Chapter 109

2963 Words

Malakas na kumakabog ang dibdib ko at para akong mahihilo sa tuwing sumasagi sa isipan ko na maraming mga tao ang nandito ngayon sa bahay ng mga Ivanov. Hindi ko lubos akalain na dadagsain sila ng mga bisita. Alam ko naman na pinaghandaan nila itong town festival dahil marami silang pagkain na ipinaluto ngunit hindi ko naisip na ganito karaming tao ang pupunta. Ni hindi ko nga alam kung kilala pa ba nila iyong ibang pumapasok sa bakuran nila o hindi na. Bababa na talaga sana ako kanina pagkatapos kong maligo at magbihis ngunit hindi ko itinuloy. Bigla akong ginapangan ng anxiety. Wala naman akong social anxiety noon subalit ngayon yata ay makaka-develop ako. Sanay akong makisalamuha sa mga tao ngunit ngayon yata ay bigla na lamang nagbago iyon. Hindi tuloy ako makalabas dito sa kuwarto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD