CHAPTER 8

1541 Words
Tanghali na ako nagising. Laking pasalamat ko sa mahabang tulog ko. Nakatulala ako habang iniisip ang mga nangyari kagabi at sa mga pagbabago sa aking buhay. Dinampot ko ang aking sling bag upang bilangin ang pera sa aking wallet. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Napangiti ako nang makita ko ang laman ng wallet ko. Totoo ito. Hindi na ako mahirap. Mangiyak-ngiyak pa ako habang binibilang ang pera ko, kahit na nabilang ko na bago ako matulog. Naka-four thousand six hundred ako kagabi, tapos iyong one thousand eight hundred nang isang gabi. May six thousand four hundred ako. Natawa ako. Lumabas ng banyo si Kamielle. Nagtataka ito nang makita akong tumatawa. "Huwag mo akong pansinin, masaya lang ako na may pera na ako. Mayaman na ako." Humalakhak siya. "Sana malaki ulit ang makuha mong tip mamayang gabi, para mabayaran mo ang balanse mo sa school." Malaki-laki ang balanse ko. This sem ay hindi na gaanong nakapagpadala si Auntie. Akala ko nga ay na-de-delay lang ang sahod niya. Iyon pala, hirap na siyang magtrabaho dahil sa kaniyang sakit. Wala pa akong load kaya hindi ko pa siya makumusta. Sana maayos lang ang kaniyang lagay. Nag-exercise si Kamielle. Pinapanood ko lang naman siya. Hindi pa daw siya kakain, mamayang alas onse pa daw, bago siya ulit matulog. Ayaw kong mag-fasting. Madami pa kaming tirang ulam kanina, kaya kakainin ko bago pa mapanis. Hindi nag-uulit ng ulam si Kamielle kaya sayang naman 'to. Pagkatapos kumain, naglaba ako at natulog. Kailangan ko ng lakas para sa duty mamayang gabi, dahil mas madami pa daw tao mamaya, lalo na at sahod. Excited din akong pumasok sa trabaho. Siguro dahil sa tip na matatanggap ko o dahil na din doon sa bagong customer sa bar. Kinapalan ko pa ng kaunti ang eye shadow ko. Ginaya ko iyong nakita ko sa Pinterest kanina. Nakataas ang kilay ni Kamielle sa akin. "Pupunta ba iyong mga guwapong customer ngayon?" tanong niya na kinalaki ng aking mga mata. "H-Huh?" Tumawa siya. "Kuwento ka, dali!" "Ah..." Nahihiya akong magkuwento pero napilit niya ako. "Hmmm, hindi kaya ini-stalk ka niya?" "Guni-guni mo lang iyon," nakanguso kong sagot habang tinitingnan sa salamin kung pantay ba ang aking eye shadow. "Sa Nocturne siya galing nang isang gabi. I'm sure, regular customer siya doon. Tapos biglang pupunta siya ng Apolo. Hindi din naman siya kumuha ng babae..." Hindi na lang ako sumagot pa. Ayaw kong mag-assume. Saka wala naman akong pakialam sa masungit na iyon. Dumating sila ng kaniyang kaibigan bandang alas-onse ng gabi. Dalawa lang sila ngayon. Ako ang lumapit sa kanila dahil ako ang tinawag ng kasama niya. "Hi, Nette..." Ngumiti ako. "Good evening po..." "Grabe ka naman kung maka-po. I'm Malcolm by the way..." "Hello, Sir Malcolm." Sumimangot ang lalake, kaya napangiti ako. "Malcolm na lang." Keme akong ngumiti saka ko sinulyapan ang lalakeng nakasimangot. Para bang pasan niya ang daigdig. Hindi naman siya ganito dati, e. Mas maaliwalas ng kaunti ang kaniyang mukha nitong mga nakaraan na nakikita ko siya. "This is Benj..." "Hello po, Sir Benj." Benj. Benj as in Benjo? Whatever! Tumingin lang siya sa akin. Napakaseryoso. "May I take your order, Sir?" "Nette!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Robin. Nandito na naman siya. Nandoon na nga si Kamielle, tinawag pa talaga ako para magpapansin. "Mas interesting ba iyong matandang iyon kaysa sa amin ni Benj?" Nahiya ako sa mga costumer ko. Baka mamaya hindi na ako bigyan ng tip. "Sorry po..." Tumawa naman ang lalake. "It's okay. Huwag mo na lang uulitin, dahil seloso kami." Ay grabe naman iyan. Maharot din pala itong isang 'to? Eh, itong isa, mukhang wala man lang harot sa katawan. Keme akong tumawa. "Isang Don Julio," order niya. Tumango ako. Malaki ang commission ko kapag bottle ang order, kaya malapad ang ngiti ko. Ni-serve ko ang order nila, bago ako umikot sa mga tables. May mga bagong dating na costumer; mga bago dito at matatagal na at dating costumer ni Roda, iyong pinalitan ko. May mababait. May arogante at masungit. Mayroon ding manyakis. Na-stress ako agad. Nakasimangot akong lumapit sa bar counter. "Stress agad?" natatawang tanong ng isa sa bartender namin. "Lahat yata ng malala nandito ngayong gabi." Tumawa ito. "Masanay ka na. Sinasabi ko sa'yo, may mas malala pa diyan." Ano pa nga ba? For two hours, paikot-ikot ako para mag-serve at kumuha ng order. "Busy night?" tanong ni Sir Malcolm sa akin. Lumapit ako sa table nila upang tanungin kung may kailangan. Kailangang alagaan ang customer para bumalik-balik sila. Kailangan ko ng ganitong costumer. Hindi demanding. Masungit ang isa, pero atleast hindi umiimik. "Oo, Sir," nakangiti kong sagot. "Sparkling water lang, Nette..." "Sige po, Sir." "Miss, iyong order ko!" singhal sa akin ng isang costumer. Tumingin ako sa bartender na nag-mi-mix ng order niyang alak. Apaka-OA nito. Eh, isang baso ng alak na tag-seven hundred lang naman ang order niya. Nakakapikon, ha. Makapag-demand, akala mo naman isang bote ng pinakamahal na alak ang order niya. "Mini-mix lang po saglit, Sir," nakangiti kong sagot kahit na naiinis na. "Pakibilisan naman. Kanina pa ako naghihintay." Aba! Ngumiti ako. "Okay po, Sir." S-in-erve ko ang order nung masama ang ugali, bago ang sparkling water nina Sir Malcolm. Umikot ulit ako. Nanlaki ang aking mga mata nang may humipo sa akin. As in hindi ako agad nakagalaw lalo at sa hindi lang hipo ang ginawa niya. Hindi pa siya nakuntento sa paghaplos, pinisil niya ang aking balakang. Nang lingunin ko siya, nakangisi ito sa akin. May pakindat pa nga. Tingin ko ay nasa early forty's siya. "Bago ka dito?" Hindi ako nakasagot agad. Gustong-gusto ko siyang sapakin. Kalaunan ay tumango ako. Tigagal pa din sa nangyari. "Ang ganda at sexy mo." So? "Magkano ka?" What the hell?! "Hindi po ako lumalabas, Sir..." Ngumiti ako. Medyo may takot na naramdaman. "Oh? Name your price. I like you." Umiling ako. Pinipilit na ngumiti kahit na naiiyak ako sa ginawa niya. Hinila pa niya ang kamay ko. "Come on, name your price. Kaya ko..." Umiling-iling ako. Pilit kong kinakalas ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Sir, hindi po talaga..." Tumatawa itong binitawan ako. Lumayo na din ako agad. Nagpunta ako sa gilid. Naiiyak. Sabi ni Kamielle, kinausap daw ng lalake ang boss namin. Gusto akong ilabas. Sinabi daw ni Sir na bago lang ako. Nagtanong pa nga daw kung virgin ba ako. Babayaran daw niya ako ng mas malaki pa. Napangiwi ako. Malaki ang tip pero tulala ako na lumabas ng bar. Sa labas, laking gulat ko nang makita iyong manyakis kanina na duguan ang nguso. May dugo ding umaagos sa kaniyang ilong. "Ano'ng nangyari?" nagtatakang tanong ko kay Kamielle. Nagkibit balikat naman siya. "Manyakis, e. Baka may binastos na iba pang waitress na bata ng mga politiko i malaking tao." Tumango ako. Hindi naman ako naawa sa kaniya. He deserve it. "Mielle, Nette, hindi ko kayo maisasabay ngayon, ha..." Tiningnan namin si Robin. Akbay niya iyong isang dancer. Ngumiti ako at tumango. "Ayos lang. Ingat kayo." Pinisil pa niya ang puwetan ng babae, kaya napapailing na lang ako. Kalalabas lang naman nina Benj at Malcolm. May sinasabi si Malcolm habang tahimik namang nakikinig si Benj, nakasuksok pa ang mga kamay sa kaniyang bulsa. Guwapo talaga kahit masungit. Ma-appeal din talaga iyong lalakeng seryoso. Pero ewan ko lang kung okay na gawing boyfriend ang ganito. Mukhang walang emotional intelligence. May huminto na sasakyan sa tapat namin ni Kamielle kaya napunta doon ang atensyon namin. Bumaba ang salamin sa back seat. Sumilip ang isang lalakeng may lahing banyaga. "Hi," bati ni Kamielle sa kaniya. "Hop in," utos nito kay Kamielle. Ngayon, mukhang mag-isa akong uuwi. "Kaya mo na bang umuwi?" tanong ng kaibigan ko. Tumango ako. "Oo. Kaya ko na." Ayaw ko namang magpabebe. Saka hindi niya ako responsibilidad. "Ingat..." Sumakay na si Kamielle. Nag-abang naman ako ng taxi kaso puro puno ang dumadaan. "Nette," tawag sa akin ni Malcolm. "Saan ka uuwi?" "Ah, sa Sampaloc po, Sir." "Doon din ang daan ni Benj, sumabay ka na lang sa kaniya." Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko ang lalake. Ang seryoso ng mukha. Mukha bang gusto niya akong isabay? Ang sungit ng itsura. "Hindi na. Nakakahiya naman." "Sumabay ka na..." Hinila ako ni Malcolm hanggang sa sasakyan ni Benj. Papasok na din ng sasakyan ang lalake. Binuksan ni Malcolm ang pintuan saka ako tinulak. Nakakainis! "Ah, nakakahiya..." giit ko naman. "Huwag ka ng mahiya. Mahirap sumakay ngayon." Naupo na ako. "Ah, okay lang?" tanong ko kay Benj. Hindi man lang sumagot. Umalis na si Malcolm. At hindi ko alam kung bakit hindi pa kami umaalis. Ayaw ba niya akong ihatid? Nakakahiya! "Ah. Mag-taxi na lang ako." "Seatbelt." Ah, hindi pa nga pala ako nag-seat belt. Ngumiti ako saka inayos ang seatbelt ko. Kaso hindi ko alam paano. Nagulat ako nang tulungan niya ako. Halos maduling pa ako sa lapit naming dalawa. Pagkatapos ayusin ang seatbelt ko, umayos na siya ng upo at pinatakbo na ang sasakyan. Ilang na ilang ako. Hindi ko din alam kung bakit nagpapilit ako kay Malcolm. Nakatingin ako sa may bintana habang nasa biyahe. Hindi ko alam kung dapat bang may sabihin ako. Hindi man lang niya binuksan ang stereo ng kaniyang sasakyan. Mas lalong nakakailang ang katahimikan na bumabalot sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD