KINABUKASAN ng umaga… Maagang nagising si Denise at nagtanong sa front desk clerk kung may naka-chick-in ba doong Dr. Jegsyn Lee. Nagulat siya sa naging reaksyon ng clerk. Pero hindi nito sinagot ang tanong niya. “Pasnesiya na po, ma’am, my privacy policy po kasi kami. Bawal po kaming magbigay ng impormasyon regarding sa aming guest na naka-check-in,” sabi nito. “I’m his patient. Hindi kasi siya nagre-report sa clinic niya. Sinabi lang ng kaanak niya na dito raw siya naglalagi. Wala rin kasi siya sa ospital,” aniya. “Mas mainam po siguro kung tawagan n’yo siya if meron kayong contact number.” “He’s not answering my call.” “Sorry po talaga, bawal po, ma’am.” “Pero nandito ba siya?” pangungulit niya. “Hindi po ako sigurado, ma’am.” Naloloka na siya kay Dr. Lee. Bakit ba ang hirap h