Three months later... “BAKIT nandito iyang mga ’yan?” tanong ni Mika para sa magkatinginan ang kanyang mga kaibigan. Nagkamot ng ulo si Nikolas habang si Jackson ay hindi makatingin ng diretso sa asawa. Si Kayden naman na nakangiting bumungad kay Mika ay napawi ang ngiti sa katagang natanggap na iyon. Napataas lamang ang mga kilay ni Cooper at bahagyang ngumiwi. Si Alejandro lamang ang nakangiti sa lahat dahil batid na nito kung gaano kasungit ang asawa. “Sinama kami ni Kyron baka daw kasi mahimatay siya kaya—” ”I’m not asking you, Mr. Alvarez, so shut up!” asik ni Mika at pinanlakihan ng mata si Zacharias. Gulat na napanganga na lamang si Zacharias at hindi na naituloy ang kataga. Inilingan niya ito kaya palihim itong napaismid. “Si Alexandria nga pala mali-late—” “I know,” sansala

