Mykolas talked to the guys while I got comfortable chatting with the girls—lalo na ang usapan namin ay ang tungkol sa pregnancy journey namin. Akala ko nga ay wala pang anak sina Phoebe subalit mayroon na pala, at kambal pa. Hindi nga lang nila isinama ngayon dahil ayon sa kanya, mga chikiting pa. Nasa tatlong taong gulang pa lang ang mga anak nila. Paminsan-minsan ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng inggit sa kanila. All through their pregnancy journey, kasama nila ang mga asawa nila—yes. Pareho na silang kasal sa mga reaper. Hindi na talaga sila makakatakas pa. Pakiramdam ko nga ay ang dami kong na-miss na happenings sa kanila kahit hindi naman talaga ako malapit na malapit sa kanilang dalawa. Kung tutuusin ay ito pa lang yata ang pangalawang beses na nagkausap kami. Lmingon