Chapter Four

2480 Words
HABANG kumakain ay pasimpleng sinusulyapan ni Denise si Sean. Umiikot lamang ang isip niya rito. Bigla niyang napagka-interesan na usisain ang personal nitong buhay. O course, she need to know him better, if he was really a human. Sa pnahong iyon kasi, kumpirmado ng mga pulis na nag-e-exist ang mga bampira sa bansa partikular na sa bayan nila. Marami na ring biktima. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ayaw ng daddy niya na lumalabas siya ng bahay kapag gabi. “Uhm, are you married, Sea?” tanong niya, iyon talaga ang unang naisip niya. Awtomatikong nabaling sa kanya ang tingin ni Sean. Pizza pie lang talaga ang kinain nito. Nilunok muna nito ang kinakain bago nagsalita. “Wala pa akong asawa,” sagot nito. “Anak sa pagkabinata?” aniya. Nanlaki ang mga mata ng binata. “Ano ba namang tanong ‘yan, ma’am? Para namang ang landi kong lalaki,” angal nito. Hindi niya napigil ang sarili sa pagtawa. Natawa rin si Sean. God! He’s cute! Kaagad ding sumeryoso si Denise nang mahinuha na hindi na talaga normal ang nangyayari sa kanya. She’s attracted to Sean. The way he laughs, he smiles o even his moves, he’s perfectly a real man. Puwede na itong mag-artista o model. Para kasi itong may dugong banyaga, o talagang meron nga. She was trying to distract herself and seriously open an interesting topic. “Saan ka ba nakatira?” tanong niya. “I didn’t check your resume yet.” “Uh, taga-Mactan ako,” mabilis nitong sagot. Sumubo ulit ito ng pizza pie. “Ano ba ang natapos mo at driver ang pinasukan mong trabaho?” usisa niya. Late na talaga ang interview niya rito. Kung sa bagay, dumaan na ito sa pagkilatis ng kanyang ama. “Kuwan, high school graduate lang ako. Medyo kapos sa financial kaya hindi na ako tumukoy ng college. At saka, wala na akong mga magulang. Nakikitira lang ako sa tiyahin ko rito sa Lapu-lapu,” anito. Hindi siya makapaniwala na high school graduate lang ito. Para kasing marami itong alam at siguro nga, matalino ito. May ganoon talagang tao, kahit hindi nakapag-aral ay maraming alam. “Sayang naman, you’re skilled and smart,” komento niya. “Bakit hindi ka nag-abroad? Mas maraming magagandang opportunity roon.” “Ayaw ko muna. Mas gusto ko rito,” sabi nito. Uminom ito ng tubig. “Hindi mo pa ramdam ang hirap kasi binata ka pa. Pero once nagkapamilya ka na, maghahanap ka ng mas malaking suweldo.” “Wala pa naman sa isip ko ang pag-aasawa,” sabi nito. “Ilang taon ka na ba?” “Kuwan, ah… twenty-eight,” tila hindi siguradong sagot nito. “Matanda ka pala ng limang taon sa akin.” Inabutan niya ng garlic bread si Sean. “Sorry, ayaw ko ng lasa ng bawang,” mariing tanggi nito. Hindi na siya namilit. Ang weird nito. Gustong-gusto niya ng pagkaing maraming bawang. “Bakit hindi ka nag-artista o kaya model? Siguradong papasa ka,” pagkuwan ay sabi niya. Tumawa nang pagak si Sean. “Bakit mo naman naisip ‘yan?” amuse na tanong nito. “Guwapo ka kasi, maganda ang katawan at tangkad. Mabilis kang sisikat.” “Wala sa isip ko ang pumasok sa showbiz,” anito. “Sayang ka,” komento niya habang pumapapak ng garlic bread. “Kung naghihinayang ka, puwede naman akong maging celebrity pero exclusive lang sa ‘yo. Puwede kitang awitan, sayawan at magdrama sa harapan mo. Puwede rin akong magpanggap na boyfriend mo,” biro pa nito. Natawa siya. Sa gitna ng kanyang pagtawa ay muling sumikdo ang kanyang puso. s**t! It’s gonna be her problem. Napalis ang ngiti niya. Seryosong nakatitig siya kay Sean na nakakaloko ang ngiti. Ngali-ngali niya itong batuhin ng tinapay. Bigla ring tumahimik si Sean. Hindi na ito kumakain. Nag-aalala tuloy siya sa mga pagkaing in-order niya. Hindi niya iyon kayang ubusin. “Ipa-take out natin ang ibang pagkain,” sabi na lamang niya. “Sige para may kainin ka kapag nagutom ka.” “Hindi, ikaw ang magbabaon. Konti lang ang kinain mo, eh.” “Sige na nga,” ani Sean, tila napipilitan lang. “Waiter!” Tinawag na lamang niya ang waiter na pakalat-kalat. “Puwedeng pa-take out nitong tira namin?” sabi niya sa waiter nang makalapit. Nagbayad na rin siya. Nauna na siyang lumabas. Si Sean ang kumuha ng pinabalot niyang pagkain. “Masaya ka ba sa trabaho mo, Sean?” tanong ni Denise sa binata nang lulan na sila ng kotse. Pabalik na sila sa clinic ni Dr. Lee. Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ni Sean. “Masaya naman ako sa trabaho ko,” sagot nito. “Kahit anong trabaho, basta legal at masaya ka. Iyon naman ang importante ‘di ba? Tulad mo, may sarili kayong kumpanya na pinagtatrabahuhan mo, pero napapansin ko na mukhang hindi ka masaya sa trabaho mo.” Natumbok ni Sean ang hinaing niya. Naisip na naman niya ang pangarap niyang naudlot. Magmula kasi pagkabata ay gusto na niya maging atleta at makilala sa larangan ng gymnastic, ngunit hindi nangyari dahil may karamdaman siya sa puso. Sumunod na lamang siya sa kagustuhan ng daddy niya na mag-aral ng Business Administration, dahil siya raw ang magiging CEO ng pabrika ng tsokolate, balang araw. Namana pa ng daddy niya ang kumpanya sa yumaong mga magulang nito. Ang kanyang ina ay dating secretary nito na nagmula rin sa mayamang pamilya, ang kaso, nalugi ang business ng Mommy niya since namatay pareho ang mga magulang nito sa isang road accident. Binili ng Daddy niya ang cacao farm na pag-aari ng pamilya ng Mommy niya. Dating magkasusyo ang mga magulang ng mga ito. Dahil wala nang mapagkakaabalahan, ngatrabaho ang Mommy niya sa kumpanya ng kanyang ama bilang executive secretary at doon nagkamabutihan ang mga ito. She was inspired by her parents’ love story. But lately, she hated how her dad estimates those poor, especially those indigenous people who depend on the government’s financial support. Naintindihan naman niya ito dahil oo nga, malaki ang nai-aambag ng mga businessman sa ekonomiya ng bansa, ‘tapos napupunta sa mga taong hindi marunong magbanat ng buto para kumita ng pera at umaasa lang sa ayuda ng gobyerno. Hindi nakikita ng Daddy niya ang sitwasyon ng mga indigenous people. Life is so unfair, that was reality. Hindi naman lahat ng tao ay may angking talino at ipinanganak na may ginto sa puwet. Oo nga’t mayroong yumaman sa sariling sikap, pero katulad ng ini-insist niya, hindi lahat ng tao ay skilled, may angking talino at kayang makipagsapalaran sa kahit anong larangan. Paano naman ang mga taong hindi namulat sa realidad at nakakulong sa walang kamatayang poverty? Kahit anong sikap nila ay hindi sila umaangat.  Hindi naman nangangahulugang mga tamad sila. Kung talagang iyon lang ang nakayanan nila, walang magagawa ang sinuman. Hindi pare-pareho ang abilidad at kakayahan ng tao. And every human being has different luck in different path. Tama rin ang Dad niya for saying that an ordinary employee that just relay on minimum wage salary was not easy to succeed in life, depends on their luck and ability on how to survive the economic crisis. Especially for those who already have their own family and living in the city where you need to buy anything even the water you use to take a bath. “Business is the best way to easily put people to success. Kaya sa halip na magtrabaho ka sa ibang kumpanya, magsumikap ka at magsimula ng kahit maliit na negosyo. Ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Samahan mo ng sipag at tiyaga, at balang araw ay hindi mo namamalayan na unti-unti na palang lumalaki ang munting negosyo mo,” naalala niyang sabi ng Daddy niya. “Magiging atleta ka o mag-aartista, malaki ang kikitain mo pero kung wala kang diskarte at hindi mo gagamitin ang pera sa wais na paraan, mababalewala rin ang lahat. Ang ganoong trabaho ay hindi panghabang buhay. Kapag nalaos ka na, wala ka na ring kita. While investing a business, you can earn more money and it would not stop growing until your next generation. Iyon ay kung madiskarte kang negosyante,” isa pang masakit na katotohanang sbai ng kanyang ama. “Hindi na siguro darating si Dr. Lee,” mamaya ay sabi ni Sean. May kalahating oras na silang nakatambay sa tapat ng clinic ni Dr. Lee. Ito ang pinapasok niya sa clinic upang tanungin kung nag-report na ba ang doktor. Bumalik ito at sinabing wala pa rin ang hinihintay nila. Naalala niya bigla ang isa pang address na binigay sa kanya noon ng nurse sa ospital. Nai-save pa niya iyon sa cellphone niya. Hinanap niya iyon sa cellphone niya saka niya isinulat sa pinunit niyang tissue paper. Hindi na kasi niya mahanap ang calling card niyon. Pagkuwa’y iniabot niya kay Sean ang papel. Nakaupo na ito sa harap ng manibela. “Ano ‘to?” tanong pa nito nang matanggap ang papel. “Puntahan natin ang address na iyan,” aniya. Marahas na lumingon sa kanya si Sean. “Sigurado ka ba?” anito. “Oo.” “Masyado itong malayo sa bayan.” “Kung alam mo naman ang address, ayos lang. Let’s go!” sabi niya. Hindi na umimik ang lalaki. Binuhay na nitong muli ang makina ng sasakyan.   Nagtataka si Denise sa biglang pananahimik ni Sean habang nagmamaneho. Tinatahak na nila ang daan patungo sa address na tinutunton nila. Malakas ang kutob niya na residential address iyon ni Dr. Lee. At mukhang tama siya, dahil papasok na sila sa isang lumang subdivision.  “Nandito na tayo,” ani Sean, nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng dalawang palapag na bahay, pero sobrang dilim. Alas-otso na ng gabi. Driver nga si Sean, marami itong alam na lugar. Mabilis nilang natunton ang address dahil gumamit siya ng GPS sa kanyang cellphone. Alam ni Sean ang baranggay kaya hindi sila nahirapan sa paghahanap. “Ito na ba iyon?” tanong niya. “Oo. House number thirteen, lot four,” anito. Pagkuwan ay bumaba na siya. Lumapit siya sa malaking tarangkahan. Pinindot niya ang gate bell ng ilang beses. Wala namang lumalabas upang harapin sila. Magtaka pa ba siya, eh gabi na? Baka tulog na ang mga tao roon. Nang muli niyang pinindot ang gate bell ay bumukas ang ilaw sa harapan ng bahay. Mamaya ay may lumabas na lalaking itim ang kasuutan, mula ulo hanggang paa. Matangkad ito at malaki ang pangangatawan. Nang makalapit na sa kanya ang lalaki ay saka lamang niya naaninag ang mukha nito. Naisip niya bigla, halos lahat na lalaking humarap sa kanya na maaring may kaugnayan kay Dr. Lee ay mga mistisuhin at ang guguwapo. Tumatakbo sa isip niya kung ano ang hitsura ni Dr. Lee. Maaring matanda na talaga, kulubot ang mukha at puti na ang buhok. Sa husay ba naman nito bilang doktor, obvious na timanda na ito sa serbisyo. Kaya imposible na si Dr. Lee ang lalaking kaharap niya. “Good evening, sir! Dito po ba nakatira si Dr. Jegsyn Lee?” magalang na tanong niya sa lalaki. Hindi kaagad umimik ang lalaki. Nakatitig lamang ito sa kanya. “Sino po sila?” tanong nito pagkuwan. “Ahm, I’m Denise Fernandez. Isa ako sa naging pasyente niya,” pakilala niya. “May appointment po ba kayo sa kanya?” “W-wala naman, pero kasi, may importante lang akong itatanong sa kanya.” “Hindi ito ang bahay ni Dr. Lee, pero madalas siyang narito. This is my house,” anang lalaki. Nag-isip siya ng maari pang itanong para hindi kaagad siya nito talikuran. “Hm, alam n’yo po ba kung saan talaga siya nakatira?” sapagkuwan ay tanong niya. “Sorry, pero hindi siya naglalagi sa isang lugar. Wala siyang permanenteng address.” “Ah, okay. Salamat na lang.” “Pero kung gusto mo talaga siyang makita, puntahan mo siya sa Harley’s resort, mas madalas siya roon,” pahabol nito. Natigilan siya. “Harley’s resort?” manghang saad niya. “Yap.” “M-meron po ba kayong litrato niya?” aniya. Aywan niya bakit bigla siyang na-excite. Baka nakasalubong na niya sa resort na iyon si Dr. Lee. Tumawa nang pagak ang lalaki. “Hindi mo pa pala siya nakikita ng personal?” anito. “H-hindi pa, eh. Mga parents ko lang ang nakipag-usap sa kanya.” “Oh. Ano ba ang itatanong mo sa kanya?” In all fairness, this guy was a drop-dead handsome! Ano ba itong nangyayari sa buhay niya? Halos lahat ata na lalaking nakaharap niya ay ang guguwapo, pati driver niya. Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito. Mukhang mabait naman itong lalaki kaya okay lang na sabihin niya kung ano talaga ang pakay niya kay Dr. Lee. “Gusto ko lang sana itanong kung sino ang donor ng puso ko,” aniya. Napamata ang lalaki. “Wait, ikaw ba ang pasyente niya na nag-undergo sa heart transplant one year ago?” Pagkuwan ay tanong nito. Namangha siya.Mukhang close ito kay Dr. Lee dahil alam pa nito ang bagay na iyon. Baka naman anak or kamag-anak ito ni Dr. Lee. Tumango lamang siya. Paulit-ulit na bumuntong-hininga ang lalaki, obvious na nababalisa.  “Anong petsa ka na nga naoperahan?” tanong nito. “Last year of March, ilang buwan pagkatapos ng malakas na lindol sa Palawan,” sagot niya. Napansin niya ang takot sa hitsura ng lalaki. May pakiramdam siya na may alam ito tungkol sa operasyon ng puso niya. “Ms. Denise!” Pumitlag siya nang marinig ang tawag na iyon ni Sean. Nilingon niya ito. Nakalabas na ito ng kotse hawak ang cellphone nito. “Tumatawag ang mommy mo!” anito. “Pakisabing hindi mo pa rin ako nakikita,” aniya. “Pero—” “Do it please,” aniya. Hindi na umimik si Sean. Sinagot na lang nito ang tawag at sinunod ang gusto niya. Pagkuwan ay binalingan niya ulit ang lalaki. “Ahm, salamat na lang sa pagharap sa akin at pasensya na sa abala,” sabi na lamang niya. “Walang ano man,” nakangiting wika nito. Bumalik na lamang siya sa sasakyan. Naroon na rin sa loob ng kotse si Sean. Binuhay na nito ang makina ng sasakyan. “Saan na tayo pupunta?” tanong nito. “Bumalik na tayo sa resort.” Walang imik na pinausad ni Sean ang sasakyan. Nakatuon naman ang paningin niya sa labas buhat sa bintana. Napapantastikuhan pa rin siya sa naging reaksiyon ng lalaki kanina. Curious tuloy siya kay Dr. Lee at sa mismong donor ng puso niya. Ano bang meron?   “Umiiyak ang mommy mo nang tumawag,” mamaya ay wika ni Syn, na siyang bumasag sa katahimikan. Awtomatikong nabaling ang tingin niya rito, sa pamamagitan ng rearview mirror. Nagtama ang mga mata nila. Wala naman siyang maisip na sabihin. “Hayaan mo na, maiintindihan din nila ako,” sabi niya lang. “Bakit ba mas gusto mong pinag-aalala ang mga magulang mo? Maswerte ka nga dahil may mga magulang ka. Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon, dahil hindi ka pa ganap na magulang,” anito at biglang naglitanya. Kumabog ng husto ang dibdib niya buhat sa sinabi nito. Sa buong buhay niya, wala pang taong nangaral sa kanya ng ganoon. At sa isang lalaki pang isang hamak na driver lamang niya. Bahagyang uminit ang ulo niya. Wala itong alam sa pinagdadaanan niya. “Hindi mo naintindihan ang sitwasyon ko, Sean. I was detained by my Father’s rule. He decides for my life, even choosing my career. I don’t have freedom,” aniya, pumalatak na rin siya. “Nandoon na tayo, siyemre, magulang siya at siya ang nakakaalam kung ano ang mabuti para sa ‘yo,” buwelta nito. She gritted her teeth in frustration. “Wala ka sa sitwayson ko kaya hindi mo alam, Sean. Walang inatupag ang Daddy ko kundi business, even my Mom. They don’t have enough time for me. Natuunan lang nila ako ng pansin noong malala na ang sakit ko sa puso. Lahat ng gusto ko, ayaw nila, even the man I love,” emosyonal na pahayag niya. Hindi na umimik si Sean. Seryoso na ito sa pagmamaneho. Tumahimik na rin siya. Wala silang kibuan hanggang sa makarating sila sa Harley’s resort. Naalala niya bigla ang sinabi ng lalaki kanina na doon daw madalas si Dr. Lee. Ang isa pang tanong niya, bakit sa lugar na iyon madalas ang doktor? Doon ba ito naka-check-in or umarkila ng pasilidad?      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD