Nakakabinging katahimikan ang bumabalot dito sa loob ng sasakyan habang nagba-byahe kami tungo sa apartment. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba ang lalaking seryosong nagmamaneho o hindi. Kinakabahan kasi ako. Halatang wala siya sa mood simula pa kanina—or it's safe to say kagabi. Kanina pa niya ako hindi kinakausap. Tabi man rin kaming natulog kagabi subalit hindi man lang niya ako nagawang yakapin. Nag-iwan siya ng safe distance sa aming dalawa. Ni hindi ko nga alam kung natulog ba talaga siya dahil paggising ko ng alas singko, wala na siya sa kama. Imposible namang sa ibang kuwarto siya natulog. Pagkatapos ko siyang talikuran, at pagkatapos kong tapusin ang usapan namin tungkol doon sa nag-text, humiga pa rin siya sa tabi ko after niyang maglinis ng katawan sa banyo. Hindi na rin ka