Hindi ko alam kung aware ba si Dad na imbitado ang mga Ivanov dito o hindi. O baka alam niya subalit nakalimutan lang niya? Pero sa tingin ko ay hindi rin niya alam dahil bakas ang gulat sa mukha ng ama ko. Ngayon ko lang nalaman na kilala ni tito Larry ang mga Ivanov, at mukhang malapit siya sa kanila dahil kung hindi, hindi naman siguro sila dadalo rito ngayon. Hindi sila babyahe ng malayo! Mabilis kong inalis ang paningin ko sa kanila at halos hilain na si Dad para itago ako. Ipinahid ko rin ang mga palad kong bigla na lamang pinagpawisan dahil sa tensiyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Biglang nawala iyong tapang ko na binuo ko ng limang taon. "Dad..." tawag ko sa ama ko saka pasimpleng humawak sa braso niya. Mabilis itong yumuko at inilapit ang bibig sa may tenga ko. "I