Mykolas "Love..." biglang tawag ni Lorna sa inaantok na tinig. Nakabaling ito sa kabilang side ng kama, samantalang ako ay nakaharap sa may likuran niya habang nakayakap ang isang braso ko sa kanya. Ang buong akala ko ay tulog na siya. Well, actually, tulog na tulog na siya kanina pa. Pagkatapos naming kumain ng dinner ay dumiretso na siya dito sa kuwarto. "Yeah?" I mumbled against her hair. Bahagya akong lumayo mula sa kanya nang gumalaw ito upang makabaling paharap sa akin. Agad ko siyang niyakap nang isiniksik niya ang mukha sa may leeg ko. "I'm hungry," bulong nito. "What do you want to eat?" Hinaplos-haplos ko ang mga daliri ng isang kamay ko sa may likuran niya. "Or what do you want me to cook for you?" Sinulyapan ko ng tingin ang orasan sa may ibabaw ng nightstand. Dito kami