KINABUKASAN. Wala pang alas-siyete ng umaga ay bumiyahe na si Denise patungo sa bahay ni Riegen, katulad ng instruction ni Jegs. Nagtataka lamang siya bakit walang malalapit na kapit-bahay ang bahay na iyon. Mahirap pang makasakay ng tricycle patungo sa lugar na iyon. Ang mahal pa ng singil sa kanya ng tricycle driver. Isang daang piso ang binayaran niya. Malayo raw kasi sa mismong paradahan. Hindi na siya nagreklamo. Hinintay muna niyang pumatak ang eksaktong alas-siyete bago pinindot ang gate bell ng bakuran. Nagulat siya nang kusa na lamang bumukas ang maliit na gate. Wala naman siyang makitang tao sa paligid. Walang pag-aatubiling pumasok naman siya. Kumislot siya nang muling sumara ang munting gate. Nang tumingin siya sa dalawang palapag na malaking bahay ay nasipat niya si Riegen na