The stupid governor left the door of the bathroom wide open. Bukas na bukas iyon! Hindi man lang niya inabala ang sarili niya na itulak pasarado noong pumasok siya. Hindi rin halatang nakalimutan niya! Naririnig ko tuloy hanggang dito ang pagbuhos ng tubig mula sa shower. At malamang sa malamang, hubo't hubad na ang lintik na lalaking iyon sa mga sandaling ito. Hindi komportable ang pakiramdam ko sa tuwing magagawi ang paningin ko sa nakabukakang pintuan. Para kasing tinutukso ako nito na pumasok sa loob at sabayan si Mykolas sa pagligo. O baka gano'n nga talaga ang gustong mangyari ng pesteng gobernador kaya sinadya niyang huwag isarado ang pintuan? "Mykolas, why don't you close the door?" I called out. Naiirita ako na naririnig ang pagbuhos ng tubig. At mas naiirita ako na nakikita