A week earlier... GALING sa Mika sa banyo nang madatnan niya ang kanyang ina na nakatayo sa hamba ng pinto sa entrada ng kanyang silid. “You’re pregnant, aren't you?” tanong ng ina at nagdire-diretso lamang siya na tumungo sa higaan at lulugong-lugo nagtalukbon ng kumot. “Answer me, unica hija,” dugtong ina at bahagya nang tumaas ang boses. “Why do you care anyway if I am?” tanong ni Mika at pinanlisikan ito ng mga mata. “Are you getting rid of it too? Kasi alam mo mom, kaya lang ako nanatiling gustong mabuhay dahil sa supling na ito na natira sa akin ni Kyron. Dahil sa inyo, hinangad ko na lang magpakamatay simula nang pagbuwagin mo kami. Para mo na rin akong pinatay ng ginawa mo iyon, mom. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto mong hindi ako nakikitang masaya.” Bumuntong-hininga an

