Kinagabihan ay nagtungo kaming lahat sa may town plaza para pakinggan ang sasabihin ng butihing gobernador para sa mga tao ng San Ildefonso. Iba ang ayos ng stage at ng buong plaza ngayon kumpara sa dati. Or baka iba-iba talaga ang pag-aayos na ginagawa nila dito every year? Marami na ring mga tao. Mayroon na ring banda na tumutugtog at singer na kumakanta sa itaas ng entablado para magbigay ng kasiyahan. Hindi ko lang alam kung anu-ano at kung sinu-sino pa ang magpe-perform dito ngayong gabi. "Mommy..." naiinip na wika ng anak ko. At alam ko na kung ano ang gusto niya. Kanina pa niya ako inaayang magpunta roon sa may fair subalit hindi kami makaalis dito sa backstage dahil kay Mykolas. Kung kani-kanino na rin niya kami naipakilala. Nahihiya na ako sa tuwing makikita 'yong gulat sa mga