HINDI mansion, pero malaki ang bahay ni Clyde. Dalawang palapag iyon na sa tantiya niya ay tatlong beses ang laki sa four-bedroom house ng kaniyang Ninang Lottie. Napansin niyang wala iyong gate sa harap. Open ang malaking garahe na may nakaparadang dalawa pang uri ng sasakyan maliban sa SUV nito. Cream at dark brown ang kulay ng labas. Sa loob naman ay puti at may accent lang ng light brown at beige. Kahit kulay ng bahay ni Clyde ay ang supladong tingnan. Iyon bang tipong mangangamba kang humawak kasi baka marumihan. "Sit down," untag ni Clyde na halos magpalundag sa kaniya. "Feel at home." Nilingon at pinalungkot niya ang mukha sa harap nito. "Ano bang gagawin ko dito? Uuwi na lang ako.” Iyon ang naisip niyang tactic. Ang maging kalmado sa harapan ng hindi-maarok na nilalang. Tuming