"Bakit ang daming tao na kumakausap at lumalapit sa'yo, Daddy?" Takang tanong ni Ianthe na nakasakay sa balikat ni Mykolas habang naglalakad kami dito sa may fair. Napansin siguro niya iyon dahil simula kaninang dumating kami dito ay halos yata ng mga taong nadatnan namin at nakakasalubong ay binabati siya. Iyong iba ay kinausap pa ngunit sandali lang. Makikitaan mo rin ng pagtataka at pagtatanong iyong mukha ng iba kapag napapatingin sila sa akin—lalo na sa batang nakapasan sa balikat ni Mykolas. Pero kahit gano'ng curious na curious na sila, hindi pa rin sila nagtanong sa kung sino kami sa buhay ng gobernador nila. "Because daddy works here as a public servant," Mykolas answered while holding his daughter's hips to keep her from falling. "Oh, that's why," ani Ian. Marami na ang mga