Chapter Twelve

2632 Words

HINDI na talaga pinuntahan ni Denise si Sean sa clinic ni Dr. Lee, pero dumaan sila sa tapat ng clinic. Nasipat niya ang kotse niya na nakaparada sa garahe niyon pero patay-malisya lamang siya. Pero pagdating naman niya sa Harley’s resort ay bigla siyang nilamon ng konsensiya niya. Paano na lang kung totohanin ni Sean na hindi ito aalis doon hanggat hindi siya dumarating? Paano na lang kung mapag-trip-an ng mga tambay si Sean at mabugbog? Hindi siya mapakali habang nasa loob ng kuwarto niya. Alas-siyete na ng gabi. Katatapos lang niyang maghapunan.  Hindi siya nakatiis, nagbihis siya ng puting blouse at itim na leggings. Sumakay siya ng tricycle papuntang bayan. Bumaba siya mismo sa tapat ng clinic ni Jegs, pero wala na roon ang kotse niya. Hinagilap niya ito sa paligid pero wala talaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD