Chapter Seven

3053 Words

KINABUKASAN  ng umaga, tumawag ulit si Denise kay Manang Freda at tinanong kung nakauwi na si Sean pero wala pa rin daw. Kinabahan na siya. Hindi naman bumalik doon si Sean. Hindi pa rin sumasagot sa tawag niya ang lalaki. Kung ano-ano na ang naiisip niya. Baka ika niya’y itinakas na ni Sean ang kotse niya. Pero naisip din niya, wala sa katangian ni Sean na magnakaw. Wala siyang maramdamang ganoon kasamang aura ang lalaki.  Mamaya ay naisip niya na baka napano sa daan si Sean habang nagmamaneho. Parang tangang maghapon siyang nakatutok sa TV upang mag-abang ng balita. Hindi talaga siya lumabas ng kuwarto. Nagpa-deliver lang siya ng pagkain doon. At pagsapit nga ng alas-sais ng hapon ay lumabas sa balita na mayroon daw karambulan ng apat na sasakyan sa kalye ng Talisay City, at ang pulang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD