prepare, Margaux... she'll be here the day after tomorrow," wika nito na ikinataas ng aking kilay. "What the f*ck are you saying? Who's gonna be here? And why the hell are we talking about others? Don't you remember what date is it?!" Akala ko mapuputol ang ugat ko sa lalamunan sa sobrang gigil. "What's gotten in your head? Today is a normal day..." Para akong bulkan na malapit nang sumabog noong maranig ko ang kalmado niyang tugon. Hindi ako makapaniwala na ginaganito ako ng sarili kong asawa. "Facundo, let's go," dagdag na wika nito, animo'y iiwan na naman ako ngayong gabi nang nag-iisa. "You're not leaving tonight, Ivan... YOU'RE NOT LEAVING ME TONIGHT," mariin at may halong pagbabanta kong wika na isinawalang bahala lang nito. The moment na nilagpasan niya ako without saying a word or kahit tapik man lang sa balikat... doon na gumuho ang lahat sa akin. Napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa kawalan, hinahayaan ang luha kong bumagsak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD