CHAPTER 1

761 Words
Malungkot akong naglalakad dito sa pathwalk. Kagabi ay nakarating sa akin ang masamang balita. Nagkasakit daw si Tita at kinakailangan niyang tumigil sa pagtatrabaho. Siya ang bunsong kapatid ni Papa. Siya din ang tumutulong sa pagpapaaral sa akin at sa iba pa niyang pamangkin. Ngayon na matitigil na siya sa kaniyang trabaho, baka matitigil na din ako sa aking pag-aaral. Third year college na ako. Tatlong semester na lang magtatapos na ako. Sayang naman kung hindi ako ga-graduate. Gustong-gusto ko pa man ding magtapos. Bumuntong hininga ako. May exam pa man din kami next week pero heto ako parang nawalan na ng gana sa pag-aaral. Hanggang matapos ang morning class ko ay matamlay na ako. Napansin tuloy ito ng aking mga kaibigan. "Puyat ka ba?" tanong ni Allen. "Hindi. Wala lang ako sa mood." Ayaw ko munang magkuwento sa kaniya tungkol sa problema ko. Baka kasi makagawa ako ng solusyon. Gagawan ko ng paraan para mairaos ang sem na 'to. Kung mag-working student ako, baka hindi ko din matututukan ng maigi ang pag-aaral. Ayaw kong tumigil. Gusto kong makapagtapos. Gusto kong maging proud sa akin ang mga magulang ko. Kapag nakapagtapos naman ako, susuklian ko ang kabutihan sa akin ni Tita. Ang tatlong kapatid ko ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil nag-asawa sila agad. Ako na lang ang inaasahan ng mga magulang ko. Napatingin kami sa grupo ng mga sexy na estudyanteng babae na dumaan. Magaganda ang suot nilang damit. Nakakainggit. Mga anak mayaman kaya hindi sila namomroblema sa pera kagaya ko. "Mga sosyalera ang mga iyan. Palibhasa kasi madaming pera," sabi ni Allen. "Mayaman? Sana all." "Mayaman ang mga nadagit." Tumawa sila ni Elma. Kumunot pa ang noo ko dahil hindi ko sila na-gets agad. Hindi ko din kasi kilala ang mga babaeng iyon. Pero tama sila, sosyal sila. May hawak pa silang cup ng kilalang brand ng isang coffee shop. "Mga pokpok sila..." bulong ni Allen sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. I sighed. Napatango ako habang sinusundan na lang ng tingin ang mga babae. Hindi ko sila masisi kung ano ang gusto nilang gawin. That's their way of survival. At kung ano man ang dahilan nila, wala tayong karapatan na mangialam. I'm not in the right position to judge them. We have our own struggles in life and we also have our own ways to cope with it. Pagkatapos ng klase namin ay naglakad-lakad na muna ako sa mall. Nagbabakasakali na may mahanap na trabaho na hindi magiging conflict sa class schedule ko, pero puro service crew ang bakante. Kakainin nito ang oras ko. Mahihirapan akong balansehin ang work at school lalo at ang dami na naming ginagawa ngayon sa school. At kada gabi, dapat nag-aaral ako at gumagawa ng assignments and projects. Naghanap-hanap pa din ako. Hindi ko na din alam kung ano pa ang hinahanap ko. Maybe an idea. A business? Pero wala din akong puhunan. All I have in my wallet is three hundred pesos. Kailangan ko itong mapagkasya hanggang sa may maipadala sina Mama at Papa sa akin. Hindi na makakapagpadala si Tita. I don't want to ask her anymore. Masyado ng mabigat ang nangyayari sa kaniya. "Naghahanap ka ng trabaho?" tanong sa akin ng isang babae. Grupo sila na nakatayo sa gitna ng mall. Napansin siguro nila ang paglinga-linga ko at paghinto sa bawat nakapaskil na papel sa labas ng mga store. O mukha siguro talaga akong nangangailangan. Tumango ako. "Hiring sa company namin. Puwede kang mag-walk in ngayon." Nakatanga lang naman ako habang nagsasalita ang babae. "Nasa tawid lang ang building namin." Binanggit niya ang pangalan ng building. "Ano'ng trabaho?" curious ko namang tanong. Baka nga puwede sa akin. "Call center." Call center, ulit ko sa aking isipan. Kaso mahihirapan akong isabay ang ganitong trabaho sa schedule ko. Sumasakit na ang ulo ko. Wala akong napala. Palabas na ako ng mall nang may makabanggaan ako. Napasinghap ako at napatingin sa aking katawan na mayroong malamig na pakiramdam. Napatanga ako at napatingin sa lalake na dahilan ng pagkabasa ko. "I'm sorry, Miss..." hinging paumanhin ng baritonong boses niya. The guy was six feet tall, matangos ang ilong, expressive ang mga mata. Ang mga labi ay natural na mapula. Pababa na ang hagod ko sa kaniyang katawan nang mapakurap ako. "Sorry," hingi ko ng paumanhin at nagmamadali ng umalis. May natanggap kasi akong text mula sa boardmate ko. May isa akong boardmate na working at madaming alam na raket. May bakante daw sa kanila. Nirekomenda daw niya ako sa boss niya at minamadali na niya akong umuwi para makaalis na kami. Thank, God!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD