Chapter Eight

3292 Words

HUMIGA na sa kama si Denise upang matulog, ngunit bigla namang may kumatok sa pinto na tila nag-aapurang pagbuksan niya. “Ugh!” Bumalikwas siya nang bangon at tinungo ang pinto. Natigilan siya nang makita niya si Sean, na siyang pinagbuksan niya ng pinto. “Ano pa ang kailangan mo? Naibigay ko na ang allowance mo ‘di ba?” inis na bungad niya. “Magpapaalam lang ako. May gusto akong e-date na babaeng nakilala ko kanina,” anito. Napatda siya. May kung anong humilagpos sa dibdib niya. Pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman niya. Nagpanggap siyang walang pakealam dito kahit may munting kirot siyang nasagap sa kanyang puso. “Bahala ka kung anong gawin mo sa buhay mo basta huwag mo akong istorbuhin!” aniya. “Sabi mo kasi magpaalam ako sa iyo kahit saan ako magmunta.” Hindi siya kaagad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD