CHAPTER 7

1725 Words
Kamuntik akong ma-late sa unang klase ko. Mahilo-hilo pa ako habang sumasagot sa surprise quiz ng pangalawang subject namin. Mabuti na lang at tatlo lang ang mali ko out of forty items. Bumili ako ng juice at pancit. Hindi ko na kaya ang gutom ko. Hindi ko na din kailangang magtiis pa dahil may pera na ako at trabaho. Binalik ko ang inutang kong pera sa mga kaibigan ko. Hindi ko na din nagamit dahil makikiluto na lang ako kay Kamielle mula ngayon. Habang kumakain, binabasa ko na iyong textbook para sa next subject. "Okay ka na?" Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. "Oo. Okay naman. Bakit?" "Kasi nitong nakaraan, mukha kang hindi okay." Napansin pala nila iyon? "Hinihintay ka lang namin na magkuwento..." Ngumiti ako. Ayaw ko lang naman na idamay sila sa problema ko. Saka kilala ko sila. Hindi sila ganoon ka-open minded. "Ayos na. Delay kasi ang padala ni Tita. Tapos ubos na ang stocks ko at gasul. Umalis din ang boardmate ko kaya wala na akong mapaglutuan na rice cooker." "Bakit di ka nagsabi? Di, sana nadamay ka namin sa baon namin." I shook my head. Alam ko naman na sakto lang ang pera nila. Umaasa lang din sila sa padala ng mga magulang nila sa probinsya. "Ayos naman na ako. Don't worry..." Malaki pa ang balance ko sa tuition fee pero mababayaran ko naman iyon. Sa bakasyon, mag-iipon ako ng pang-enroll. Sana lang malaki ang makuha kong tip mamayang gabi. Humikab ako. One hour and thirty minutes naman ang break time namin, kaya puwede pa akong umidlip. Hindi ko na talaga kayang labanan ang antok ko. Habang nasa last subject, hindi ko na maintindihan ang kaba at pagkabalisa na nararamdaman ko. Excited ako na natatakot. "Lynette, sama ka sa amin?" aya na naman ng mga kaklase ko. Maglalaro daw sila sa Tom's world ngayon. Umiling ako. "Wala pa akong pera, e," sagot ko na lang. Totoo din naman. Hindi ko na lang sinabi na may trabaho ako. Four pm, nasa boarding house na ako. Dadaan pa nga sana ako sa mall kanina, para tingnan iyong mga bata, pero siguro sa susunod na lang. Gusto ko munang matulog bago ang shift ko ngayong gabi. Ginising ako ni Kamielle bandang alas-sais. "Bakla, male-late na tayo!" Napabalikwas ako. Nagmamadali na akong pumasok ng banyo para maligo. Hindi pa naliligo si Kamielle. Busy sa kaniyang celphone. Kinikilig pa ito. "Bumili na ako ng ulam," sabi niya. Nagsaing naman ako kanina bago ako umalis, kaya may kanin na kami. Kaunti lang ang kinain namin. May free food daw mamaya sa bar, kaya hindi kami magugutuman. "Magpraktis kang mag-make up dahil minsan hindi ako dito manggagaling pag papasok ng bar..." Naiintindihan ko. Tingin ko ay tumatanggap pa din siya ng client paminsan-minsan. Client na lang, mas disente pakinggan. Maaga pa lang pero halos mapuno na ang bar. Hile-hilera ang mga bar dito sa street na 'to, pero kataka-taka na napuno pa din ang bar. Punuan daw talaga ang lahat ng bar kapag weekends sabi nila. Mula pagpasok, aligaga na ako sa pagkuha at pag-serve ng order. Air-conditioned naman ang buong lugar pero medyo namamasa na ang katawan ko dahil sa pawis. Alas-onse y media nang madagdagan pa ang bilang ng mga tao. May mga pagkakataon pa na nakakalimutan ko iyong mga table na dapat kong pagdalhan ng ordered na drinks. Nakaka-stress. Dagdag pa ang ingay at nakakahilong ilaw kaya doble na agad ang pagod ko, kahit ilang oras pa lang akong nagtatrabaho. "Nette..." basa ng lalake sa name tag ko. Nginitian ko ito. Pinalinis ng kasama niya iyong table. "Bago ka lang?" "Opo, Sir..." Ayaw ko sanang nakikipag-usap, dahil madaming customer kaso maayos naman itong makipag-usap. Hindi gaya ng iba na bastos. May isa pa kanina na kinukulit ako sa number ko. Nagprisinta din na ihatid daw ako sa bahay. Magalang ko siyang tinanggihan kahit na nakakairita na siya. Hindi kaguwapuhan, may katandaan na din. Pero kung ibang babae siguro, papatulan siya dahil mayaman. Wala siyang wallet dahil hindi naman kasya sa wallet niya ang bundle ng pera. Dalawang bundle ng tag-iisang libo ang kaniyang pera. Kailangan ko ng tip kaya pinakitunguhan ko na lang ng mabuti. Sabi ng mga kasamahan ko, malaki daw magbigay ng tip ang lalake, iyon nga lang nakakabuisit ang kulit niya. Kailangan kong maka-tip ng malaki ngayong gabi. Napatili ako nang may humipo ng aking hita. Nang lingunin ko ang lalake, nakangisi ito sa akin. Na-shock ako sa ginawa niya at matagal-tagal bago ako nakabawi. Ito ang ayaw ko sa trabaho na 'to. Iyong babastusin ka. "Dondi!" Tinawag pa nito ang boss ko kaya kinabahan ako. Napatingin sa gawi ko si Kamielle. Kunot ang noo. "Boss?" Nagmamadali namang lumapit si Sir sa amin. "Bakit hindi siya kasama sa dancers mo?" tanong ng lalake habang nakaturo sa akin. Napasinghap ako. Nagkamot ng ulo ang boss ko, bago natawa. Mukhang maging siya ay nataranta sa ginawa ng regular customer niya. Binulungan siya ni Sir. Tumawa ang lalake, sabay tapik sa likod ng boss ko. Na-curious tuloy ako kung ano ang binulong nito sa lalake. "Isang Blanco," sabi nito sa akin na may kasama pang kindat. Nagmamadali na akong lumapit sa bartender upang kunin ang order ng lalake. Lumapit din sa akin si Kamielle. "Ayos ka lang?" "Ah, oo. Hinipuan ako sa hita, e. Nagulat ako." Tinapik niya ang balikat ko. "Kalimutan mo na lang iyon." Tumango-tango ako. Ano pa nga ba? May magagawa pa ba ako? Nang makuha ko ang isang bote ng tequila ay agad ko nang dinala sa customer. May kasama na silang mga babae sa table nila, pero grabe pa din siya kung makatingin sa akin. Tingin ko ay nasa late forty's na siya. Tsk! Imposibleng wala siyang asawa. Kawawa naman ang asawa ng babaerong 'to. Napalinga ako sa buong paligid at napansin ko iyong isang table sa dulo. Iba na ang nakaupo doon. Bagong customer na. Lumapit ako at kamuntik pa akong madapa nang makita ko ang lalakeng nakaupo sa gitna. "G-Good evening, Sir..." Pero hatinggabi na. Mag-aalauna na. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay jina-judge niya ako ngayon. Nakita niya akong bumili sa supermarket gamit ang mga centavo na inipon ko, tapos kinulang pa. Tapos ilang beses akong nasa supermarket para kumain doon sa nagsa-sampling. Nakatingin din sa akin ang dalawang lalakeng kasama niya. May amusement akong nakikita sa kanilang mga mata. Tumikhim ako. "May I take your order, Sir?" Kahit naiilang, nagawa ko pa ding ngumiti sa kanila ng hindi nagmumukhang constipated. "Nette..." basa ng isang lalake sa aking name tag. Ngumiti ako dito. Gaya ng lalakeng nasa gitna nila, guwapo din ang mga ito. Pasimple kong sinulyapan iyong lalake para lang mapasinghap. Bakit ba ganoon siya kung makatingin? Parang galit. "Don Julio 1942..." Ngumiti ako at tumango. "Anything else, Sir?" "Iyon na muna, Nette..." Nakangitian kami ng dalawang lalake. Iyong isa, hindi na ngumiti. Ang sungit ng kaniyang mukha. Mas dumoble tuloy ang kaba ko. Nang tumalikod ako, nagtawanan ang dalawang lalake. Pagkabigay ko ng order nila, lumipat naman ako sa ibang table. Iyong makulit na customer, tinatawag kasi ako. "Yes, Sir?" "Ikaw naman, Nette... Robin na lang." Ngumiti ako. "Pahingi ako ng tissue, Nette..." magiliw niyang utos. Ngumiti ako. "Okay, Sir Robin." Nadaanan ko naman ang table nung nanghipo sa akin kanina. "Nette... Hindi mo na ako binalikan," nagtatampo niyang saad. Ngumiti ako at bahagyang huminto muna upang tanungin kung may order pa ba siya. "Two bottled water, please... Bagong glass na din." Tumango ako. Nang ilapag ko sa table ang bottled water, hinaplos pa niya ang mga daliri ko, paakyat sa aking braso. Nanigas ako. Pinigilan ko ang sarili na huwag siyang batukan. Kainis! Nakakainis talaga siya! Pasimple akong lumayo at nginitian siya. "Kapag may kailangan ka pa po, Sir. Nasa counter lang po ako." Tinalikuran ko na siya para dalhin ang tissue sa table ni Robin. "Oh, Nette... Mukha kang stress..." Ngumiti lang ako. "Hindi naman po, Sir Robin." "Oh, heto... Para mabawasan ang stress mo." Hinawakan niya ang kamay ko. Naglagay siya ng isang libo sa palad ko. "Salamat po, Sir Robin." Kinindatan naman niya ako. Sabay na nagtaas ng kamay iyong manyakis at iyong grupo ng guwapong lalake na masungit. Inuna ko na muna iyong si guwapong masungit. Naalala ko ilang beses pala akong nabasa dahil sa kaniya, tapos pupunta siya dito at tila galit kung tumingin sa akin. "Hi, Nette. Pahingi kami ng tissue," nakangiti at magalang ang pagkakasabi ng kasama niya. Buti pa ang mga kaibigan niya, mabait. Siya... Naku! "Okay, Sir." "Nette, na-miss kita agad..." Itong manyakis na 'to, nilalandi talaga ako kahit na may mga kasama na siyang mga babae. Nagngising aso ako. "Dalawang ladies drink, please..." Tumango ako. Nakaka-stress ang gabi, pero alam ko na may mas nakaka-stress pang shift sa mga susunod kaya dapat masanay na lang ako. Wala akong magagawa. Ito ang trabaho ko at kailangan ko ang trabaho na 'to para hindi ako mahinto sa pag-aaral. Nang matapos ang trabaho, nagsabi si Robin na sa kaniya na kami sumabay. Naghihintay din sa labas ang manyakis. Wala na iyong mga babae na kasama niya kanina. "Nette, ihatid na kita sa bahay mo..." Napangiwi ako. Palabas din ang tatlong guwapong lalake. Hindi sila agad dumiretso sa kanilang sasakyan. Nakatingin sila sa gawi namin ni Kamielle. "Uy, di ba sila iyong kagabi?" bulong ni Kamielle. "Sila iyong sa Nocturne, di ba?" Tumango na lang ako. "Sabi mo, hindi mo kilala?" "Hindi nga..." tanggi ko naman. "Hindi ako naniniwala..." "Mielle, Nette, tara na," aya ni Robin. "Kay Robin na lang tayo. Hindi iyan namimilit kapag ayaw," sabi ni Kamielle. "Basta hindi tayo mapapahamak, ha?" "Hindi iyan. Akong bahala..." Bago sumakay ng sasakyan, nilingon ko muna iyong tatlong lalake. Nakatayo pa din sila doon. Nakangisi iyong dalawang lalake habang iyong masungit ay nanatiling masungit ang mukha. Sa Nocturne sila regular, e. Bakit kaya sila lumipat dito sa Apollo? Tsk! Ang mahalaga, nag-tip sila sa akin. Sana bumalik ulit sila. Malaki ang kinita ko ngayong gabi sa tip at komisyon sa mga bottle na orders. Makakapagbayad na ulit ako sa balanse ko sa Monday. Malaki-laki pa ang balanse ko pero alam kong mababayaran ko iyon bago matapos ang semester. Salamat, Lord. Hindi ko alam kung may sinasabi ba sa biblya na bawal mag-work sa bar, pero hindi naman po ako magbebenta ng aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD