CHAPTER 9

1170 Words
Nakatulog ako. Akala ko umaga na pero laking gulat ko nang makita ko si Benj na nakaupo sa gilid ko. Nasa loob pa din kami ng sasakyan. Napatingin ako sa orasan malapit sa kaniyang manubela. Kanina pa yata kami dumating. Bakit hindi niya ako ginising? Mas pinili niyang mainip kaysa gisingin ako para makaalis na din siya? "Pasensya ka na, ha. Nakatulog ako. Estudyante kasi ako sa araw, tapos waitress sa gabi." At binigyan ko pa talaga siya ng kaunting impormasyon sa mala-MMK kong kahirapan sa buhay. "Salamat. Aayain sana kitang magkape sa loob bilang pa-thank you, kaso three in one lang ang kape ko, e. Alam ko namang pang-starbucks ang level mo." Matamis akong ngumiti sa kaniya pero kinunutan lang niya ako ng noo. Ay nakakainis, ha! "Sige, bababa na ako. Salamat ulit. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, ah. Nakainom ka pa man din. Ay, oo nga pala. Nakainom ka. Umakyat ka na lang kaya muna sa taas. Magkape ka muna at magpahinga." Hindi siya agad sumagot. Tila nag-iisip pa kung sasagot siya o hindi. Tinulak ko na ang pintuan at bumaba na. Nginitian ko siya at bahagya pa akong yumukod upang muling magpaalam at magpasalamat. "Ano, ingat ka na lang. Ayaw mo namang umakyat muna para makapagkape man lang." "I don't drink three in one." Napangisi ako. Nagsalita din sa wakas. Napaisip ako. Nag-effort pa siya para ihatid ako. Ano man lang kung ilibre ko siya ng kape. "Order-an na lang kita ng kape mo. Ano G na?" "G?" tanong niya. Ilang taon na ba 'to at hindi niya alam iyon? "Gora. Go. As in go go go tayo sa taas?" Umiling siya. Para bang iniisip niya na loka-loka ako. Bahala ka na nga. Hindi na kita pipilitin. Laking gulat ko nang pinatay niya ang makina ng sasakyan. Paktay! Nagpapilit talaga. Eme eme ko lang naman iyon. Mabilis akong nag-type ng text para kay Kamielle, para magkuwento. To Kamielle: Girl, hinatid ako ni Benj. Iyong isa sa bagong customer na galing ng Nocturne. Tapos biniro ko lang naman siya na magkape muna sa taas kasi nakainom siya. Tapos pumayag. Mabilis namang nag-reply si Kamielle. From Kamielle: Hahahahahaha Huh? Ano 'to? Tawang-tawa pa talaga siya. Napatingin ako kay Benj. Nakalabas na siya. Ano pa ba magagawa ko? Alangan na bawiin ko ang sinabi ko? Heto na. At malay natin, baka mamayang gabi ay magprisinta ulit siyang ihatid ako dito. Namihasa ka naman, Lynette. "Tara na," aya ko. Nauna na akong maglakad. Tahimik. Kinakabahan. Pagdating namin sa third floor, saka ko naalala na makalat nga pala ang kuwarto namin ni Kamielle. Huwag na lang kaya? Kaso baka mainis siya sa akin. Nilingon ko siya. Keme ang ngiti sa aking mga labi. "Ah, magulo pala ang kuwarto namin. Pasensya ka na." Binuksan ko na. Mukhang naiinip na siya. Gusto ng maupo. Pagbukas ko ng pintuan, unang bumungad iyong nakasabit kong mga lumang panty. Patakbo kong pinaghahablot ang mga iyon. Sinuksok ko sa karton na lalagyan ko ng damit sa ilalim ng bed ko. "Upo ka muna. Pasensya na sa kalat." Hindi ako pinagpawisan sa pag-akyat ng hagdanan hanggang dito sa third floor, kundi sa kaba at hiya dahil sa mga kalat. Naupo siya sa upuan pero napatayo din agad dahil nakapatong sa upuan iyong bra ni Kamielle. "Ay, sorry! Hindi akin 'to, ah," agap ko. Baka mamaya isipin niya na akin. Na masyado akong burara. "Palit lang ako ng damit, ang init..." Dinampot ko iyong sando at pajama ko saka dali-daling pumasok ng banyo. Paglabas ko, nakaupo pa din siya sa bangko. Patingin-tingin sa paligid. Sa mga nakasabit na bra kong akala mo ginawang lubid sa tag of war ang strap. May tagulami pa nga, dahil sa kalumaan at minsan hindi ko agad nalalabhan. Inuulit ko. Nakakahiya naman 'to. Lahat na lang talaga ng kahihiyan, Lynette. "Ano'ng gusto mong kape?" "Cafe Americano..." Magkano ba iyon? Hinanap ko iyong pocket wifi ni Kamielle para maka-connect ako sa mas malakas na internet. Nang okay na, agad kong hinanap ang Food panda sa playstore ko. "Wait lang, ha. Download lang ako ng food delivery app," nakangiwi kong sambit. Ang bagal pang umikot. "Heto na, oh..." Kaso full na ang storage ng celphone ko. Aburido na ako. "Wait lang. Full na ang phone ko, e. Magbura lang ako." Binura ko ang gcash ko iyong w*****d ko, tutal hindi naman na ako nagbabasa dito, mga isang taon na. Kaso, hindi pa din enough. Sunod kong binura iyong WPS ko, kaso ayaw pa din talaga. Hiyang-hiya akong tumingin sa kaniya. "Sorry, full storage na celphone ko. Wala kasi akong food delivery app. Iyong kasama ko lang ang umo-order." "Puwedeng diyan na lang sa celphone mo um-order? Ako na lang ang magbabayad." "Don't bother. I ordered already." Ano? Tapos hindi man lang sinabi agad? "Ah, okay." Keme akong ngumiti. Kunwari mabait pero medyo naiinis na talaga ako sa kaniya. Nagligpit na muna ako habang naghihintay sa food delivery. Tinupi ko iyong mga tshirts at shorts ko na naka-hanger at nakasabit sa gilid ng kama ko. Pasulyap-sulyap ako kay Benj. "Malapit ba dito ang bahay mo?" tanong ko, magkaroon man lang ng ingay dito sa kuwarto. "Yeah..." Ang haba ng sagot. "Ah..." "Off mo bukas?" "Hmmm..." Ano ba? Nakakaloka ka. Buti at pumayag ka pang umakyat dito kung ganiyan ka katipid magsalita. "Wala din akong school bukas." Malamang Sunday. "Pero may pasok sa work. Pupunta kayo ulit ng kaibigan mo sa Apollo bukas?" Hindi sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Napatitig din tuloy ako sa kaniya. Ang laki niya. Para bang sumikip lalo itong maliit naming kuwarto dahil sa presensya niya. Ang laki din niya para dito sa single size kong kama. Nag-init ang pisngi ko dahil sa aking iniisip. Tumayo siya kaya napatayo din ako. Baka nandiyan na iyong kape. "Nandiyan na?" Dinampot ko ang wallet ko. Inunahan ko na siyang lumabas. Sinalubong ko iyong delivery rider sa hagdanan. "Magkano, Kuya?" "Bayad na po, Ma'am." Ha? Umalis na siya agad. Napatingin ako sa dalawang paper bag na hawak ko. Isa para sa kape at ang isa ay may mga laman na tinapay, cookies at cake. "Binayaran mo pala. Magkano 'to?" tanong ko pagpasok ko ng kuwarto. Tumayo lang siya. Inabot ang kaniyang kape. "It's on me." "Eh, nangako akong ako ang magbabayad ng kape mo, e." "Maliit na bagay lang ito. I ordered you fresh fruit juice." Bahala ka na nga! Sabagay, mayaman ka naman. Tiningnang ko ang mga resibo. May resibo pala, e. Nagtanong pa ako. Napanganga ako nang makita ko ang halaga nitong mga in-order niya. "Two thousand na 'tong lahat ng 'to?! Grabe naman!" Nagtaas siya ng kilay. "And you wanted to pay for it?" "Sabi mo, sagot mo na. Wala ng bawian," mabilis kong sagot. Two kyaw? Grabe! "Salamat sa libre. Sa uulitin." Ngumisi ako. Pinagmasdan lang naman niya ako. Nakakailang, ha. Ano ba'ng tinitingin-tingin mo diyan? Baka mamaya hindi kita matantya... masunggaban pa kita ng halik diyan. Guwapo mo pala lalo sa malapitan. Pigil ko ang sarili na mapangiti dahil sa mga pinag-iisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD